Iniyakan ko ang araw na yun.. Masakit kasi.. Masakit, dahil mas pinaniwalaan niya ang iba kisa sa akin.. Masakit, dahil kung kailan siya yung dapat na nasa tabi ko ay mas pinili pa niyang makasama ang iba.. At masakit, dahil sa kabila ng ginawa niya ay mahal ko parin siya.. Mahal na mahal..
Buong linggo na naman na hindi nila ako nakausap.. Hindi sa bumalik ako sa pagiging loner ko, gusto ko lang talagang mapag'isa.. Hindi ko rin kinakausap si Sev pero kahit ganun pumupunta parin siya sa bahay para siguradohing okay lang ako.. Okay na naman ako.. Pero masakit lang talaga..
Sa buong linggong yun ay isang lugar lang ang palagi kong pinupuntahan.. Ang puntod ng anak ko.. Habang buhay ko na yatang pagsisisihan ang pagkawala nito sa akin.. Minsan kasi naisip ko rin na tama rin si Din sa sinabi niya.. Mula nang mawala ang anak namin nawala narin ang pag'asang magkakasama kami habang buhay.. May kasalanan rin ako sa pangyayaring yun..
Natigilan ako nang may naglagay ng bulaklak sa puntod ng anak ko.. Tumingala ako habang pinapahid ang mga luhang nasa pisngi ko.. Nagtama ang mga paningin namin.. Si Din.. Napakunot ang noo ko..
" Anong ginagawa mo rito? " matigas kong tanong kasabay ng pag'iwas ng tingin sa kanya..
Hindi ako nakarinig ng sagot.. Yumukod siya at hinawakan ang lapida ng anak namin.. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.. Parang dinurog ang puso ko kaya napaluha na naman akong muli, pero agad ko rin iyong pinalis iyon.. Ayokong nakikita niyang hanggang ngayon ay mahina parin ako..
" May karapatan din naman siguro akong dalawin ang puntod ng anak ko,diba? " sabi niya nang hindi ako tinitingnan.. Nanatili lang ang tingin niya sa lapida.. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin.. At muli, nasaktan na naman ako.. Pero muli na naman akong nagkunwari..
" Wala kang anak dito kaya hindi kana dapat pang bumalik.. Anak ko lang ang nandito.. " matigas na sabi ko.. Napalingon siya sa akin at alam kong nakakunot ang noo niya.. Pero hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin.. Minsan na niyang hindi kinilala ang anak ko, kaya bakit ko pa ipagpipilitan ito sa kanya..
" He is my son! " sabi niya na pinipigilan lang ang boses.. Dahil naman sa sinabi niya kaya sinalubong ko ang galit na titig niya..
" Talaga? Anak mo na siya ngayon samantalang pinag'isipan mo siyang hindi siya iyo!.. Papano mo yan nasasabi sa harap ng puntod niya? Ang kapal naman ng mukha mo! " hindi ko na napigilan pa ang mga luhang nag'uunahan sa pagpatak.. Nakita kong nag'iwas siya ng tingin saka tumayo.. Tumayo rin ako habang matalim lang siyang tinitigan.. Galit ako sa kanya.. Galit ako sa mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang isang anghel sa akin.. Nakatalikod siya sa akin habang napapailing.. Taas baba din ang balikat niya na para bang pinapakalma ang sarili..
" This is not the right time para pag'usapan ang ganyang bagay JeeAnn.. Nasa harap tayo ng anak ko for christ sake.. " sabi niya pagkatapos dumaan ang ilang minutong katahimikan.. Mahinahon na ang kanyang pagsasalita pero may diin parin..
" Anak ko lang Din.. Dahil sa simula rin ng paniwalaan mo ang babae mo wala kana ring karapatan sa anak ko.. Bakit di nalang kayo mag'anak ng matahimik ang buhay nyu.. Nang matahimik ang buhay nating lahat.. " kahit papano ay naging mahinahon narin ako.. Kahit papano ayoko namang mag'away kami sa harap ng anak ko.. Tama na yung nasaktan ko na ito dahil hindi ko man lang ito nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundo.. Humarap siya sa akin kaya nagtama ang paningin namin.. May nababanaag akong lungkot, pero alam ko ang totoo.. At ayoko nang maging tanga ulit..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
Roman d'amourTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story