Ch 11

2.1K 87 3
                                    

Karma POV

Nakalipas na ang isang buwan at nasa pangangalaga parin ng DSWD si Selina. Pag may time si mayor Rafael ay dumadalaw siya sa bata at ang imbestigasyon sa kaso ng magulang niya ay on going parin. Pareho tinututukan ni Mayor Rafael Fuentez si Selina at ang kaso. Lahat ng updates ay nirereport sa kanya ng general.

Mayor: Doc ano na po ang balita sa bata? Bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagsasalita?

Sabado ngayon at day off ni Mayor kaya dinalaw niya si Selina sa DSWD at sinama niya ang kanyang bunsong anak dahil ayaw tumahan nito kung hindi siya isasama ng ama.

Psychologist: She's suffering from PTSD or Post Traumatic Stress Disorder. It takes time ang mga ganyang kaso, makaka tulong sana kung kasama niya ang kanyang pamilya or kahit sino na pwede makapag papakita sa kanya ng pagmamahal or concern. Lalo matatagalan ang pag recover niya dahil unang una nasa isa siyang orphanage at pangalawa wala siyang tinuturing na pamilya dito.

Mayor: Nag iisang anak lamang si Milagros, wala narin ang kanyang mga magulang. Ang pagkaka alam ko naman tungkol kay Matheo ay wala narin siyang mga kamag anak.

Napa iling na lamang si Mayor sa pagka dismaya at awa sa bata.

Mayor: Napaka bata pa niya to suffer from this kind of tragedy.

Pinagmamasdan niya si Selina habang naka upo ito mag isa sa swing at yakap yakap ang manyika na uwi sa kanya ng ama ng gabi ngyare ang trahedya. May tatlong malalakeng bulas na bata ang lumapit kay Selina at inagaw ng pinaka malakeng bata ang manyika.

Bata 1: Pipe! akin na lang tong laruan mo ah!

Tumayo si Selina sa kinauupuan niyang swing at akmang kukunin ang manyika niya pero tinulak siya nung isa pang bata. Napa upo si Selina sa putikan, wala siya magawa kung hindi umiyak. Lalapitan na sana ni Mayor ang mga bata pero nakita niya ang kanyang anak na lumapit sa kanila. Tinulungan ng anak ni mayor si Selina para tumayo at tinanong siya kung ok lang siya, tumango lamang si Selina.

Anak ni Mayor: Hey you! give her doll back!

Sinigawan niya ang tatlong bullies.

Bata 1: Ano!?! Sino ka ba!?! At wag mo kami ini-ingles!

Anak ni Mayor: Fine! Balik mo sa kanya manyika niya!

Bata 1: Ayoko! Akin na ito! Sino ka ba bakit ang yabang mo!?! Ang liit liit mo naman!

Anak ni Mayor: Papa ko lang naman si Mayor Rafael Fuentez.

Proud na tinuro niya ang kanyang ama sa mga bata. Mabilis na binalik ng mga bullies ang manyika kay Selina.

Anak ni Mayor: Mag sorry kayo sa kanya!

Bata 1, 2 & 3: Sorry Selina....

Sabay sabay sila na parang kumakanta na nag sorry kay Selina sabay tumakbo sila papalayo. Sa unang pagkakataon ay ngumiti si Selina.

Selina: Sa----laaaaa-mat.

Ngayon lang ulit nag salita si Selina after ng trahedya.

Anak ni Mayor: Walang anuman. Ako nga pala si Damaris Hope Fuentes. Halika papakilala kita sa papa ko.

Hinila ni Hope si Selina papunta sa kanyang ama. Gulat na gulat naman ang doctor at si mayor Rafael sa kanilang nasaksihan.

Hope: Papa my new friend si ummm ano nga pala name mo?

Selina: Seee-lina

Nagtinginan ang doctor at si Mayor.

Doctor: Mayor I think may solution na sa pag galling ni Selina. Pag dadalaw kayo dito lage niyo na dalin si Hope maganda ang influence niya kay Selina. This is great progress after a month ngayon lang siya nag salita at ngumiti pa siya.

Mayor Rafael: I have a better idea.

Doctor: What is that Mayor?

Mayor: I will take her home with me and pwede ko siyang dalin dito every week for her session with you or ipapasundo kita para sa bahay na lang kayo magkaron ng treatment session.

Nagulat man ang psychologist pero natuwa naman siya sa kanyang narinig.

Doctor: That's a great idea Mayor. Sige po aayusin ko ang papers niya so she can go with you today.

Mayor: Selina okay lang ba sa iyo na sa amin ka titira pansamantala?

Tinignan lamang ni Selina si Hope.

Hope: Yehey! may bago na akong kalaro and friend.

Ngumiti naman si Selina sa narinig niya kay Hope.

****************************************************

Lumipas ang ilang buwan at maganda ang progress ni Selina. Tuluyan na siyang nakakapag salita ulit. Paminsan minsan ay tulala parin siya pero dahil kay Hope nababawasan ang kanyang takot at trauma. Hindi din naman siya tinuring na iba ng asawa at ng older sister ni Hope. Pamilya ang turing nila sa kanya. Sa guest room siya natutulog katabi ng kwarto ni Hope. Pag nagkakaron siya ng nightmare sa gabi andiyan palage si Hope para gisingin siya and to calm her down. Kahit si Mayor at ang psychologist ni Selina ay manghang mangha sa bonding ng dalawang bata at kahit pareho lamang silang anim na taong gulang nakaka mangha ang pag alalay ni Hope kay Selina. Alam na alam lang niya ang gagawin para tumahan at pakalmahin ang bagong kaibigan.

Lumipas ang panahon at hindi na kinakailangan ng araw araw na psych session ni Selina at lalo naman tumibay ang samahan nila ni Hope naging matalik na magkaibigan na sila. Ngunit dumating ang nakakalungkot na pangyayari. Dahil sa dami ng kaaway ni Mayor Rafael dahil sa hindi siya pumapayag na masuhulan ng kahit na sino ay dumadami ang death treats sa kanya at kanyang pamilya at dahil panahon ng election ay lalo ito tumindi. Ang pinaka kinatakutan niya ay ng may nagpadala ng sulat at bulaklak ng patay sa kanya at sinasabing pag itutuloy niya ang pagtakbo para sa pagiging mayor ulit ay pasasabugin ang kanyang pamilya. Ang asawa ni mayor na si Isabella Ann Fuentez ay natatakot na para sa kaligtasan ng kanilang pamilya kaya nag pasya ang dalawa na maninirahan pansamantala ang kanyang mag iina sa Amerika at dahil hindi niya pa official na inaampon si Selina, hindi siya makakasama sa kanila. Sobrang ikinalungkot ito ng dalawang bata.

*************Araw ng pag alis ng mag-iina.**********

Hope: Babalik ako agad Selina pangako yan.

Malungkot niyang pagkakasabi kay Selina.

Selina: Pangako yan ah?

Tumulo na ang luha ng dalawang bata.

Hope: Oo naman. Sa iyo na itong si Teddy.

Binigay ni Hope ang kanyang paboritong teddy bear kay Selina.

Selina: Pero favorite mong teddy bear si Teddy.

Hope: Ok lang. Para pag nanaginip ka ng masama  yakapin mo lang si Teddy parang ako narin ang kayakap mo.

Selina: Hindi parehas yun kasi si Teddy malambot ikaw buto buto.

Tumawa silang dalawa at pinunasan nila ang luha ng isa't isa. Niyakap naman ni Isabella at Faith (older sister) si Selina upang magpaalam din.

Isabella: Inaayos ng tito mo ang mga papeles mo para maka sunod ka sa amin ah kaya wag kang mag alala magkikita din tayo agad.

Selina: Opo tita. Ingat po kayo dun.

Isabella: Ikaw din at ikaw na bahala sa tito mo ah.

Selina: Opo.

Nag yakapan na si Selina at Hope tapos ay sumakay na si Hope sa kanilang sasakyan at ng umalis na ang kotse ay hinabol sila ni Selina hanggang gate ng mansion, si Hope naman ay nakadungaw sa window ng kotse at kumakaway siya kay Selina.

Selina: BABALIK KA AGAD AH!

Hope: OO PANGAKO!







The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon