Kabanata 36

5.3K 105 0
                                    

Zenon's POV

"I can't believe na nagkaroon siya ng amnesia and the more worst is our angel was gone." Pakikipag-usap ko kay Felix, one of my friend. Tinungga ko ang vodka na nasa harap ko.

"And then do something that she will come back to you. Ligawan mo at ipaalala mo sa kanya ang mga nakaraan. Is the best that you can do, Bro." Kapag siya ang nagsalita parang napakadali ng lahat.

"I will bro."

"How is she?" He asked.

"She's beautiful and great." Hindi ko maiwasan na mamangha sa tuwing nakikita ko siya even though na meron tila harang sa aming dalawa ngayon I definitely always amaze about her every second I see her.

"Patay na patay ka parin pala talaga sa asawa mo bro." Pailing iling niyang sabi.

"I always had." I smiled.

*****************************

Aliyah's POV

Umalis na ako sa poder ni Axel. Ayaw ko ng maulit ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ayaw ko nang marinig pa ang mga kasinungalingang lumalabas sa kanyang bibig. Pansamantala muna akong titira sa coffee shop.

Lumapit sa akin si Jukine, one of my staff. "Ma'am hinihanap po kayo ni Sir Axel."

"Sabihin mo busy ako." Ayaw ko muna siyang harapin.

"Aliyah...." Inikot ko ang swivel chair ko upang makita kung sino ang nagsalita. Tama ako si Mom.

"Aliyah." Muling tawag ni Dad.

Tumayo ako upang harapin sila. Pagkatapos ng araw na makita nila ako, I decided na kailangan ko silang kausapin. Alam kong nasasaktan ko sila and I know it would be better if I would tell them the truth.

"Ma...." Bago ko pa matawag si Mommy bumungad sa likuran nila si Zenon and I was startled.

"Aliyah." Mahinahon niyang tawag sa akin.

"What are you all doing here?" Pilit kong ipinakita na naiinis ako na makita sila.

"I'm sorry Mom and Dad, pati kayo nadadamay. In right time I will tell you the truth."

"Aliyah, mag-usap naman tayo, anak." Mom

"I'm too busy." Inayos ko ang mga papeles para ipakita na busy ako.

"Aliyah!" Nagulat ako ng hawakan ako ni Axel sa kamay at hinila palabas ng shop. Walang nagawa silang tatlo.

"Ano yun? Bakit..." Naiirita kong tanong sa kanya pero hindi niya ako pinatapos sa sinasabi ko.

"Stop doing this to your parents, Aliyah. You hurt them!" I know, I always do. What should I do?

"Eh pakialam mo ba?!" Inis kong tanong sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"If you don't want to face them I will tell them the truth, Aliyah. Huwag mo akong subukan dahil gagawin ko talaga!" Pagbababala niya, alam kong totoo niyang gagawin ang sinasabi niya ngayon sa akin.

Hinawakan niya ako sa mukha at tiningnan niya ako sa mata. Nang tingnan ko yun ay parang may kakaiba sa mga tingin niya. Ewan ko kung ano bang ibig niyang sabihin dun.

"Sa ginagawa mong to. Alam kong nasasaktan ka na Aliyah, please stop doing this. Kung hindi mo kaya magpatawad sana naman kahit ang mga magulang mo lang ay kausapin mo. Sobra mo silang nasasaktan. You know how much they love you. Naranasan mo na kahit sandali na maging ina, gaya ng naramdaman mo nang mawala sayo ang baby mo ganun din ang nararamdaman nila ngayon, Aliyah. Maawa ka sa mga magulang mo." Gusto kong ibalewala ang narinig ko sa kanya pero my heart telling me he was right. Hindi ko dapat idamay ang mga magulang ko sa galit ko kay Zenon.

Niyakap ako ni Axel and I feel the comfort he gave to me. Minsan nagiging makasarili siya pero mas maraming beses na nagiging maunawain siya sa mga bagay kaysa sa akin. Iba na siya at malaki na ang pinagbago niya nung nagsama kami.

"Thank you." Pagkahiwalay ko sa yakap niya.

"Ano pang hinihintay mo? Your parents are waiting." Napangiti ako.

Hinawakan ko siya at isinama papunta sa office ko. Nakaupo si Mom at Dad sa sofa habang umiiyak si Mom at yakap yakap siya ni Dad.

"I will wait outside." Axel, tumango ako bilang sagot.

"Mom? Dad?" Pinilit kong walang tumulong luha dahil ayaw kong makita nila na napakahina ko parin gaya ng dati.

"Aliyah!" Napatayo si Mom at mabilis na hinagkan ako gaya ni Mom ginawa rin yun ni Dad at kahit anong pigil ko sa aking luha ay pumatak parin ito.

"I miss you a lot! Mom, Dad! I'm really sorry for being a fool."

Ilang minuto ng paghihingi ng tawad.

Napagdesisyunan na umuwi na ako sa bahay. I accept it lalo na sa coffee shop ako kadalasan matulog. Kailangan ko ng matitirhan.

Zenon's POV

Kinausap ko ang mga magulang ni Aliyah. They told me na babalik na si Aliyah sa bahay nila pero sa isang kondisyon na hindi siya pipilitin sa mga ayaw niya. Alam kong kasama ako sa kondisyon na yun dahil ayaw niya akong nakikita at parati kong pinagpipilitan na asawa ko siya.

Nakiusap ako na huwag nalang nila iopen ang tungkol sa akin at kung anong pinag-awayan namin noon. Ako nalang ang gagawa ng paraan para malaman niya ang katotohan.

Ayaw kong isipin niya na babalik nalang siya muli sa poder ni Axel dahil pinagduduldulan siya sa akin. At mas mabuting nasa poder siya ng magulang niya dahil panatag ang loob ko kaysa makita siyang kasama ng iba.

To be continue...

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon