A/N: naka'focus yata ako dito ngaun.. Ung on going stories ko hintay2 lang sa mga nag'aabang kasi hindi pa nila ako sinasapian.. Panay sapi si Jee sa akin kaya parating siya ang bumi'bida ngaun.. 😄😄😄 gee, yun lng naman.. 😉😉😉
" Oh my gee, sila pala talaga??! "
" Gosh hindi sila bagay! "
" I'm sure gold digger yan.. "
" Whore.. "
" Bitch.. "
Pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa kamay ni Din habang binabagtas namin ang corridor papuntang building ko.. Ihahatid niya raw kasi ako.. Alam kong inaasahan ko na ito pero ang awkward lang kasi dahil naririnig ko lahat ng mga panglilibak nila.. Kung kanina ay hawak lang ni Din ang kamay ko ay inakbayan na niya ako ngayon.. Pulling me closer to him.. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko na alam ko namang kitang kita ng lahat.. Bakit ba naman kasi ang layo ng building ko?
" Don't mind them, okay.. Wala silang alam kaya wala kang dapat isipin.. Naiinggit lang sila langga.. " mahinang bulong ni Din sa akin na nagpagaan ng loob ko.. Tiningala ko siya at nginitian.. Oo nga naman, wala silang alam sa nangyayari sa amin ni Din kaya bakit ko papansinin ang mga sinasabi nila..
Nakarating kami sa building ko habang nagtatawanan lang kami.. Ang kulit niya kasi kahit ano ano nalang ang sinasabi sa akin.. Tawang tawa tuloy ako.. Pero aaminin kong nakatulong ang pagpapatawa niya dahil nasa kanya ang buong atensyon ko.. Magkaharap kami nang nasa pintoan na kami ng room ko.. Hindi pa naman nag'uumpisa ang klase kaya okay lang na makausap ko pa siya kahit saglit lang.. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko habang nakangiti..
" Sabay na tayo mag'lunch mamaya langga ha.. Don't stress yourself okay baka ma'stress din si baby mushymush.. " natawa ako sa tawag niya sa baby namin.. Mushymush.. Ang cute lang.. Tumango ako habang nakangiting nakatingin sa kanya.. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nangyayari ito sa aming dalawa.. Para bang panaginip lang lahat.. " What? " tanong pa niya na nakakunot noo pero nanatili parin ang ngiti sa labi.. Umiling lang ako sabay halik sa kanya.. Smack lang naman pero nag'init na agad ang mukha ko..
" I love you langga.. " sabi ko.. Nakita ko siyang ngumiti..
" I know langga.. I know.. Now go, baka hindi kita papasokin at ikulong nalang kita sa loob ng kwarto natin.. " pagbibiro pa niya kaya natampal ko siya sa braso.. Loko 'to, nagpalingalinga pa tuloy ako dahil baka may makarinig sa mga pinagsasabi niya.. Nagpaalam nalang akong papasok na dahil baka kung ano pa ang sasabihin niya.. Narinig ko nalang siyang tumatawa..
As ussual may mga naririnig parin naman ako sa buong klase pero gaya nga ng sabi ni Din hindi ko dapat ini'stress ang sarili ko dahil makakasama lang sa baby.. Tsaka nandito naman ako para mag'aral kaya yun lang ang gagawin ko.. Kaya buong klase ay nasa prof lang ang atensyon ko.. Ni hindi ko na nga napansin na tapos na pala ang klase ko sa umaga.. Lunch break na pala, kung hindi ko pa narinig ang bell hindi ko pa malalaman.. Kaya heto na ako ngayon sa cafeteria ng school.. Tinext ko narin si Din na nandito na ako at hihintayin ko siya.. Nagreply naman siya na malapit na raw matapos ang klase niya..
" Hello buntis.. " napalingon ako nang may magsalita sa likoran ko.. Napangiti ako nang makita si Sev.. Ang gaan gaan talaga ng loob ko rito.. Umupo ito sa tabi ko.. Namiss ko 'to..
BINABASA MO ANG
Every Single Tears (COMPLETED)
Roman d'amourTeenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story