ch 17

1.6K 111 19
                                    

Hope POV

Ilang weeks narin ang nakalipas since, I started going out with Mavy. Okay naman dahil magkababata kami and bestfriends. We know what we both like and dislike kumabaga komportable na kami sa isa't isa. Bata pa lang kami si Mavy na ang puntahan ko pag may problema ako and he's always there to comfort me when I'm sad dahil sa holidays, events and important occasions na namissed ni daddy because busy siya sa work niya. I understand naman na important ang pag silbihan ang kapwa pero siyempre hindi ko mapigilan ma lungkot noon lalo na pag may mga programs sa school na nakikita ko ang mga kaklase ko kasama nila ang kanilang ama. He was always there for me through ups and downs kaya i want to give him a chance. Si Karma naman ayun hindi parin kami nagpapansinan masyado and balik na naman siya sa dati na uptight and lage naka poker face.

Pag uwi ko galing school natuwa ako ng makita ko ang mga nagkalat na maleta sa may hagdan. Bigla naman may yumakap sa akin at alam ko ang fragrance na yun.

"Maaaaa!" Masaya kong hiyaw.

Hinarap ko siya at niyakap narin ng mahigpit. I missed my mother.

"Anak pumapayat ka ata hindi ka ba pinapakain ng ama mo?" Nag aalalang tanong niya sa akin habang kinakapa ang katawan ko.

"Pinapakain ko yan noh breakfast, lunch and dinner" bigla naman dating ni Papa kasama si Ate Faith. Tinakbo ko naman si Ate para yakapin. I missed them both. Niyakap ko din si ate ng mahigpit na parang wala ng bukas dahil bukod kay Mavy siya din ang takbuhan ko pag malungkot ako.

"Sis balita ko you and Mavy are dating now... Sa wakas pinag bigyan mo na din yung mokong na yun ang tagal na niya may crush sayo." Nakangiting sabi niya.

"I like Mavy for you because we know his family and nasubaybayan ko ang pag lake ng batang yan. He is such a gentleman" dagdag naman ni mama.

Wow botong boto sila kay Mavy kayo na kaya makipag date sa kanya.

"Yeah matagal na kasi siya nangungulit kaya, im giving him a chance."

"Kamusta naman pag aaral mo anak?" Sunod na tanong ni mama.

"Ummm it's -" d ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok bigla si Karma.

"OMG" nakangiting sabi ni Ate Faith at bigla siyang tumakbo papunta kay Karma at niyakap siya.

Okaaaaaaaay?????? They know each other??? At biglang tumaas ang kilay ko.

Bigla naman umiwalas ang mukha ni Karma na kanina naka pokerface the whole day and she's actually smiling at ang higpit ng pagkayakap nila sa isa't isa. WTF??? IS GOING ON????? sigaw ko sa isip ko.

"Ehem! Andito pa kami oh." Sarkastiko kong pagkasabi.

Bumitaw naman si ate sa kanya sa wakas pero parang mapupunit ang labi niya sa ngiti at bigla naman siya inakbayan ni Karma at ginulo ang buhok.

"Kailan kayo nakabalik?" nakangiting tanong ni Karma kay ate "hello po madam" sabay bati naman niya kay mama "magandang hapon po Sir President" saludo niya kay Papa. Bigla niya ata naalala kung asan siya dahil bumalik ang pagka pormal niya. Binati naman siya ni Mama at ni Papa tapos ay hinila siya ni Ate Faith papalayo sa amin papuntang garden.

Hindi ko alam kung naiinis ako dahil nasa kanya ang attention ni Ate or dahil na kay ate ang attention niya. Helloooooo???? Bigla ba naman ako iwan at minsan ko lang siya makita nakangiti tapos kay ate ngiti at yakap agad ang sinalubong niya. Baket magka ano ano ba sila????? Bwiset!!!

"Naging bodyguard din ng ate mo si Karma pag umuuwi siya dito kaya sila naging close." Paliwanag ni Papa nahalata ata niya ang pagtataka ko.

"Aaaaaaaaaah" lang naisagot ko pero ang gusto ko sabihin sobra naman pagka close nila eh ang alam ko summer vacation lang naman ang nilagi dito ni ate last year tapos ganon na siya makadikit kay Karma parang linta. 

"Hayaan mo na sila at tayo na lang mag kwentuhan" hinila naman ako nila mama sa dining area para mag merienda.

"Si ate po ba hindi mag merienda baka nagugutom na siya" tanong ko kay mama.

"Malake na sila makakakain yung mga yun pag nagutom, kwentuhan mo na lang si mama about you. Kung kamusta ka na at bakit ang payat payat mo ngayon"

Wala na akong magawa at nagpahila na ako sa kanila sa dining area. Nadaanan pa namin ang garden area at narinig ko ang tawanan nilang dalawa at naka angkla pa si ate sa arms ni Karma tapos si Karma naman parang sobrang comfortable siya kay ate para naman biglang kumirot ang puso ko. Alam mo yun yung parang may kumuha ng puso mo sa rib cage mo at sinaksak ng paulit ulit. Never siya naging ganoon sakin. Now I wonder what are those kisses meant? Are those kisses nothing to her? Kasi ilang weeks narin kami nag date ni Mavy pero wala naman siya ginagawa.

I know I want to know how it will feel like to date a guy pero gusto ko din makita ang reaction niya pag nakita niya ako nakipag date pero parang wala naman. Bigla ako nalungkot. Kanina ang saya saya ko dahil andito sila Mama pero ngayon bigla naman ako nalungkot dahil na realise ko that i don't mean anything to her. Mas close pa nga sila ni ate. Did she kiss her too? May mga sweet moments din kaya sila? Or nag assume lang ako? Now I'm doubting every moment we shared.... hindi ko na alam ang pinag kkwentuhan nila mama at papa. Ako na pala ang kinakausap ni Mama.

"Iha? Ok ka lang? Namumutla ka."

"Im okay ma...pagod lang ito sa school ang dami kasing projects and research papers. May i be excuse please? I just want to rest."

"Ofcourse anak." Nagalalang sagot ni mama.

Ayoko sana madaanan ang pinto papunta sa garden pero impossible dahil madadaanan ko ito dahil nasa gitna ito ng papunta sa dining area at sala at malapit ito sa may hagdan papanik ng kwarto ko at hindi ko sinasadya marinig ang pinag uusapan nilang dalawa. Parang siryoso ang usapan nila at ang hina ng boses nila kaya lumapit ako sa pinto.

"So kelan mo sa kanya sasabihin ang totoo?"

"Hindi ko alam Faith, pag ready na ako."

"Kelan naman yun?"

"Kailangan ko na ba talaga sabihin?"

"Look mahal kita-"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni ate. Omg mahal niya si Karma at ayoko marinig ang sasagot sa kanya ni Karma baka hindi ko kayanin. Eto ba ang selos? Am i jealous kay ate? At mahal niya siya? Since when? Binilisan ko ang pagpanik sa kwarto ko dahil parang umikot ang paningin ko. Sila ni Karma? Kaya ba ganun na lang sila ka excite makita ang isa't isa? LDR sila? Pag dating ko sa kwarto ay dumiretso ako agad sa banyo at bigla ako nasuka at pagkatapos ay nakita ko ang sarili ko sa salamin at bigla na lang may tumulong luha sa aking mga mata. She loves her not me.

Nag echo naman sa tenga ko ang sinabi ni ate...
"Look mahal kita"

"Look mahal kita"

"Look mahal kita"

"Look mahal kita"

Humiga ako sa aking kama ni hindi man lang ako nakapag palit ng damit. Parang bigla ako nghina sa mga natuklasan ko ngayon at ang sakit sakit. Kung kanina parang sinaksak ang puso ko ngayon naman ay parang nabiyak ito into pieces. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak.

A/N: Maraming salamat mga peeps sa pag babasa, pag likes at mga comments. Na enjoy ko basahin mga comments niyo. Pasensya na at mabagal ang update busy lang po sa work.

09/17/17

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon