Special Chapter ng Kalandian

1.5K 60 4
                                    

Din's POV

Maraming taon na ang nakalipas at masasabi kong magkaiba talaga ang expectation natin sa reality. People who are in love doesn't mean na hindi na sila makakaranas pa ng mga major na problema. 10 years na kaming kasal ni JeeAnn at sa loob ng sampong taon'g 'yun naranasan namin ang iba ibang pagsubok sa buhay. Naroo'ng muntik na naman kaming maghiwalay. Pag nag-aaway kami ni Jee umuuwi siya sa bahay nila nanay at doon matutulog. Dala-dala pa mga anak namin.

Yes, tatlo na ang anak namin. After two years na pagkapanganak niya, nagbuntis agad siya. I just realize how amazing woman she is. Kung papa'no niya nahahati ang oras niya sa akin, sa mga anak namin at sa pag-aaral. Pagkapanganak kasi niya sa pangalawa namin, ilang buwan lang ay pinagpatuloy niya ulit ang pag-aaral. At nung nakapagtapos siya, sabay sabay pa kami ng mga anak namin na umakyat sa stage. Ang maganda lang sa mga taon na nagdaan, hindi na namin kahit kailan inungkat pa ang masasakit na nakaraan.

Every now and then, pinapasyalan parin namin ang puntod ng aming first born. Pati si Nathalie, dinadalaw din namin. Sa part ko hanggang ngayon, may kunti pa akong disapointment sa sarili ko. Hindi madaling patawarin ang sarili lalo pa at alam mong malaki ang nagawa mong kasalanan. Hanggang ngayon tahimik akong humihingi ng tawad. Ang hindi alam ni Jee gumigising ako ng madaling araw para lang pagmasdan siyang matulog, pagkatapos pupunta naman ako sa kwarto ng mga anak namin para sila naman ang sekreto kong kausapin.

I just don't know why I can't open up about this to my wife. Maybe 'till now I'm still ashamed of what I did. I know she already forgave me. Kahit naman na marami kaming hindi pagkakaunawaan, she always tell me how much she loves me. I really feel loved. And I love her even more because of that.



" Langga? "



Napatigil ako sa pag-iisip at napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nandito kasi ako sa living room at patay ang ilaw. Tanging ang ilaw lang sa hallway ng bahay ang bukas. Agad kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa akin. I know it's JeeAnn. Ngayon lang siya nagising, hindi ko man lang namalayan na sobrang nagtagal pala ako rito. Siguro nagising siya at nagtaka na wala ako sa tabi niya.


" Anong ginagawa mo dito sa dilim? " malumanay niyang tanong. Humugot muna ako ng hangin bago sumagot. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. " May problema ba? " muli niyang tanong. Ngumiti ako sabay iling. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko.



" Wala. Nagising lang ako- "



" Langga. " napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita siya.


Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at iniharap niya ako sa kanya. Nagkatitigan kami, at sa pagtitig kong iyon hindi ko napigilang mangilid na naman ang mga luha sa mga mata ko. Ngumiti siya sabay ang pagtango na para bang sinasabi niyang alam niya ang mga pinagdadaanan ko.



" Din simula noong ikinasal tayo pinag-isa na tayo ng Panginoon. Kaya lahat ng nararamdaman mo, lahat ng pinagdadaanan mo, nararamdaman ko rin 'yon. Naghihintay lang ako na ikaw mismo ang magsabi sa akin. Marami tayong hindi panagkakasundoan, marami tayong mga pagkukulang pero alam ko at alam mo na nandito parin tayo para sa isa't isa. Diba? " sabi niya na mas lalong nagpaluha sa akin.



Hindi ko alam na nakakahalata na pala siya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at dinala iyon sa labi ko, pagkatapos ay inilagay ko iyon banda sa dibdib kung nasaan ang puso ko. Gusto ko kapag nagsabi na ako sa kanya ay maramdaman niya ang puso ko sa bawat salita na bibigkasin ko sa kanya. This is the first time na mag'uusap kami ng masinsinan after nang nangyari noon.



Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon