chapter 15

3.2K 135 18
                                    

Hope POV

Tumatakbo ako pero hindi ko alam kung san ako patungo. I don't even know where I am although the surrounding is familiar. I stopped running dahil may nakita akong bata na naka upo sa may damuhan. Yakap yakap niya ang kanyang dalawang tuhod, nakatago ang kanyang mukha. Tumingin ako sa paligid pero walang tao kaya nilapitan ko siya at habang palapit ako ng palapit pabilis ng pabilis naman ang tibok ng puso ko and nung malapit na ako sa kanya i can hear her crying, bigla naman ako naawa dahil naiyak siya. Lumuhod ako para magkapantay kami at Hinawakan ko siya sa kanyang balikat.

"Bata bakit ka naiyak?" Hindi parin siya natingin sa akin at patuloy lang siya sa pag iyak kaya umupo ako sa harap niya.

"Bata don't cry na, bilan na lang kita ng ice cream, you want? She stopped crying when I said that kaya napangiti naman ako.

She slowly lifted her face up para tignan ako and I can finally see her face. Those eyes.... those beautiful eyes.

"Se...Selina?"

Bigla naman ako nagising dahil may gumigising sa akin at pag dilat ko ng aking mga mata ay nagulat ako dahil napaka lapit ng mukha ni Karma sa mukha ko. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Those eyes...hindi ako pwede magkamali pareho sila ng mata.

"Hey are you okay?" Kumunot ang ang eyebrows niya dahil sa pag titig ko sa kanya.

"Ummmm yeah... bad dream." Mahina kong sabi sa kanya.

"I can tell, naka simangot ka kahit natutulog ka eh. Do you want to talk about it?"

"No, thank you I'm fine. Anong oras na ba?" Napansin ko kasi naka sports bra lang siya and jogging pants at mukhang kakatapos lang niya tumakbo. Napatingin naman ako sa abs niya at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kung hindi pa siya nag salita.

"Baka matunaw yan?" Naka taas ang kilay niya pero may naglalarong ngiti sa kanyang labi kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung san ako titingin kaya yumuko na lang ako. I can feel her stare and i know she's smiling.

Sana kainin ako ng lupa, nakakahiya! She saw me checking her out. I'm sure namumula ako. Bakit naman kasi lage naka display ang yummy niyang abs!?! Ano sabi mo ineng yummy??? Talaga naman ah! Hay naku bakit ko ba kinakausap sarili ko. Haysh!

"Bakit mo ba ako ginising? Ang aga pa oh." Tinignan ko ang orasan 6am palang. Wala naman pasok nggigising siya. Andito parin kasi kami sa province niya. Napag desisyunan kasi namin since andito narin kami mag stay na kami ng whole weekend.

"Narinig ko kasi ungol mo akala ko kung ano ngyayare sau kaya pumasok ako dito at nakita kitang binabangungot" naka pokerface niyang sabi.

"Ok na ako kaya labas na matutulog na ako ulit" pasuplada kong sabi sa kanya. Humiga ako ulit ako ng patalikod sa kanya tapos ay tinalukbong ko ang kumot ko sa mukha ko. Narinig ko na lang sumarado ang pinto ko at nakahinga ako ng maluwag.

Haysh Karma! You make my heart beat fast and calm me down at the same time. I feel secure when I'm with you. I don't know kung bakit ako ganito sayo tas nung last time pumayag ako halikan ka and ang masaklap nung kakarating ko lang dito i kissed you! Isinubsub ko ang ulo ko sa unan para sumigaw dahil naiinis ako at nalilito ako. Siguro dapat mag bf na ako para hindi ako nagkakaganito sa kanya. Tama bibigyan ko na ng chance si Mavy since yun naman gusto ni Papa.

******
Knock!

Knock!

Knock!

Nagising ako dahil sa katok sa room ko. Naka tulog pala ako ulit dahil sa pag iisip.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon