Lumipas ang araw na palagi na ngang tumatambay si Din sa pwesto namin.. Syempre kasama sila Rofer.. Unti unti ko na nga ring nakikila sya.. Ang kwento pa, ang mga magulang ni Din ay taga dito talaga sa Davao.. Pinag'aral lang sya doon sa maynila dahil sabi magaganda ang skwelahan doon.. Pero nagbolakbol raw sya kaya pinauwi nalang rito sa Davao at dito na pinag'aral..
Mabait naman sya.. Actually simula nga noong dumating sya hindi na gumagastos sila Rofer sa pagkain nila dahil mismong si Din na ang nagbabayad.. Minsan ko pa ngang napagsabihan si Din, aba'y tinukso pa ako.. May gusto na raw ako kay Din.. Pati nga si Mama nakisali na rin sa panunukso.. Mabuti nalang wala si Tatay kundi lagot ako dun.. May pagka'strikto pa naman yun..
" Nay pwede po ba naming ipagpaalam si Jeejee na sumama sa amin mamaya? Nag'yaya kasi si Din na manglibre.. Naka'isang buwan na raw kasi kaming magkakasama ngayon kaya gusto nyang magcelebrate.. Sige na Nay hindi naman ho namin pababayaan si Jeejee.. " hindi ko alam kung matatawa ba ako sa hitsura ni Rofer habang nagpapaalam kay Nanay.. Unang beses naman kasing nangyari ito na inaya nila ako.. Hindi ko nga alam na may ganito pala silang plano eh.. Papasira na kami at sila naman ay papauwi na.. Wala namang kaso sa akin kung hindi ako papayagan ni Nanay.. Hindi rin naman kasi ako sanay sa mga gala gala na yan..
" Anak anong masasabi mo? " tanong sa akin ni Nanay.. Tiningnan ko pa si Rofer na parang nagmamakaawang aso.. Gusto ko talagang matawa sa pamumukha nya.. Si Din naman ay tahimik lang sa gilid.. Ganun naman sya palagi.. Tahimik lang..
" Alam nyu naman po na hindi ako mahilig sa ganyan Nay.. " sagot ko at ibinaling ulit sa pagtutupi ng ukay ukay ang pansin ko..
" Ang KJ mo talaga JeeJee.. Sige na minsan lang naman eh.. Diba Nay? " si Rofer ulit.. Kung kanina gusto kong matawa ngayon gusto ko nang mainis.. Ganyan talaga ito lage eh..
" Oo nga naman Jee.. Mag'enjoy ka naman.. Ako na ang bahala sa Tatay mo mamaya.. " nakangiti pa talaga si.Nanay habang sinasabi iyon.. Napairap tuloy ako kay Rofer na ngayon ay tuwang tuwa na dahil nakahanap ng kakampi..
Kaya nga ayon, wala akong nagawa kundi ang sumama sa mga kumag.. Pinagbihis pa ako ng maganda ni Nanay pero syempre galing lang din sa ukay ukay.. Hindi naman kasi ako mapili sa damit.. At least may nasusuot diba..
Ang celebration pala na sabi ni Rofer ay magaganap sa mismong bahay ni Din.. Yes, bahay talaga ni Din.. As in sya lang ang nakatira rito.. Ang kwento rin ay ito raw ang hiniling ni Din sa mga magulang para mapapayag syang umuwi.. Hindi condo, hindi apartment kundi bahay talaga na malaki.. Hindi ako tsimosa pero sa pagkakaalam ko may hindi raw pagkakaunawaan si Din at ang mga magulang nya.. Yan ang hindi ko na alam kung bakit.. Hindi kasi ako tsismosa diba..
Bahagya pa akong nabigla na hindi lang pala kami ang nandoon sa bahay kundi may mga babae na din na nandoon.. Bonga nga ang celebration eh dahil parang nagpa cater pa talaga si Din.. Tapos yung mga babae naman ay naka'two piece dahil maliligo raw sila sa infinity pool ni Din.. Ang galing diba.. Parang gusto ko na tuloy umuwi nalang.. Itinatak ko talaga sa isip na pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako.. Lalo pa ngayon na nakataas na ang ilang mga kilay ng mga babae na nandoon.. Inggit lang siguro sila sa kagandahan ko.. Choz!..
" Feel at home guys.. " narinig kong sabi ni Din.. Kita mo nga naman oh, nagsasalita pala 'to.. Akala ko kasi pipi eh.. Nakasunod parin ako kina Rofer nang magpunta na kami sa malaking pool nila sa likod ng bahay.. Napapabuntong hininga nalang ako.. Ang yaman ng mga kasama ko.. Hindi naman sa nangliliit ako kasi wala naman akong pakialam sa mga taong 'to.. Pero alam mo yung may feeling ka talaga na hindi mo maiiwasang ikumpara ang sarili sa kanila.. Kaya para maibsan ang nararamdaman ko kumain nalang ako at uminom.. Hindi ko nga alam kung ano yung iniinom ko kasi masarap naman na parang may alat pa.. Wala naman kasing ganito sa amin..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
RomanceTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story