ch 10

2.2K 84 10
                                    

This chapter is SPG, dark and brutal. PLS SKIP THIS CHAPTER KUNG AYAW NIYO SA MGA DARK AND BRUTAL SCENES. Thank you!

Karma POV

Sa isang tahimik at maliit na baryo nakatira ang isang mag-anak, pamilya sila ng magsasaka.  Sa liit ng baryo nila magkakakilala silang mga magkapitbahay at nagtutulungan sila sa oras na may nagigipit or kahit ano man tulong ang kailangan ng isat isa. Nagmamay ari sila ng isang maliit na sakahan at nakatira sila sa isang maliit na kubo lamang, sakto lang sa kanila ang laki ng kubo. Si Matheo Santos ang padre de pamliya at ang kanyang may bahay ay si Milagros Santos at ang nagiisa nilang anak na si Selina Santos. Si Selina ay 5 years old pa lamang.  Ang pamilya Santos ay larawan ng isang simple at masayahin na pamilya. Matulungin at mabait din ang mag asawa kaya kilala sila sa kanilang baryo at dahil naman sobrang cute ng kanilang anak lage siya naiimbitahan sumali sa mga sagala pag buwan ng Mayo or kapag may piyesta naman lage siya naiimbitahan mag sayaw  or kumanta. Bibong bata naman si Selina, hindi siya mahiyain katulad ng ibang bata at sobrang talino din niya.

Maaga gumising si Matheo para kumuha ng fresh eggs galing sa kanilang mga manok at kumuha ng gatas sa kanilang baka, dahil sa pangungulit ni Selina sinasama ito ng kanyang ama para turuan. Si Milagros naman ay nag hahanda ng kanilang agahan. Ang mga nakukuha ni Matheo at Selina ay binebenta nila sa kanilang mga kapitbahay pagkatapos mag agahan at nag titira din sila para sa kanila. Kahit na nag iisang anak si Selina hindi siya sunod sa layaw. Maganda ang pagpapalaki ng mag asawa sa kanya.

Matheo: Pangga malapit na ang kaarawan ng ating anak. Naisip ko ay bilhin yung manyika na matagal na niya pinabibili sa atin dun sa tindahan sa may simbahan.

Milagros: Naku oo nga pangga magandang plano yan. Matagal na niya gusto yung manyika na yun. Pero may naipon ka ba?
Pag aalalang tanong niya sa kanyang asawa.

Niyakap ni Matheo si Milagros sa may likuran habang nag luluto ang kanyang may bahay.

Matheo: Oo naman pangga matagal ko na pinag iipunan yun at pinag iipunan ko narin ang kanyang pagpasok sa eskwela.

Milagros: Talaga? Naku matutuwa ang ating anak.

Matheo: Sabi ko naman sayo ako bahala sa inyo. Gagawin ko lahat maibigay lahat ng kailangan niyong dalawa at diba pinangako ko sayo na papatunayan ko sayo, sayong mga magulang at Mayor na yun na tama ang desisyon mo na ako ang pinili mo.

Hinarap ni Milagros ang kanyang asawa at hinaplos ang kanyang pisngi.

Milagros: Wala kang kailangan patunayan pangga. Mahal kita ng aking buong puso kaya ikaw ang aking pinili at aanhin ko ang kahit na anong mararangyang bagay sa mundo kung hindi ikaw ang aking kasama habang buhay.

Matheo: Mahal na mahal kita pangga.

Milagros: Mahal na mahal din kita pangga.

Hahalikan na sana ni Matheo ang kanyang asawa ng biglang dumating ang kanilang anak at niyakap sila.

Selina: mahal na mahal ko din kayo inay at itay.
Masayang pagkakasabi ng kanilang anak. Tumawa ang mag asawa. Binuhat ni Matheo ang kanilang nag iisang anak at hinalikan ito sa pisngi ganun din ang ginawa ng kanyang ina.

Milagros: Mahal na mahal ka din namin anak.

Binaba ni Matheo si Selina.

Matheo: Aalis na ako para malako ko na itong mga paninda ko.

Tumakbo si Selina kay Matheo at niyakap niya ang ama.

Selina: Sama ako sayo itay.

Matheo: Hindi na anak samahan mo na lang dito ang iyong ina at pakainin mo na lang sila Puti (kalabaw nila) at sila Tuka (inahin nila). Babalik din ako agad pag naubos ko na itong mga ito at malay mo pag uwi ko may pasalubong ako sayo para sa kaarawan mo.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon