Matapos nang pangyayaring iyon ay minabuti ko nalang na iwasan si Din.. Next week pa kasi ang umpisa ng klase ko kaya wala akong ibang magawa kundi ang tumunganga lang dito sa bahay.. Maaga parin naman akong nagigising para ipagluto siya nang agahan.. Pero kapag nararamdaman ko nang gising na siya at nasa paligid na ay agad naman akong aakyat muli sa kwarto ko para magkulong.. Lalabas lang akong muli kapag nakaalis na siya.. Ayoko na kasing umasa pa.. Ayoko nang maging mabuti siya ulit sa akin at pagkatapos ay sasaktan lang niyang muli.. Wala naman akong naririnig mula sa kanya so ina'ssume kong baka okay lang sa kanya ang ganitong set up.. After all, hindi naman kami mag'asawa dahil nagmamahalan kami, kundi dahil lang sa bata..
Sabado ngayon pero kinailangan ko paring maagang gumising dahil ngayon ang schedule ko para magpunta sa OB ko.. First pre-natal ko ngayon at unang bisis ko ring maririnig ang tibok ng puso niya.. Wala akong ibang maramdaman kundi ang ma'excite.. Siguro kung hindi lang may tama sa ulo si Din paniguradong pareho kaming excited ngayon.. Pero mas alam ko ang totoo.. Mas uunahin pa niya ang kalandian kisa sa anak niya.. Naghahanda ako nang kakainin ko nang mapansin ulit ang isang sticky note sa ref.. Tinatamad na kinuha ko iyon at binasa..
" May pupuntahan lang ako saglit.. Hintayin mo ako sasama ako sa check up mo at sa baby natin.. Take care.. And the baby.. "
Husband
Kung noon kilig na kilig ako sa ganitong banat niya, ngayon napaparolyo nalang ang mga mata ko kapag nababasa ko ang mga notes niya.. As if naman may care talaga siya.. Oo nga nandoon na ako sa hindi niya ako mahal, pero hindi man lang ba niya kayang maging sebilisadong tao sa akin? Kahit ngayon lang na pinagbubuntis ko ang anak niya? Pinunit ko yung papel tsaka initsa sa basurahan.. Ewan ko ba kung saan din ako kumukuha ngayon ng lakas ng loob para hindi makaramdam ng takot sa kanya.. Siguro dahil sa hormones ko.. May nabasa kasi ako na ganun raw talaga yun.. Nagiging maldita ang mabait kapag buntis..
Habang kumakain ako sa counter ay nagbabasa din ako ng libro para sa mga first time moms.. Bigay 'to sa akin ng Mama ni Din noong minsan na dumalaw ito.. Naabotan pa nga ako nito na naglilinis ng kusina kaya napagalitan tuloy si Din ng wala sa oras.. Pero umandar na naman ang pagiging mabait ko nang araw na yun at gumawa na naman ng alibi para sa anak nito.. Ang masaklap hindi man lang nagpasalamat.. Pinag'promise nalang ito ng Mama niya na sasamahan ako ngayon sa OB.. Pero as expected, mas uunahin naman niya talaga ang ibang bagay.. Kaya hindi na ako nag'expect.. Para hindi masakit..
Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ay biglang tumunog ang phone ko.. Napangiti ako nang malamang si Sev ang tumatawag.. Mula din nang iniiwasan ko si Din, si Sev na ang palagi kong kausap kahit sa phone lang.. Wala namang masama dahil magkaibigan naman kami.. Mas nag'eenjoy pa nga ako kapag kausap ito eh.. Nawawala ang bigat ng loob ko at pagkabagot.. Yun nga lang hindi ito pwedeng pumunta dito sa bahay dahil kahit naman papano may respeto parin ako kay Din.. Hindi naman kasi ako katulad niya..
" Ready kana ba? " tanong agad nito nang masagot ko ang tawag.. Napakunot noo naman ako..
" Ready saan? " tanong ko naman pabalik.. Wala naman kasi kaming usapan ngayon..
" Tss, sa pre-natal mo.. Diba ngayon yun? " sagot naman nito.. Ahh, oo nga pala nabanggit ko sa kanya minsan ang plano sa araw na ito..
" Ahh, oo ready na ako.. Kakatapos ko lang kasing kumain.. Paalis na ako ngayon.. " sabi ko naman..
" Okay, I'm on my way now.. " napakunot noo na naman ako..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
RomanceTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story