Prologue

8.6K 130 0
                                    


Bata pa lang ako ukay ukay na ang negosyo ng mga magulang ko.. Pumipwesto kami sa kahabaan ng Roxas Boulivard sa harap ng isa sa pinakamalaking university ng Davao City.. Ang Ateneo De Davao College..


Sampong taon ako nang una akong dinala nila Nanay at Tatay sa pwesto.. Legal na kaming nagtitinda rito dahil narin sa tulong ng mabait naming mayor.. Masaya ako kapag nagtitinda.. Marami kasing makikilala lalo pa at nagbubukas kami sa dapit hapon.. Uwian na kasi iyon ng ibang mga estudyante..


Manghang mangha ako noong una kong nakita ang matayog na unibersidad na yun.. At doon narin nagsimula ang pangarap kong makapag'aral sa Ateneo.. Nag'aral akong mabuti.. Parati akong top sa klase at palagi akong nagkakamedal.. Nang maka'graduate ako ng high school saka naman nagkasakit si Tatay.. Kaya ang pangarap kong makapag'aral sa kolehiyo ay natigil.. Pansamantala.. Mas importante ang buhay ni Tatay..


Dise'otso na ako ngayon at mula nang magtapos ako ng high school katulong na ako ni Nanay sa pagtitinda.. Nag'iipon talaga ako para sa pag'aaral ko sa susunod na taon.. Sa wakas makakapag'aral narin ako.. Pero pansamantala tutulongan ko muna sila Nanay sa pagtitinda.. Tulad ngayon, labasan na naman ng mga estudyante at excited na naman ako dahil paniguradong malaki na naman ang kita namin.. Marami narin kasing suki si Nanay na mga taga Ateneo..


" Hi JeeJee! " nagawi agad ang paningin sa grupo ng kalalakihan na papalapit sa pwesto namin.. Kilala ko sila.. Matagal na silang tumatambay sa pwesto namin at gusto ko naman dahil mas dumadami ang namimili kapag nandito sila.. Mga gwapo kasi.. Mayayaman pa.. Papano sila nagawi dito? Dahil lang naman sa kagandahan ko.. Choz! Joke lang naman.. Sabi kasi minsan ni Nanay sa akin malakas raw ang ulan ng hapon na yun tapos nagsipagsilong ang mga 'to dito sa tindahan namin..


Basang basa raw na parang mga sisiw silang lahat.. Mga first year college pa lang raw sila noon.. Eh likas na maawain ang Nanay ko kaya binigyan nya ng tig'isang mga bihisan ang lahat.. Di bali na raw'ng malugi at least nakatulong.. Oh diba, ang bait ni Nanay? Kaya mula noon magpahanggang ngayon dito sa tindahan namin ang paborito nilang tambayan.. Tinuring narin daw nilang pangalawang Nanay ang Nanay ko..


" Magandang hapon po Nanay Sally! " oh diba naki'nanay na sila?


" Oh Rofer anong masamang hangin ang nagdala sayo rito? " biro ko sa kanya.. Ganyan araw araw ang bati ko sa kanila.. Minsan pa nga nitanong ako ni Nanay kung wala ba akong nagugustohan kahit isa man lang sa grupo nila Rofer.. Mga gwapo naman kasi talaga.. Minsan pa nga naiirapan na ako ng ilang mga babae dahil dito na halos tumatambay ang grupo nila.. Pero wala talaga akong magustohan eh.. Hindi ko ma'feel ang spark na tinatawag nila.. Katulad ba nila Nadine at James at Katryn at Daniel..


" Ang sweet mo talaga Jee kaya nga crush na crush kita eh.. " sabi nito sabay gulo pa sa buhok ko.. Tinampal ko agad ang kamay.. Ang sama ng ugali.. Bakit kaya hindi nalang buhok nya ang gulohin nya? Tumayo si Nanay at nakangiting lumapit sa amin..


" Oh sya tigilan nyu na yan.. May dala ako dyang minatamis magmeryenda na muna kayo.. " sabi nito na agad namang nagsigawan sila Rofer.. Araw araw din na palaging may iniluluto si Nanay para sa kanila.. Kundi ulam, pangmeryenda naman.. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng instant na mga lalaking kapatid..


Nagsilapit na sila sa hindi kalakihang lamesa na ginagawa naming kainan dito sa tindahan maliban sa isang lalaki na nasa pwesto ng mga naka'hanger na mga damit.. Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ng medyo mahaba nyang buhok.. Ngayon ko lang yata ito nakita.. Naka'faded maong pa sya at naka'white V-neck shirt..


" Rofer kasama nyu ba yun? " tanong ko kay Rofer pero nanatili ang tingin ko sa lalake.. Tahimik lang kasi itong tumitingin sa mga damit pero parang hindi naman bibili..


" Ay oo, si Din.. Trasferee galing ng maynila yan.. Isinama na namin.. Teka tatwagin ko.. " nilagpasan ako ni Rofer at nilapitan ang tinawag nyang Din.. Hindi ko parin maaninag ang mukha nya.. Ang haba naman kasi ng buhok.. Hindi ba bawal ang ganun sa unibersidad?.. Pero kolehiyo naman kasi kaya baka okay lang.. Nakita ko pang hindi ito naka'uniform katulad nila Rofer..


Nakayuko ito habang papalapit sila ni Rofer.. Mahiyain.. Iyon agad ang naisip ko.. Siguro ang sagwa ng mukha nito.. Pero agad ko naman iyong pinalis sa isip ko.. Sabi ni Nanay hindi maganda ang mamintas sa kapwa.. Nakakunot noo na ako habang nakatingin dito.. Hindi ba sya nahihirapan sa bangs nya?.. Sarap putulin eh.. May gunting pa naman ako dito..


" Jee ipapakilala ko pala sayo ang bago naming ka'grupo.. Si Din Ignacio.. Din, si JeeJee ang pinakamagandang girlfriend ko ay este tindera pala dito.. " nagtawanan pa ang mga kasama nila sa likod ko pati si Nanay.. Muntik ko na ngang mabatokan si Rofer eh..


Akala ko ang slow motion ay makikita ko lang sa tv o sa pelikula.. Yun bang unti unting haharap at hahawiin ang buhok tapos ngingiti ng pagkatamis tamis sa harap mo.. Pero saktong saktong iyon ang nangyari sa akin ngayon habang nakatingin sa mala'slow motion na galaw ni Din.. Ang paghawi ng bangs, ang pagngiti ng pagkatamis tamis na para bang maya maya lang ay may mangangagat nang langgam.. Plus pa ang biloy nito sa kaliwang pisngi na ngayon ay kumakaway na sa akin.. At ang paglahad niya ng kamay sa akin..


" Hi I'm Din Ignacio.. " alam ko narinig ko ang pagpapakilala nya eh.. Pero bakit parang pati pagsasalita nya slow motion narin?


" Jee laway mo tumutulo.. " doon ako namulagat at nakagat ang labi ko.. Pasimple ko pang pinunasan ang gilid ng labi ko dahil baka nga may laway.. Narinig ko pa ang pagtawa ng mahina ni Din.. Pati pa ang mga kagrupo ni Rofer nakitawa narin.. Pati din si Nanay! Pakiramdam ko tuloy ang pula pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan.. Lupa kunin mo na ako!


Nakalahad parin ang palad ni Din kaya nakipagkamay narin ako.. Pero ganun nalang ang pamimilog ng mata ko nang may maramdaman akong malakas na kuryente sa pagdadaop ng palad namin.. Babawiin ko na nga sana ang palad ko pero mahigpit naman ang pagkakahawak nya.. Tiningnan ko sya pero ganun parin naman ang ekspresyon ng mukha nya.. Hindi ba nya iyon naramdaman? Nang sa wakas ay binitawan na nya ang kamay ko saka naman ako parang nakahinga.. Hindi pala ako humihinga ng mga sandaling yun?


Pumunta na sila Rofer sa mesa at pinakilala nito si Din kay Nanay.. At naki'nanay narin.. Wait, ibig sabihin magkakaroon na naman ako ng panibagong kuya? No! Hindi matatanggap ng puso ko.. Ang gwapo nya kaya at sya lang ang nagparamdam ng spark na matagal ko nang hinahanap noon pa.. Anong ibig sabihin nito? Pag'ibig na kaya ito?

------------------------------------
Hindi po ito kasali sa haciendero series ko.. Bigla lang kasing may naalala ako mula sa nakaraan kaya biglang naisip ko ang storyang 'to.. Choz!.. Baka evry other day ang update nito pagkatapos ng update ng TDC.. Salamat po!

Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon