A/N: hi! Himala diba nabuhay.. haha.. sana po hindi kau galit kac sobra as in sobrang dalang lang ng update.. 12hrs a day po kc aqng ngttrabaho.. kaya kunting paxnxa lng po tlga.. Sana po ma'enjoy nyu to..
Buntong hininga.. Isa.. Dalawa.. Tatlo.. I lost count.. Basta ang alam ko lang parati ko na yatang ginagawa ang mapapabuntong hininga.. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay.. Sa ilalim ng malaking puno nang mangga.. Ngayon ko lang din narealize na pati pala yung punong mangga na dati hindi naman masyadong malaki pero ngayon halos ang yayabong na nang mga dahon.. Ang gaganda nang tingnan at nagbibigay pa ng maaliwalas na pakiramdam.. Pero kahit ganun, hindi parin mawala wala ang bigat na nararamdaman ko..
Ang unfair talaga ng mundo.. Ako na nga yung nasaktan at naagrabyado noon, ako parin ang nasasaktan at nagdurusa ngayon.. What a pathetic life.. Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit ang hirap hirap nun abutin? Muli kong pinahid ang nakatakas na luha sa pisngi ko.. Almost a week narin ang nakalipas noong nangyari sa parking lot ng mall.. Paulit ulit nalang yun na bumabalik sa isip ko.. Kung anong nangyari pagkatapos ng halikang iyon..
" I love you JeeAnn.. I love you so much , Langga ko.. "
Doon napamulat ang mga mata ko.. Langga ko.. Ang gandang pakinggan ulit na tawagin niya akong ganun.. Pero kasabay din ng magandang alaalang yun ay ang masalimuot na nangyari sa akin.. Sa amin.. At sa anak namin.. I still have fears.. Fear from the past.. Kaya ubod lakas ko siyang tinulak at sinampal ng kaliwat kanan.. Masakit oo, dahil ramdam ko rin sa mga palad ko ang sakit.. Pero mas matindi parin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa akin..
" Mahal? Papano mo yan nasasabi, ha Din? Papano mo nasasabi yang mga salitang yan na kahit kailan hindi naman karapatdapat sa isang katulad mo! " hilam na ang mukha ko sa luha pero wala akong pakialam..
Para bang sa loob ng mahabang taon na pagtitimpi, ngayon ko lang mailalabas ang napakatagal ko nang kinimkim na sama ng loob.. O galit.. Akma niya akong lalapitan pero agad kong itinaas ang mga kamay ko at napaatras ako.. Kitang kita ko ang sakit na rumihistro sa mga mata niya.. Pero alam ko ang totoo..
" Hindi kapa ba kontento na nasira mo na yung buhay ko, ha? At ngayon balak mo na naman akong paglaroan dahil alam mong hanggang ngayon mahina parin ako pagdating sayo! God knows Din, God knows how much I love you.. Alam ng Diyos kung papano ko inalagaan ang relasyong meron tayo.. But you just dump me, hurt me, and most of all.... broke me.. You broke me, na kahit mismong ako hindi ko na maayos ang sarili ko.. At ngayong nakikita mo na naman akong maayos na, dudurogin mo na naman ako! "
" I'm sorry- "
" No.. You're not sorry Din.. Don't tell me that your sorry because I know better.. Pakawalan mo na lang ako.. Mag'divorse na tayo- " siya naman ang pumutol sa sasabihin ko.. Kitang kita ko narin ang mga luha sa pisngi niya..
" No!.. Mahal kita at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin.. Jee, I'm so sorry.. Nagsisisi na ako.. All this years, I am nothing without you.. So please, please come back to me.. Please.. " sabi niya, begging.. Lumuhod pa siya sa harap ko habang nakayuko at umiiyak..
Dapat akong magsaya.. Dapat akong magbunyi dahil isang Din Ignacio napaluhod ko sa harap ko.. Pero hindi kasiyahan ang nararamdaman ko kundi sakit.. Sobrang sakit at sobrang panghihinayang.. Kung sana hindi niya ako itinulak noon palayo at hinusgahan, sana hindi kami aabot sa ganitong sitwasyon.. Sana masaya parin kami hanggang ngayon..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
RomanceTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story