ch 7

2.5K 108 4
                                    

Hope POV

Hingal na hingal ako nakarating ng classroom namin, feeling ko nag marathon ako. Tinakbo ko from restroom hanggang dito sa classroom namin. Nakita ko mga kaibigan ko hinihintay ako sa tapat ng room namin. Nilapitan ko na sila after ko makahinga.

"Oh bakit parang hingal na hingal ka? San ka ba galing? May humahabol ba sayo?" -Lhay. Halatang nag aalala siya.

"Asan yung pinsan mong maganda?" -Finnela

Si Honey naman ay hinahagod lang ang aking likod, dahil hindi parin ako maka sagot dahil habol hininga pa din ako.

"Baka kasi malate ako kaya tinakbo ko na simula banyo to here. Na-" Naputol naman ang sinasabi ko ng bigla dumating si Karma. Feeling ko lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko. Ang bilis naman niya, tumakbo din ba siya?

"Sa sobrang pag mamadali mo iniwan mo ko." Nakangiti niyang sabi sakin then she winked at me.

Omg that smile.

"Halika na pumasok na tayo paparating na si prof." -Honey

Pumasok na silang 3 at nang papasok narin ako ay bigla siyang bumulong sakin.

"Hindi pa tayo tapos" -Karma. She whispered in my ear then she smirked.

Para akong na estatwa sa kinakatayuan ko. Nanuyo ang aking lalamunan. Ano ang ibig niyang sabihin? Tinignan ko lang siya na pumasok ng room.

"What are you still doing here outside Ms. Fuentez? Wala ka bang balak pumasok?" -Prof. Masungit na tanong ni Prof.

"Umm yes sir, sorry po." Natatarang sagot ko naman. Pumasok ako sa loob at kung minamalas ka nga naman talagang magkatabi pa kami ni Karma.

Seating arrangement: Karma, ako, Lhay, Honey, Finnela.

Pero before pa makaupo si Karma our Prof asked her to introduce her self since she's new. Sumisipol pa ang mga lalake while she was walking papunta sa harap, kahit mga babae ay naririnig kong humahanga sa kanya.

"My name is Karma Fuentez, cousin ko si Hope. I grew up in Cali and now I'm here sa Pinas coz of personal reason. Ummm that's it" she smiled at bumalik na siya sa upuan niya. Pagkaupo niya she just winked at me, nagulat ako kaya natameme ako for a sec natauhan lang ako ng narinig ko na nag bubukas na ng mga libro mga kakalase ko.

First day of school went smoothly, i feel safe when I'm with her which is weird coz i never felt that before sa ibang body guards ko. The only time i feel safe is when I'm with my father coz i'm a daddy's girl and now sa kanya. Naputol ang pag iisip ko ng tumigil ang kotse, nasa bahay na pala kami. Sinalubong ako ni yaya, kinamusta niya araw ko at inalok ako ng merienda. After talking to yaya i went straight to my room. Sasaran ko na sana ang pintuan ng room ko ng pigilan niya sumara ang kwarto ko. I forgot na nakasunod pala siya maybe coz I'm tired.

"Anong meron sa inyo ng Maverick na yun?" Karma asked me like she's interrogating me.

Tumaas ang kilay ko at namewang ako.

"Why do you need to know?" Masungit kong tanong.

"Kung ayaw mo sabihin i will investigate so kahit ayaw mo sabihin i will find out" -karma with poker face.

"Uggh! You're unbelievable! You don't have the right to invade my privacy!" Inis kong sagot sa kanya.

"It's part of my job to know everyone you associate with" -karma

Ayan na naman yang job job na yan! She irritates me! Pero bakit yung mga kaibigan ko d niya tinatanong? Hmm

"Fine! Kababata ko siya, he's the son of my father's bestfriend and nanliligaw siya sakin. Pwede na po ba akong magpahinga?" May halong pagiging sarkastiko ang pag tatanong ko.

"Do you like him?" Kalmado niyang tanong at nakatingin siya sa mga mata ko this time.

Tumaas ulit ang kilay ko dahil nagulat ako sa biglang pagbabago niya ng mood.

"No, i don't like him..... close lang talga kami. We grew up together sa states"

Parang nakahinga siya ng maluwag after ko sagutin ang tanong niya

"Bakit d mo pa siya bastedin?"

"My dad asked me to give him a chance but he knows how i feel towards him. Are these questions still for security purposes?" Now im teasing her.

"Good" simpleng sagot niya with a hint of a smile on her face. "Yes, you can rest now. I will change clothes then i will come back." Then she left my room.

Nagbihis na ako ng pambahay at nahiga muna ako para makapag pahinga, nilagay ko naman ang earphone sa tenga ko to listen to music. Bigla ko naman naalala ang adventure namin kanina sa banyo, i touched my lips at napapikit ako. I remember her soft and gentle kiss. Hmm ang weird lang niya ang bilis niya nag iba ng mood parang bipolar lang, napangiti ako sa naiisip ko.

"Ms. Sunget at Ms bipolar pa"

"Sino ang bipolar?" Nagulat ako dahil bigla siya lumitaw sa paningin ko. Sa sobrang gulat ko naparolyo ako sa kama at nahulog, napaupo ako sa sahig.

"Ouch!" Grabe ang sakit nun ah. Narinig ko lang siya tawa ng tawa, ngayon ko lang ata narinig siyang tumawa. Ang sarap pakinggan. "Bakit ka ba nandito!? Hindi ka man lang kumatok!" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan niya ako tumayo at hinihimas ko naman ang pwet ko.

Nakakahiya.

"Kumatok po ako, hindi ka nasagot kaya pumasok na ako."

"What do you want?" Masungit kong tanong.

"Your father is home, time for dinner."

"Ok." Tipid kong sagot sa kanya.

Dinner went well. Inusisa ni papa ang day ko and i asked about his day din. Tas nag kulitan at biruan na lang kami. I missed this, having dinner with him sila mama na lang ang kulang. After kumain ay dumiretso ako sa garden to drink my tea.

Kitang kita ang mga bituin at ang bilog na buwan sa langit.

"Ang ganda" manghang mangha kong pagkakasabi dahil ang daming stars.

"Sobra" mahina niyang sabi at nilingon ko siya, d ko inaasahan na nakatingin pala siya sakin. Nagtitigan kami ng ilang segundo ng bigla dumating si yaya para iabot sakin ang aking green tea.

After 30 mins

After ko mag tea ay dumiretso na ako sa aking kwarto. I did my usual routine. Pagkahiga ko ay pinikit ko na agad ang aking mata. Mukha ni Karma ang nakita ko, smiling at me kaya nakangiti din akong nakatulog ng tuluyan.




A/N: Maraming salamat sa mga nagbabasa at nag vote. I truly appreciate you all. Happy New year everyone!

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon