Kalandian 2.0

2K 68 2
                                    

Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo pagmulat ng mata ko kinabukasan.. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi basta ang alam ko lang nakaupo lang naman ako sulok at kain ng kain at inom ng inom sa inuming hindi ko naman alam ang pangalan pero masarap naman.. Ang huli ko lang na naaalala ay ang paglapit ni Din sa akin at kinuha nya ang iniinom ko.. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos..


Nakatalikod ako ng may gumalaw sa likod ko at may matitipunong braso na yumakap sa akin.. Namilog ang mga mata ko nang madamang wala akong kahit isang saplot sa katawan ko!.. Titili na sana ako ng may biglang bumulong sa tainga ko..


" Good morning.. " lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan ng marinig ang medyo paos na tinig sa likuran ko.. At hinding hindi ako magkakamali kung kanino ang tinig na iyon.. Kay Din!.. Unti unti akong lumingon sa taong nasa likuran ko at bumungad sa akin ang nakapikit na Din pero may ngiti sa labi.. Yakap yakap nya parin ako sa baywang.. Napatitig ako sa maamo nyang mukha hanggang sa mapupula niyang labi.. Hindi ko man lang napansin na napapakagat labi na pala ako habang nakatitig sa kanya..


" How many times do I have to tell you that staring is rude? " napatingin ako ulit sa mga mata nya na ngayon ay mulat na mulat na! Shocks! Nahuli ka balbon!.. Iniwas ko agad ang mukha at muling humarap.. Pasimple pa akong umusog pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap.. Hindi ako mangmang para hindi maintindihan ang mga nangyayari.. At alam kong may nangyari sa amin ni Din base narin sa hitsura namin ngayon.. Napapikit ako mariin.. Ang matagal ko nang iniingat ingatan nawala lang na parang bula.. Nakuha ng hindi man lang pinaghirapan.. Pinahid ko agad ang luhang nakatakas sa pisngi ko.. Wala akong karapatang malungkot at manghinayang dahil kapabayaan ko rin naman.. Lalake lang si Din at alam kong natukso lang sya sa pagkakataon.. Gustohin ko mang magdrama ngayon pero naisip ko bigla sila Nanay kaya napabangon ako na alam kong ikinagulat din ng katabi ko..


" K-kailangan ko ng umalis.. Baka nag-aalala na s-sila Nanay.. " sabi ko habang ipinulupot ang kumot sa katawan.. Hindi ko sya tiningnan dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin.. Kahit pa nakaramdam ako ng kirot sa pagitan ng mga hita ay tumayo parin ako at isa isang dinampot ang damit.. Nahagip din ng mata ko ang mantsa na nasa bed sheet.. Dugo.. Patunay na wala na talaga ang bataan..


" You want me to drive you home? " narinig kong tanong pa niya na bahagya kong ikinabigla.. Pero hindi ako nagpahalata..


" A-ahm wag n-na.. Kaya ko naman eh.. " sagot ko na hindi parin sya tinitingnan.. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.. Hindi ko lang mawari kung nagsisisi rin ba ito sa nangyari.. Magsasalita pa sana sya pero inunahan na nya ito.. " A-at yung n-nangyari pala kagabi.. W-wala kang dapat na ipag'alala.. K-kalimutan mo nalang.. " hindi ko na sya hinintay na magsalita pa.. Pumasok na ako sa banyo at doon ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan..


Katangahan.. Papunta pa lang ako sa pwesto namin sa Roxas gustong gusto ko nang iuntog ng malakas ang ulo ko.. Nakauwi na ako kanina sa bahay at nakapagbihis pero hindi parin maalis alis ang nangyari sa amin ni Din.. Nagsisisi ako pero may bahagi naman ng puso ko na masaya.. Noon pa mang una kong nakita si Din alam kong may espisyal na akong nararamdaman para sa kanya.. Bukod tangi lang naman kasi sya sa lahat ng lalakeng nakilala ko.. Sya lang din ang naglalarawan ng ideal man ko.. Pero agad ko rin namang naiisip na one sided lang naman ang nangyayari sa amin ni Din.. Halata namang hindi nya ako gusto.. At alam ko rin namang hindi ang katulad ko ang tipo nyang babae.. Kaya ang sarap iuntog ng ulo ko..


" Anak may sakit kaba? " tanong ni Nanay.. Ilang linggo narin ang nakakaraan mula nang mangyari ang gabing yun at ilang linggo naring hindi ko na sya nakikita.. Yung araw naring yun ang huli naming pagkikita..


" Wala ho Nay.. Kayo talaga.. Inaantok lang po siguro ako.. " pinasigla ko pa ang boses ko sa pagsagot kay Nanay.. Kasalukuyan kong inaayos ang mga ukay ukay na nakahanger.. Palagi namang nagpupunta parin dito sina Rofer pero hindi kasama si Din.. Natatakot naman akong magtanong dahil baka mahalata nilang may nangyari sa amin nang gabing yun.. Mula narin kasi nang mangyaring yun napaghahalataan narin ang pananahimik ko.. Ewan ko ba, basta bigla nalang akong naging tahimik.. Kaya siguro nakapagtanong si Nanay ng ganun..


Malayo pa lang rinig ko na ang boses nila Rofer.. Hindi man ako lumingon pero pinakirandaman ko kung kasama ba nila si Din..


" Magandang hapon po Nay! Magandang hapon Jee.. " bati nito.. Doon ko na sila tiningnan pero nadismaya din dahil wala ang gusto kong makita.. Nginitian ko nalang ito ng tipid saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko..


" Magandang hapon naman sa inyo.. Hindi nyu na yata kasama si Din Rofer? " nahinto ako sa pag'aayos dahil sa tanong ni Nanay.. Napalingon ako at nagtama ang paningin namin.. Agad akong umiwas.. Nag'aayos man ako pero hinihintay ko ang sagot ni Rofer.. Baka kasi may alam na sila sa mga lakad nya..


" Ay oo Nay.. Nalaman narin namin kung bakit nitong mga nakaraang araw eh busy sya.. Dumating na pala ang girlfriend nya na taga maynila.. " kasabay ng pagtapos ng sagot ni Rofer ang pagkahulog ng lahat ng mga damit na nakahanger.. Agad naman akong dinaluhan nito.. " Okay ka lang ba Jee? " tanong pa nito habang tinutulongan akong ayusin ang nahulog na mga damit.. Pasimple akong tumingin kay Nanay na makahulogan namang nakatingin sa akin.. Pero hindi maiwasang dagsain ng sakit ang puso ko.. Na para bang may letiral akong narinig na pagkabasag.. Ikinurap kurap ko pa ng mga mata ko para hindi maluha.. Ito na talaga ang katangahang nangyari sa akin.. Para akong nalindol at may mga aftershock pang nangyayari.. Ang masaklap pa sa lahat naman ng nakalimutan kong isipin ay yun pang may posibilidad na may girlfriend si Din..


Pagkatapos ng rebelasyong yun ay may nararamdaman narin akong pagbabago sa sarili.. Madalas narin akong antokin ngayon at minsan pa ay naghahanap ako ng mga weird na pagkain na hindi ko naman kinakain noon.. May naiisip na akong mga posibilidad pero natatakot akong matuklasan iyon dahil alam kong isa iyong malaking pagkakamali.. Pero naisip ko rin na hindi naman pwedeng habang buhay ko itong itatago.. Syempre lalaki ang tiyan ko at hindi iyon panghabang buhay.. 9 months lang kaya ang magbuntis..


Hindi pa naman ako sigurado eh.. Pero pumunta parin ako sa isang clinic at nagpa'check'up.. Habang hinihintay ko ang resulta marami akong iniisip.. Kung talagang buntis ako anong gagawin ko? Papano ang bata? Papano ang mga magulang ko? Si Din.. Matatanggap kaya nya ang anak nya? Ano naman ang magiging reaksyon nya?


" Misis.. Tawag na ho kayo ni Dok.. " nakangiti pang sabi ng isang nurse sa akin.. Ni hindi ako makangiti dahil sa kaba.. Nakangiting doktora ang bumungad agad sa akin.. Itinuro nya sa akin ang upuan na nasa harap.. Kinakabahan akong umupo at humigpit lang ang hawak ko sa bag ko..


" A-ano pong resulta D-dok? " tanong ko habang kinakabahan.. Nginitian pa ako ng doktora na para bang isa syang model ng isang toothpaste.. Matagal pa itong nagsalita na talagang pina'suspense pa ang pagsasabi.. Muntik ko na ngang hatakin ang buhok eh.. Choz!.. Buti nagsalita na ito..


" Congratulation Misis.. Limang buwan ka ng buntis.. Masasabi kong healthy naman ang bata...... " hindi ko na narinig ang ilan nyang sinabi dahil busy na ang utak ko sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari.. Sina Nanay at Tatay.. Ang pangarap kong makapag'aral ulit.. Desi'otso pa lang ako!.. Hindi ko na alam kung papano pa ako nakaalis sa clinic na yun.. Basta ang huli ko nalang naalala ay ang biglang paggalaw ng paligid kasabay ng pagdilim ng paningin ko..


----------------------------------------

Yeah.. ;-)

Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon