ch 8

2.7K 108 1
                                    

Hope POV

Dumaan ang mga linggo at nagiging mas komportable na kami sa isa't isa ni Karma. Nababawasan narin ang pagka masungit niya ng slight lang. Pag nasa labas kami kahit hindi sa campus mag pinsan/body guard ko siya pero pag nasa loob lang kami ng white house body guard ko lang siya. Napansin ko din na mas siryoso siya pag nasa white house kami kasi when we're outside medyo mas loosen up siya. Hindi narin na ulit pa yung ngyare samin sa comfort room nung first day of school. Well, today is valentines day and as usual wala akong date hahaha wala man lang nag aya meron naman pala pero si mavy lang which hindi siya counted for me kc ayoko sa kanya kababata/friend lang talaga tingin ko sa kanya.

I normally spend my valentines day sa bahay ampunan giving gifts to kids who doesn't have family. For me kasi valentines day is not only for couples but for everyone, we should spread love everyday naman diba. Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok.

Knock!

Knock!

Knock!

"Yes?"

"Everything is ready." -Karma

"Ok. I'm done na. Baba na ako. Thank you."

Tinignan ko ulit sarili ko sa salamin. I'm wearing a light pink floral casual dress na lagpas hanggang tuhod, sleeveless at white casual leather sandals. Simple lang pero malakas ang dating ang goal ko for today and i think na achieve ko naman ng bonggang bongga.

Karma is waiting for me sa end ng stairs. While I'm going down stairs hindi niya ata namalayan na bumababa na ako at napa 2nd look pa siya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya and since hindi naman niya inaalis tingin niya sakin tumitig narin ako sa kanya. Sinuklian naman niya ang aking ngiti ng isang matamis na ngiti din kita dimple niya sa left cheek niya. Isa lang dimple niya at ang cute lang. When i reach the end of the stairs ay nilahad niya ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman ito.

Nakababa na ako ng hagdan pero hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Nilapit niya ang kanyang mukha sakin at binulungan niya ako. I can feel her breathing sa cheek ko.

"You're so beautiful" -Karma

Ang bango niya grabe. Pati hininga niya ang bango amoy mint. Namula ang pisngi ko sa narinig ko from her. First time niya ako bigyan ng compliment. I didn't know what to do kaya nag smile na lang ako sa kanya. It's not the first time na may nag sabi sakin nun pero parang tagos hanggang buto ng sa kanya ko narinig. Naputol ang titigan war namin ng narinig ko si papa na tinawag ako galing sa likod ko.

"My princess hindi ka ba sasama sa akin mag simba?" Mahinahon na tanong ni Papa sakin.

Nilingon ko si papa. Niyakap ko siya at humalik sa cheeks.

"Pa inaantay po ako nila sister at ng mga bata and may misa din naman dun kaya dun na lang ako mag sisimba."

"Okay, paki sabi na lang kila sister at father na pasensya na at d ako makakarating may outreach program din ako pupuntahan."

"Yes, Pa alam naman nila busy ka today. I already told them na pupuntahan mo yung mga nasalanta ng bagyo sa Tarlac. I really want to go with you pero the kids are expecting me na nasanay na sila andun ako pag valentines."

"It's ok anak I understand." Hinigpitan ni papa ang yakap niya sakin. Nakayakap ako sa kanya habang naglalakad kami papunta ng kotse. Binuksan naman ni Karma ang pintuan ko at dun lang ako binitawan ni Papa.

"Karma ikaw na bahala sa prinsesa ko, alagaan mo siya."

"Yes sir."

"Sige na pa alis na kami baka ma-late pa kami. Happy valentines." Humalik na ako sa cheek ni papa at sumakay na ako sa kotse at sinaran naman ni Karma ang pintuan ko.

The PRESIDENT'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon