Kalandian 4.0

1.8K 66 3
                                    

Unang araw ko kinabukasan sa bahay ni Din at medyo hindi ako nakatulog.. Kahit pa nga dinalhan na ako ng katulong na nakilala ko na rin sa pangalang Ate Selya.. Mabait sya sa akin kaya magaan ang loob ko sa kanya.. Sabi pa nito na binilin ni Din na palagi akong paiinomin ng gatas bago matulog.. Gusto kong maniwala, pero sa klase kasi ng huli naming pag'uusap ay parang wala naman itong pakialam sa akin.. Siguro nga sa bata lang sya concern..

Lumabas ako sa kwarto at tiningnan ang nakasara pa namang pinto ng kwarto ni Din.. Hindi ko sure kung umuwi ba sya kagabi basta nalaman kong umalis sya.. Ayokong isipin na baka sa girlfriend nya sya nagpunta.. Ayoko dahil kahit naman papano nasasaktan ako kahit pa tanggap ko ang sitwasyon namin.. Napabuntong hininga ako, wala naman kasi akong karapatang magdemand sa kanya dahil unang una hindi nya ako mahal.. Pangalawa, napipilitan lang sya sa nagyayaring ito.. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa may hagdan pababa sa sala.. Kailangan kong tumulong sa kusina kay Ate Selya.. Ayokong magbuhay reyna dito sa bahay na hindi ko naman pag'aari..

Agad kong hinagilap ang kusina sa bahay.. Malaki naman kasi ang bahay na tinitirhan ni Din kahit pa wala naman syang kasama bukod sa katulong.. Agad kong namataan si Ate Selya na may iniluluto na sa oven..

" Ate Selya.. " tawag ko rito saka ako lumapit.. Medyo nagulat pa ito ng makita ako..

" O Jee, ang aga mo namang nagising.. Tulog pa si Din sa kwarto nya.. " sabi nito.. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng malamang nakauwi pala sya.. At least kung nagkita man sila ng girlfriend nya hindi sya doon natulog.. Umuwi parin sya.. Umuwi parin sya sa akin..

" Ano pong niluluto nyu? " masigla kong tanong.. Sinilip ko pa ang niluluto nito at bigla akong natakam ng makita kong nilagang karne ang niluluto ni Ate Selya.. Paborito ko kaya ito..

" Nilagang karne.. Gustong gusto kasi ni Din na may sabaw na naihahain kapag umaga at gabi.. Mahilig sa heavy meal ang batang yun eh.. Hindi lang halata dahil panay naman ang gym.. " natatawa pa nitong sabi.. Napangiti ako.. Ibig sabihin kilala na nito si Din..

" Gaano na po kayo katagal dito Ate? " muli kong tanong habang nakatunghay sa niluluto nito.. Kumakalam na kasi ang tiyan ko.. Gusto ko ng kumain.. Nakahiyaan ko lang manghingi kay Ate Selya..

" Naku matagal na.. Bata pa lang yan si Din katulong na ako ng mga magulang nya.. Nang gustohin ni Din na dito na mag'aral sa Davao, ako na ang naging katulong nya dito sa bahay.. " masarap kakwentohan si Ate Selya dahil marami syang naisasagot sa akin.. Unti unti ko na ngang nakikilala si Din base sa mga kwento nito.. Tumulong akong ihain ang pagkain sa lamesa.. Ayaw sana nito dahil baka mapagalitan raw ito ni Din pero ako na ang nagpumilit.. Total tulog pa naman sya..

" Bakit po bumukod si Din? Bakit hindi nalang sya tumira doon sa bahay ng parents nya? " sunod sunod kong tanong.. Bahagya pa itong natigilan.. Para bang may mali akong naitanong.. Pero maya maya lang ay napabuntong hininga narin ito..

" Sa pagkakaalam ko hindi magkasundo si Sir at si Din.. Kaya nga bigla nalang syang nagpunta sa maynila para doon mag'aral.. Ewan ko nga kung bakit naisipan nyang bumalik na dito sa davao.. Hindi ba nasabi sayo ni Din? " umiling ako.. Papano ko ba malalaman eh hindi naman kami close talaga.. Kung hindi nga lang sa katangahan ko baka hindi na talaga magkakaroon ng pagkakataon na magkalapit kami.. At kung hindi rin lang siguro nabuo ang bata na nasa sinapupunan ko ay baka hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makatuntong sa bahay nya..

" Good morning.. " nanigas ang likod ko nang marinig ko na naman ang malamig na tinig na yun.. Ganun parin katulad ng kahapon.. Hindi ko nalang sya nilingon.. Nagpatuloy nalang ako sa pagsubo sa pagkain ko..

" Naku Din nauna nang kumain si Jee.. Gutom na raw kasi sya.. Alam mo naman ang mga buntis.. " nakangiti pang sabi ni Ate Selya.. Naramdaman ko ang pag'upo nya sa kataning upoan ko.. Mas lalong nagwala ang mga bulate sa tiyan ko nang maamoy ang mabango nyang colonge.. Base sa gilid ng mata ko naka panglakad na sya.. Baka papasok na sa school..

" A-ahm good morning.. " bati ko sa kanya.. Bahagya lang syang tumango pero hindi na nya ako tiningnan.. Napabuntong hininga nalang ako.. Sing lamig pa ng aircon sa kwarto ko ang pakikitungo nya sa akin.. Nilalamig ako.. Akala ko hindi na nya ako kikibuin hanggang pagtapos ng pagkain namin.. Pero bigla syang nagsalita ng matapos na syang kumain..

" Simula sa araw na 'to uuwi na si Ate Selya sa bahay nila Mama.. Ikaw na ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay dito.. Naiintindihan mo? " nagkatinginan kami ni Ate Selya pero hindi na ito kumibo.. Nginitian ko nalang ito dahil naaawa ito na nakatingin sa akin.. Inaasahan ko na naman ito eh.. Diba nga sabi nya hindi sya magiging mabuting asawa sa akin.. Ito na siguro ang simula ng mga sinabi nya.. Muli hindi na naman ako nakapagsalita.. Tumango nalang ako.. Wala rin namang mangyayari kung tututol ako.. Mas lalo lang syang magagalit sa akin.. " At gusto kong maghanda ka mamaya.. May mga bisita ako.. " sabi pa nya sabay talikod.. Naiwan kami doon ni Ate Selya na nanatili lang na tahimik.. Alam ko rin namang wala itong magagawa dahil katulong lang naman ito..

Mabuti nalang talaga at pinalaki ako ni Nanay na may alam sa buhay.. Isa sa mga itinuro nito sa akin ay ang pagluluto kaya hindi ako nahirapang maghanda para sa ipapakain sa mga bisita ni Din mamaya.. Ayoko rin namang mapahiya sya.. Bago pa umuwi si Ate Selya sa mansyon ng mga Ignacio ay tinulungan ako nito sa paghahanda.. Ako nalang ang magluluto mamaya..


Pagsapit ng gabi natapos ko nang lutuin ang mga inihanda ko para sa mga bisita ni Din.. Hindi na ako nag'abala pang mag'ayos dahil alam ko rin namang hindi sya papayag na makihalobilo ako sa mga bisita nya.. Magkukulong nalang ako mamaya sa kwarto.. Agad kong hinawakan ang tiyan ko.. Magdadalawang buwan na ang baby namin ni Din.. Hindi pa man sya lumalabas nararamdaman ko na ang pagmamahal ko para sa kanya.. Alam ko bunga sya ng isang pagkakamali, pero hinding hindi ko iisiping isa syang pagkakamali bagkos isa syang blessing para sa akin.. Hindi man maganda ang pakikitungo ng ama nya sa akin, hindi ko nalang papansinin.. Ang importante magiging safe sya sa loob ng tiyan ko..


Maya maya lang may narinig na akong ugong ng mga sasakyan.. Malamang sila Din na yun.. Nagpunta ako sa malaking pintoan at sinalubong sila.. Ngunit laking pagsisisi ko kung bakit pa ako sumalubong sa kanila.. Dahil ang unang bumungad sa akin ay ang naghahalikan sa harap ko.. Walang iba kundi si Din at isang babae na hindi pa man nakaharap sa akin ay alam kong maganda na.. Para itong modelo sa tangkad.. O baka nga isa itong modelo.. Ito na ba yung girlfriend ni Din? Bakit nya isinama rito? Hindi ba talaga sya nag'iisip sa pwede kong maramdaman?

---------------------------------------

My writer's block po ako ngayon.. Hindi ko masundan sundan ang chapter nila Erros at Ana.. Pxnxa na po sa mga nag'aabang.. :-(

Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon