Kabanata 13

6.7K 120 2
                                    

January 5, 2015

Gaya ng pasko umuwi rin ng lango sa alak si Zenon ng araw ng Bagong Taon. Para akong isang palamuti lang sa bahay, wala siyang pakialam sa akin. Ginawa ko ang lahat pero balewala parin ako sa kanya. I don't know what to do.

6:05 am

Gumising ako ng maaga at hindi na nagluto pa dahil wala rin namang kwenta kung magluluto pa ako. Dumiretso ako ng kwarto ni Zenon na parati namang nakabukas dahil dun din ako naliligo dahil wala namang ibang banyo, mahimbing siyang natutulog. Maliit lang kasi ang condo niya na pang-isahang tao lang talaga. Hindi kasi siya mahilig sa malalaking lugar. Nasa banyo ako ng biglang narinig ko ang malakas na ingay ng phone ko senyales na may tumatawag.

Hinablot ko naman kaagad ang tuwalya at itinapis sa katawan ko. Dumiretso ako sa sala at kinuha ang phone na hindi parin binababa ng caller ang tawag.

"Sino ba ang tumatawag, kay aga aga?" Nagulat ako ng makita si Zenon na nasa pintuan ng kwarto niya na halatang naistorbo sa ingay ng tawag

Nilingon ko naman siya na halatang inis na inis sa ingay na narinig niya.

"Sorry." Agad ko naman paghingi ng pasensya.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag, si Mr. Rival

"Hello po." Bahagya kong hininaan ang aking boses.

"Ms. Aliyah" Paging pormal niya na naman.

"Good morning po, Sir"

"Punta ka dito sa opisina, now."

Shet nagbibiro ba siya? Ang aga pa ah?

"Pero Mr. Rival, maaga pa po para sa trabaho." Medyo tumaas ang boses ko sa pagkabigla.

"Ngayon na. It's an order." Pinatay niya ang phone.

Nakakainis! Di pa naman oras ng pasok! Halos gusto kong ibagsak ang phone ko sa mesa. Tumalikod ako para bumalik sa banyo halos mapabalikwas ako ng makita si Zenon na ang sama ng tingin sa akin. Galit ba siya dahil nagising ko siya?

"Sorry, Zenon." Dumiretso ako sa kwarto niya at naligo.

Halos sampung minuto ko lang tinapos ang pagligo tutal naman naliligo ako sa gabi at wala na akong oras para magbabad sa banyo.

Paglabas ko ng banyo nagulat akong wala si Zenon sa higaan niya na parati namang ganun. Shet, nagalit talaga siya! Baka umalis na siya sa inis. Lumabas ako ng kwarto ng nakauniporme na. Unting ayos nalang ay ready to go na. Paglabas ko ay nakita kong may hinahanap si Zenon sa kusina. Pero wala na akong oras para usisain kung anong hinahanap niya. Pumunta ako sa sofa na kung saan ayun na rin ang higaan ko at andun ang gamit ko. Kinuha ko ang bag ko, sa opisina ko nalang aayusin ang sarili ko. Palakad na sana ako palabas ng condo ng maalala ko na wala pala ang phone ko sa bag ko. Tumungo ako sa mesa kung san ko huling nilagay ang phone kaso ilang minuto ko ng hinahanap ay wala parin akong nakikita? Sa pagkakaalala ko ay nilagay ko lang yun sa mesa.

Halos nagkukumahog akong hanapin ang phone ko kaso wala talaga! Kainis! Kung kailan nagmamadali! Nilakasan ko ang loob ko na magtanong kay Zenon na ngayon ay tila masama ang timpla ngayon na parati naman ganun.

"Zenon (hindi ako makatingin sa kanyang mga sa takot na baka sigawan niya ako) nakita mo ba ang phone ko? Kasi...." He cut me off.

"Saan ang pagkain? Bakit di ka nagluto?! Alam mong wala pa akong kain tapos ganito pa ang maabutan ko?!" Galit na galit na tanong niya sa akin.

Pero di naman niya kasi kinakain ang mga niluluto ko? Tapos anong ihip ng hangin bakit gusto niyang kumain? Niloloko niya ba ako? O gusto niya lang talaga akong pahirapan?

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon