ch 19

1.8K 108 17
                                    

Hope POV

Ang aga aga nakaka sakit sa mata ang nakikita ko kasi naman kahit sa van kanina si ate kung makapulupot kay Karma wagas tapos ngayon kahit naglalakad kung maka ankla sa arms niya parang may aagaw. Hindi ba pwedeng magpahinga siya sa kakadikit sa bodyguard ko na dapat binabantayan ako??!! Btw andito kami ngayon sa isang resort namin sa Laguna dapat sa Bora eh pero hindi natuloy for some odd reason kaya sinama ko narin si Finnela siya lang kasi ang free sa mga friends ko and sinama naman nila mama si Mavy and his parents.

"If looks can kill kanina pa sila naka bulagta jan" nanunuksong sabi ni Finnela habang naglalakad kami papunta sa cottage namin.

"What are you talking about ba?" Deny ko naman.

"Hay nako dude kung hindi mo lang pinsan si Karma, I would really think you like her...."

"So hindi problema sayo na pareho kaming babae? Ang prob is pinsan ko siya?" Natawa naman ako dun.

"Who cares? come on 2017 na, if you love someone gender should not matter anymore."

Tumango tango naman ako to agree.

"What if sabihin ko sayo na hindi talaga kami mag pinsan na bodyguard ko talaga siya and for show lang yung mag pinsan kami kasi nga diba ayoko na nakikita ng tao na may bodyguards pa ako sabihin nila pa importante naman ako masyado." Mahabang pag explain ko at ng natapos ako ay naka nganga lang si Fin.

"Omg! Omg! Omg! So ibig sabi---!!" Tinakpan ko bibig niya kasi ang ingay niya at natili pa.

"Ssssh! Ang ingay mo!" Pinag titinginan tuloy kami.

"Eh kasi naman girl kinikilig ako coz that means pwede na maging kayo...omg bagay kayo...."PerMa shipper" na ako ngayon" sabi niya with kilig pa napa face palm naman ako sa hiya.

"Kaya lang friend bakit parang naunahan ka na ata ng "FaMa" kasi ate mo kung makabakod wagas. I didn't know na pareho pala taste niyo sa babae hahahahaha."
Tinignan ko naman siya ng masama.

"Walang nakakatuwa" siryoso kong sabi

"Sorry naman..." nag taas pa siya ng dalawang kamay. "So ano plano mo?"

"Well first aayusin ko muna yung kay Mavy then i will make her mine coz-"

"What Hope wants Hope gets" pag dugtong niya.

"Exactly.." napangiti naman ako sa thought na yun.

"Tsk tsk lumalabas pagka spoiled brat mo girl. Sa tingin mo magpaparaya sayo kapatid mo?"

"Haysh hindi ko alam pero ang alam ko naman straight siya kaya hindi ko magets kung bakit para siyang linta kay Karma."

"Eh bakit ikaw straight ka din naman DATI bago mo pa nakilala ang bodyguard mong super lakas ng dating"

"Oh wag ka na makisali."

"Grabe siya oh! Pati ako pagselosan." Pailing iling na sagot niya.

Narating narin namin ang mga cottages at ang magkakasama sa room ay ako at si Finnela tapos si ate at Karma. Padabog ako pumasok ng kwarto namin at umupo sa kama simula nung dumating si ate hindi ko na nakasama si Karma. Sino ba binabantayan niya? Ako or si ate!? I need to do something, at para naman may bumbilya umilaw sa ibabaw ng ulo ko dahil may naisip na ako para masolo ko siya. Bigla naman naputol ang pagpplan ko sa isip ko ng gagawin ko para masolo si Karma ng biglang tinamaan ako ng unan.

"Wth!? Bakit bigla ka namamato jan!?!" Inis na sabi ko kay Finnela.

"Eh kasi naman para kang timang diyan ang lake ng ngiti mo para kang baliw eh kanina lang nag dadabog ka. You're scaring me..."

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon