Kalandian 13.0

1.7K 77 12
                                    

Naligo lang naman kami buong maghapon sa isla nang araw na yun.. Natatawa nga ako kina Nanay at Tatay dahil ang kukulit nila.. Matagal narin kasi noong huli naming punta sa dagat.. Bata pa lang ako noon eh.. Tapos ang parents naman ni Din ay masasabi mo talagang isang relationship goals.. Hanggang ngayon kasi kitang kita mo parin ang pagmamahalan nila.. Mas lalo naman akong natawa kay Din nang makita niya ang suot kong bikini.. Noong una nga ayaw ko sanang suotin dahil naiilang ako pero mapilit kasi ang Mama ni Din kaya ayan nagmamaktol si Din pagkakita sa akin.. Kaya tuwang tuwa tuloy ako sa hitsura niya.. Ewan ko nga rin sa kanya kung bakit ayaw niya eh bakat na bakat na nga ang baby bump ko.. Sa tagal din ng pagmamaktol niya ay sinuot ko nalang ang hinubad niyang tshirt kaya nakita ko narin na ngumiti siya.. Loko loko lang talaga..






" You look good on my shirt langga.. " kanina niya pa yan sinasabi mula noong sinuot ko ang damit niya.. Pinapamulahan na nga lang ako nang mukha eh dahil sinasabi niya talaga iyon ng malakas..







" Magtigil ka nga.. " sabi ko sa kanya sabay irap.. Natawa lang siya at napapailing..







Nasa may lilim kami ng puno dahil kakatapos lang namin maligo.. Siya nga rin ang nagpahid ng sun block sa akin kanina.. Hindi ko nalang pinapahalata na naiilang ako at the same time ay nakukuryente sa bawat pagdampi ng palad niya sa balat ko.. Nasa likod ko siya at napapagitnaan ako nang mga hita niya.. Banayad niya pa akong hinila para makasandal ako sa dibdib niya sabay ang pagpulupot ng mga braso niya sa akin.. Ipinatong pa niya ang dalawang kamay sa may umbok ko nang tiyan.. Ang intimate ng posisyon namin pero nagustohan ko naman.. Kapag kasi ganito kami ka'close nakakaramdam ako ng kasiyahan.. Sana lang talaga hindi na matapos ang lahat ng 'to..






" Anong ipapangalan natin sa baby natin langga? " narinig kong tanong niya.. Ramdam ko pa ang hininga niya sa punong tainga ko.. Kailangan ko na nga rin yatang sanayin ang sarili ko sa tawag niya sa akin..






" Hindi ko pa alam eh.. Next check up ko pa malalaman ang gender ni baby.. " sagot ko.. Hinihimas himas niya ang umbok ko nang tiyan..







Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang ginagawa niya iyon.. Para bang naiiyak ako sa klase ng pinapakita niya sa akin.. Alam ko hindi pa naman niya ako mahal at alam kong dahil lang sa bata kaya niya ito ginagawa.. Pero kasi dahil sa mga pinapakita niya hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog pa ng lubos sa kanya.. Alam ko kasi na magiging mabuti siyang ama sa magiging anak namin.. Ramdam ko ang pagpapahalaga niya.. Ramdam ko ang pagmamahal niya.. Sana nga lang kasali ako doon..






" This time sasamahan na talaga kita.. Hindi mo lang alam kung gaano ako sising'sisi dahil hindi kita nasamahan noong isang araw.. " sabi niya sabay halik sa balikat ko..







Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya.. Titig na titig ako na para bang isa lang panaginip ang lahat ng narinig ko.. Na baka gino'good time niya lang ako.. Pilit kong binabasa ang mga mata niya kung may makikita ba ako na dapat kong ipagduda.. Pero tuwid niya lang ding sinalubong ang titig ko.. Nakikita ko ang senseridad sa mga mata niya.. Iba't ibang emosyon na hindi ko maisalarawan ang nakikita ko doon.. Hindi ko masasabi na isa ang pagmamahal doon pero sa ngayon sapat na munang may pagpapahalaga siya sa amin ng anak niya.. At least alam ko na bumabawi talaga siya sa akin at sa anak namin..







" Wag mo nang sisihin ang sarili mo.. Wala ka namang kasalanan doon eh.. Tsaka diba sabi mo maghintay ako pero hindi kita hinintay.. " sabi ko habang nakangiti..







Gusto kong iparamdam sa kanya na wala siyang dapat na ikabahala sa nangyari.. Napapikit nalang ako nang yumuko siya para halikan ako sa labi.. Hindi naman iyon nagtagal pero nagdala naman iyon ng bolta'boltaheng kuryente sa buong katawan ko.. Hinalikan niya rin ako sa noo.. Niyakap niya ako pagkatapos noon kaya mas lalo akong napadikit sa katawan niya.. Ni hindi ko man lang nararamdaman ang lamig dahil sa pagkakayakap niya sa akin.. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko habang nakatanaw kami sa malawak na dagat.. Kaya kong makulong nalang sa kanyang mga bisig forever..







Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon