Kalandian 20.0

1.9K 76 14
                                    

Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa isang musuleyo.. After ng pangyayaring yun sa buhay ko ngayon lang ako nagkalakas loob na dalawin ang anak ko.. Ang anak namin ni Din.. Muli kong naramdaman ang sakit sa puso ko.. Nangako ako kay Sev na maging matatag pero hindi ko parin mapigilang panghinaan lalo pa at sobrang lapit ko na sa puntod ng anghel ko..

In Loving  Memory of our angel
               Baby Boy

Nag'unahan sa paglandas ang mga luha ko at tuluyan ng napaluhod sa harap ng kanyang puntod.. Nawala lahat ng pangarap ko nang mawala din ang anak ko sa buhay ko.. Nanginginig akong humawak sa kanyang lapeda.. Ang baby ko.. Naikuyom ko ang mga kamao ko ng maalala kung papano siya nawala sa akin.. Kung papano nila binaboy ang buhay ko.. Kung papano nila winasak ang pamilya ko.. Nadamay pa pati ang walang muwang sa mundo.. Na dapat nabigyan ng karapatang mabuhay..

" Baby.. " pilit kong sabi kahit pa nahihirapan na ako dahil sa pag'iyak..

Naramdaman ko pa ang paghagod ni Sev sa likod ko.. Sobrang pasasalamat ko lang dahil kahit papano hindi niya ako pinabayaan.. Humugot muna ako ng hangin bago nagpatuloy.. Siguro naman hindi pa huli ang lahat para makausap ko ang anak ko..

" Patawarin mo ako kung hindi man lang kita naipaglaban.. Kung hindi man lang kita iningatan.. Pinagsisihan ko ang pagkawala mo.. Kasalanan ko ang lahat dahil naging tanga ako.. Patawarin mo ako anak.. " sabi ko habang patuloy parin na umiiyak.. Pero bumakas ang galit sa mukha ko nang maalala ang sanhi ng lahat ng ito.. Si Nathalie..

" Pinapangako ko sayo anak.. Magbabayad ang mga taong gumawa nito sa atin.. Sa'yo.. Lahat ng mga taong nanakit sa atin ay gagantihan ko.. Lahat sila.. " sabi ko habang nakakuyom ang aking kamao..


Wala kaming kibuan ni Sev habang binabagtas ng sasakyan niya ang daan pauwi sa amin.. Kanina pa siya walang kibo pero alam kong maya't maya ay nililingon niya ako.. Nakatingin lang ako sa daan habang nag'iisip.. Nag'iisip kung papano ko ulit aayosin ang buhay ko.. Winasak na kasi nila.. Kahit pa nga ang taong dapat na nandito sa tabi ko ay siyang nagwasak din sa buong pagkatao ko..


Alam ko naman na may kasalanan ako.. Pero ang hindi niya ako mapaniwalaan ang siyang pinakamasakit sa lahat.. Buong akala ko naipakilala ko na ang sarili ko sa kanya.. Akala ko sapat na yung pagmamahal namin sa isa't isa para maniwala siya sa akin.. Pero hindi naman pala.. Maling akala ko lang pala lahat ng yun.. Sa isang iglap lang kinalimutan niya lahat.. Hindi lang naman siya ang nawalan.. Mas masakit sa akin na mawala ang batang halos siyam na buwan kong iningatan.. Ang batang magpupuno sana ng pagmamahalan namin ni Din..



" Stop crying..  Please.. " nabalik ako sa sarili nang maramdamang may mga daliring nagpahid ng takas kong mga luha..




Hindi ko man lang napansin na lumuluha na naman pala ako.. Hindi ko na nga alam kung kailan matatapos ang dalamhati kong ito.. Parang wala na nga yata itong kataposan.. Nilingon ko si Sev na papalit palit ng tingin sa daan at sa akin.. Bakas sa gwapo niyang mukha ang pag'aalala.. Hindi ako manhid para hindi mapansin ang klase ng pakikitungo niya sa akin.. Hindi siya magiging ganito ka'concern sa akin kung tanging kaibigan lang ang turing niya.. Pero hindi ako sigurado kung masusuklian ko ba ang nararamdaman niya.. Kahit pa naman kasi masakit ang ginawa sa akin ni Din, mahal ko parin siya.. Hanggang ngayon nagmamahal parin ako sa kanya.. Kaya ako nasasaktan.. Dahil sobrang mahal ko parin siya..



" I-I'm sorry Sev.. " sabi ko habang patuloy parin sa pag'agos ang mga luha ko..



Kinabig niya ang manibela at huminto kami sa tabi ng daan.. Pagkahinto ay hinarap niya agad ako.. Pinunasan niya ulit ang mga luha ko sa pisngi.. Mas lalo lang akong napapaiyak dahil sa pakikitungo niya sa akin.. Siya nalang kasi at sila Nanay ang meron ako ngayon..




Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon