Kinabukasan ay agad kong kinausap ang boss ko.. Tinanggap ko na ang trabaho.. Marami itong inilatag na mga posibilidad na makukuha ko once na makuha ko ang deal na ito.. Sobrang laki ng paniniwala ng boss ko sa akin at hindi ko naman iyon babaliin..
May bibigay siyang folder sa akin pero hindi ko muna tiningnan ang nasa loob.. Gusto ko kasing masurpresa.. Gusto ko kasing gawing challenge yung kliyente ko kapag inilatag ko na sa kanya ang proposal ko..
Sabado ng maaga ang flight ko kaya gabi pa lang ay inihanda ko na ang dadalhin ko.. Wala naman akong balak na magtagal doon kaya kunti lang yung dinala ko.. Hindi ko maiwasang kabahan.. Kabahan sa posibilidad na pagkukrus ng landas namin ni Din.. At sa muling pagbabalik ng masasakit na alaala ng nakaraan.. Pero gaya nga ng sabi ko kay Sev, kailangan kong magpakatatag.. Dapat akong maging handa kung sakali mang magtagpo ang landas namin ng asawa ko..
" Mag'ingat ka dun ha.. Tawagan mo ako.. " bilin ni Sev sa akin.. Napapailing nalang ako.. Ayan na naman kasi siya sa paulit ulit niyang sinasabi.. Narinig ko nang tinatawag na ang flight ko..
" Opo ang kulit mo.. Sumama ka nalang kaya sa akin.. " natatawa ko pang sabi habang inaayos na ang dala ko.. Seryuso parin siyang nakatingin sa akin kaya alam kong walang joke time ngayon..
" Gustong gusto kong sumama.. Pero I have an early flight tomorrow.. Nag'aalala lang naman ako sa'yo Jee.. " sabi niya.. May out of town meeting kasi siya kaya hindi niya ako masasamahan sa Davao.. Tumingkayad ako para hagkan siya sa pisngi at niyakap.. Sev is my hero..
" Maraming salamat Sev ha.. " sabi ko sa kanya.. Naramdaman kong gumanti rin siya ng yakap sa akin..
" I love you.. Basta mag'ingat ka.. " sabi naman niya.. Ngumiti lang ako sabay nagpaalam na ako.. Nalulungkot akong di ko man lang masuklian ang pagmamahal ni Sev sa akin.. Pero ganun talaga eh.. Dalawang taon na nga ang nakaraan pero heto parin ako, mahirap parin magmahal ng iba..
Isa't kalahating oras din ang byahe ko pero ni minsan di man lang ako naidlip.. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.. Naibalita ko narin kina Nanay ang pag'uwi ko kaya malamang nasa airport nayun sila ni Tatay para salubungin ako..
Mas lalo ko pang naramdaman ang kaba ko nang makalapag ang eroplanong sinakyan ko.. Bumuntong hininga muna ako bago ako tumayo at kunin ang dala ko.. Busy'ng busy ako sa pagtetext kay Sev nang palabas na ako ng departure area.. Sabi kasi niya dapat akong magtext pagkababa ko ng eroplano kung ayaw ko raw ipabulabog niya ang buong airport.. Loko loko talaga.. Pero nang isesend ko na ang text ko ay saka naman may nakabangga ako.. Nahulog tuloy yung cellphone ko..
" Cellphone ko.. " yan agad ang nasabi ko nang makitang nawasak ito.. Kahit pa man makakabili ako ng maraming ganun pero iba parin kapag iningatan mo yung gamit mo.. First phone pa naman yun na nabili ko gamit yung perang pinaghirapan ko talaga..
" Stupid.. " narinig kong sabi ng nakabangga ko kaya mas lalo akong napanganga.. Nasa likuran ko siya kasi nga una kong hinarap ang cellphone ko.. Did I here it right? He call me stupid? Galit na galit akong humarap sa damuhong bumangga na nga sa akin tinawag pa akong stupid..
" Hoy- " pero nabitin yung sasabihin ko sana nang tuluyan nang nakaharap ko ang bumangga sa akin..
Dalawang taon pa lang naman ang nakaraan kaya hindi imposibleng di ko siya makikilala.. It was none other than Din Ignacio.. My husband.. Nakasuot siya ng pang'business suit, may dala dala siyang bagahe sa isang kamay at kape sa isang kamay pero parang natapon iyon sa damit niya.. Panigurado dahil yun sa pagkakabangga namin.. Eh di quits pala kami.. Nabasag niya cellphone ko habang nasira naman yung damit niya..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
RomanceTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story