" Nanay.. "
Napangiti ako nang malingonan ang cute na cute na batang lalake.. Naka'all white itong suot na para bang ang liwanag nitong tingnan.. Nakangiti pa ito sa akin habang kumakaway.. Napaka'gwapo ng anak ko.. Nakangiti akong lumapit sa kanya dahil nasa dulo ito nang tulay.. Ni hindi ko man lang napansin na nasa tulay pala kami.. May nakadekorasyong mga bulaklak sa gilid ng tulay at maririnig ang mga huni ng mga ibon.. Nasa gubat pala kami.. Nang muli akong mapatingin sa anak ko ay nawala agad ang ngiti ko dahil naglalakad na ito papalayo..
" Anak! Saan ka pupunta?! " sigaw ko habang nakakaramdam na ng pag'aalala.. Nakikita ko kasing sa dulo ng nilalakaran nito ay isang pangpang.. Baka mahulog ito.. Tumakbo ako.. Pero mas lalo lang akong nagtataka ng hindi man lang ako makausad.. Hingal na hingal na ako habang pilit itong inaabot.. " Anak tumigil ka sa paglakad! Mahuhulog ka! " muli kong sigaw habang naiiyak na.. Nilingon ako nito habang nakangiti parin kaya napatigil ako sa pagtakbo.. Nakikita ko kasi ang kapayapaan sa mukha nito habang nakangiti.. Na para bang pinaparating nito sa akin na walang dapat ipag'alala.. Nagsimula ulit ako sa paglakad habang umaagos na ang luha sa mga mata ko.. Nasasaktan kasi ako nang hindi ko mawari..
" Nanay okay lang po.. " sabi pa nito habang nakangiti.. Kumaway ito sa akin at bigla nalang itong tumalon na ikinabilog ng mga mata ko..
" H-hindi.. Anak.. Hindi! "
" Langga.. Langga gising.. Please.. " kilala ko ang boses na yun.. Para akong dinadaganan pero pilit akong gumalaw.. Kailangan kong magmulat ng mata dahil alam kong kailangan ko siyang makita.. " Come back to me langga.. Please.. I need you.. " muli kong narinig na sabi niya.. Kaya unti unti kong iminulat ang mga mata ko.. Unang tumambad sa akin ang puting kisame.. Napalingon ako sa gilid nang bigla siyang tumayo.. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan habang may nakatakas na butil ng luha sa pisngi niya..
" D-din.. " mahina kong sabi.. Ngumiti siya lalo habang hinahalikan ang kamay kong hawak niya..
" Yes langga.. Nananaginip ka kanina.. " sabi niya.. Saka ko lang naalala ang panaginip ko.. Bakit nga ba ako nandito? At bumakas ang pag'aalala sa mukha ko nang maalala ang nangyari.. Si Jana at ang mga kaibigan nito.. Dugo.. Maraming dugo.. Awtomatikong napahawak ang isa kong kamay sa may puson ko..
" A-ang baby ko.. Ang baby natin Din.. " pag'aalala kong sabi.. Hinalikan niya ako sa noo at muli akong pinakatitigan..
" He's okay langga.. Our baby is okay.. " nakangiti niyang sabi.. Napaiyak ako sa galak.. Thank God.. Akala ko mawawala na siya sa buhay namin.. Akala ko masama ang kahulugan ng panaginip ko.. Naramdaman ko ang pagyakap ni Din sa akin.. Hinalikan niya ng paulit ulit ang noo ko.. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ang baby namin ni Din..
Nagtagal pa ako nang ilang oras doon sa hospital dahil iyon ang sabi ng doktor.. Sabi ni Din habang tulog raw ako ay nagpunta na dito sila Nanay kasama ang mga magulang niya.. Alalang alala raw si Nanay sa akin.. Sino ba namang hindi, muntik ng mawala ang bata sa sinapupunan ko.. Nalaman ko rin na si Sev pala ang nakasalo sa akin ng bigla akong mawalan ng malay.. Sabi pa ni Din, hindi raw sila magkasundo ni Sev pero noong time raw na yun ay nagkasundo silang hindi palalagpasin ang ginawa ni Jana.. Noong araw rin daw na iyon ay pinatawag ang mga magulang ni Jana pati na ang mga magulang ng mga alalay nito.. At pinatalsik sila sa school na siyang ikinagulat ko.. Sa totoo lang galit na galit ako sa nangyari pero hindi naman ako naghangad na patalsikin ang mga ito sa eskwelahan.. Parang sobra narin yata ang ginawa nila Din..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
RomanceTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story