ch. 18

1.8K 112 21
                                    

Hope's POV

"Hey lil sis" masayang bati sakin ni ate habang natulong sa pag handa ng dinner.

"Hi. Si mama ba ang nag luto?" Nagmake up ako para hindi nila mahalata umiyak ako.

"Yup kaya for sure gaganahan ka kumain" my ate said with a smile on her face.

"Wow tagal ko na hindi natitikman luto ni mama" and on cue bigla lumabas si mama hawak hawak ang niluto niyang pochero. Para naman ako biglang nag laway at nagutom.

"Kaya dapat madami kang kainin." Nakangiti din sabi ni mama tas bigla naman dumating si papa galing ata sa meeting naka suit pa siya.

"Ayos dating mo Pa ah sakto sa pagka luto ng pagkain. Parang alam na alam mo lang." Panunukso ni ate kay Papa.

"Siyempre namiss ko din ang napaka sarap na luto ng mama niyo na hindi kaya tumbasan or lagpasan ng kahit na sinong chef"

"Oh tama na ang pambobola at umupo na kayo" natawa naman kami ni ate sa sinabi ni mama at papa. Sinunod namin si mama at umupo na kami sa aming mga pwesto. I miss this ang kumpleto kami, minsan lang mangyari ito.

"Asan nga pala si Karma? Bakit hindi pa siya sumabay sa atin?" Tanong ni mama. Kelan pa sila naging close? Napatigil naman ako sa pag tawa sa tanong niyang yun at napatingin kay ate dahil sa kanya hinahanap ang bodyguard ko. Hindi ba dapat sa akin siya naka buntot dahil ako ang binabantayan pero bakit kay ate siya hinahanap?

"Oo nga Faith where is she?" Tanong din ni Papa.

"In her room. Dun ko siya iniwan kanina bago ako bumaba dito para tulungan si mama." Kibit balikat na pagkasabi ni ate. Bigla naman ako nasamid sa iniinom kong tubig sa narinig ko. Sa kwarto ni Karma siya galing??? Ano ginagawa nila doon? Pwede naman sila mag usap sa garden bakit doon pa sila sa kwarto niya!?! Ako nga never nakatungtung sa kwarto niya tapos siya kakadating lang niya nakapasok na agad siya doon. Tsk tsk!

Hinahagod naman ni ate yung likod ko dahil sa pagkasamid ko.

"Ok ka lang ba anak?" Pag aalalang tanong ni mama. Tumango tango lang ako para sabihin na ok naman ako.

"Mam Hope may bisita po kayo" sabi ng kasambahay namin. Nagtaka naman ako dahil wala naman ako inaasahang bisita.

"Sino ho manang?" Nagtataka kong tanong.

Sabay pasok naman ng nakaporma at napaka kisig na si Mavy. Ang gwapo talaga niya kahit san anggulo mo tignan para siyang prinsipe.

"Oh Maverick ikaw pala iho, halikat saluhan mo kami sa pagkain." Anyaya sa kanya ni Papa.

"Ikaw na ba yan Maverick napaka gwapo naman bata nito" puna sa kanya ni mama.

Nagmano naman si Mavy kila mama at papa at nakipag beso pa sa kapatid ko. Nakangiti sa akin na nakakaloko si ate Faith.

"Nabalitaan ko po kasi na umuwi kayo tita kaya dumaan po ako para kamustahin kayo and flowers nga po pala for you and Rain"

Inabot sa kanya ng bodyguard niya ang dala niyang regalo for us. Hihirit sana si ate Faith pero bigla siya inabutan ng favorite cupcake ni Mavy kaya natuwa naman siya. Tumayo naman si Ate para dun na daw sa tabi ko umupo si Mavy dahil ayaw pumayag nila mama na hindi siya sumalo sa dinner. Hindi naman siya makatanggi. Si ate naman tumabi kay mama.

"Parang nagiging mas matikas na ang tindig mo ah Maverick iho"

Patpatin kasi siya noon bata pa kami.

"Nag gym na po kasi ako tita kaya medyo nagkaka laman na" namumulang sabi ni Mavy.

"Keep it up iho dahil bagay sayo, sigurado madami naghahabol sayo mga babae"

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon