Kalandian 17.0

1.6K 56 15
                                    

Mabilis na lumipas ang buwan.. Isang buwan nalang at kabuwanan ko na.. Ramdam ko lalo ang pagpapahalaga ngayon ni Din ngayong malapit na akong manganak.. Noong isang buwan nga bumili na kami ng mga damit at gamit ni baby at pinagawan na namin ng nursery room ang isang guest room sa bahay.. Kitang kita ko na mas excited pa siya sa pamimili ng gamit at pagdi'design sa kwarto ni baby.. At mas lalo ko pang naramdaman ang kanyang pagmamahal sa akin.. Pagmamahal na kailanman hindi ko maisip na mararanasan ko ngayon..









Hapon pa lang ay naghanda na ako ng haponan para sa amin ni Din.. Nagpatulong nalang ako kay manang dahil alam kong hindi rin ikakatuwa ni Din na malamang ako lang ang gumagawa.. Naiintindihan ko naman siya dahil masilan naman talaga ang pagbubuntis ko ngayon..









" Alam mo Jee habang tumatagal lalo kang gumaganda.. Mas blooming ka ngayon.. " narinig kong sabi ni Manang habang naghihiwa kami ng mga sahog..









Nakaupo ako sa malaking stoll na nakaharap sa may kusina.. Kahit naman sa kabila ng pagbabawal ni Din sa akin na gumawa sa bahay ay sinisiguro ko parin na kahit sa simpleng bagay ay napagsisilbihan ko parin siya.. Naalala ko nga minsan ng maabotan niya akong nagwalis lang ng kunti ay naghisterikal na agad siya.. Ang OA lang talaga, pero natuwa parin ako sa pag'aalala niya..








" Ikaw po talaga Manang.. Lahat po napupuna nyu.. " nakangiti ko pang sabi habang umiiling..









" Kasi naman diba noong last lang kitang nakita para kang binagsakan ng langit at lupa.. Pero ngayon iba na.. Tsaka ibang iba narin ngayon si Senyorito Din.. Kayo talaga ang sobrang bagay na bagay.. " sabi pa nito na parang kinikilig.. Napangiti ako.. Kahit ako nga hindi mapaniwalaan na nangyayari ang lahat ng ito.. Na pwede palang umibig ang isang katulad ni Din sa simpleng tulad ko lang..









" Blessing po talaga si Baby sa amin Manang.. Tsaka blessing para sa akin si Din.. Dahil sa kanya nabago ang lahat lahat sa akin.. Dahil sa kanya may paparating kaming anghel sa buhay namin.. Mahal na mahal ko talaga siya.. " sabi ko na para bang naluluha.. Kahit nalampasan ko na ang stage ng paglilihi nanatili sa akin ang pagiging emotional sa tuwing napag'uusapan ang tungkol sa amin ni Din..









" Huwag mo ring kakalimutan Jee na mahal na mahal ka rin ni Senyorito.. Sa tagal na panahon na nagsilbi ako sa pamilya nila, ngayon ko lang nakita ang kakaibang kasiyahan sa mukha niya.. Kung papano ka niya titigan habang hindi ka nakatingin sa kanya.. Kaya alam ko Jee na mahal na mahal ka niya at iyon ang wag na wag mong bibitawan.. " mas lalo akong napangiti sa sinabi ni Manang..









" Ikaw talaga Manang pinapaiyak mo ako.. " nagtawanan nalang kami habang pinagpatuloy ang ginagawa.. Malapit narin kasing umuwi si Din.. Malamang pagod narin iyon dahil bugbog yun sa exam ngayon.. Dahil naka'home school nga ako ay mas advance akong nag'exam kisa sa kanya kaya tapos narin ang exam ko.. Habang nag'uumpisa ng magluto si Manang ay biglang tumunog ang phone ko.. May nagtext.. Lumabas pa ako sa kusina para tingnan agad ang text dahil alam kong si Din ang nagtext.. Hindi nga ako nagkamali, pero nawala ang ngiti ko nang mabasa ang text niya..









" Jee puntahan mo ako sa hospital, naaksidente ako "








Napaawang ang labi ko dahil sa nabasa.. Agad naramdaman ko ang kaba.. Maraming tanong ang biglang bumuhos sa isip ko.. Hindi ko na nga napansin na kinuha ko na pala ang wallet ko at lumabas na nang hindi man lang nagpaalam kay manang.. Basta napansin ko nalang na nakasakay na pala ako ng taxi.. Nakatanggap na naman ako ng text kung saang lugar ako pupunta.. Hindi ko na nga napansin na umiiyak na pala ako.. Kung hindi pa ako sinabihan ng driver ay hindi ako makakabalik sa realidad.. Inihinto ako sa isang walang katao taong lugar.. Tinanong ko pa muli ang driver kung tamang lugar ba ang hinintoan namin at sinabi nga nitong ito nga ang nakalagay sa text na natanggap ko.. Hindi na ako nagdalawang isip pa at umibis na ako sa taxi.. Mas lamang ang pag'alala ko kay Din..








Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon