Kabanata 54

5.9K 78 0
                                    


Aliyah's POV

Nasa condo unit ako ngayon ni Zenon dahil hinatiran ko siya ng pagkain na niluto namin ni Mom. Nagrerent nalang siya ng dalawang buwan hanggang ikasal kami.

"Salamat, ang sarap niyo magluto ni Mom." Papuri niya.

"Ihahatid na kita." Yaya niya.

"Oh sige."

"Just wait." Inantay ko siya sa sala ng ilang minuto.

"Let's go." Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.

"Salamat sa paghatid. Bukas nalang." Hinalikan ko siya sa pisngi.

Pababa na sana ako ng hawakan niya ako sa kamay. Napatingin ako sa kanya. "Bakit? May nakalimutan ba ako?" Umiling siya at may kinuha sa bulsa ng jacket na suot niya isang white envelope na tila may kalumaan na.

"Matagal ko na dapat to sayo naibigay pero noong una ay hindi ko alam na ikaw pala ang nagmamay-ari nito." Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"

"Bago umalis si Axel noon ay may iniwan siyang sulat sa akin pero hindi ko alam na ikaw ang babaeng tinutukoy niya dahil kahit pangalan ay wala siyang binigay sa akin. Kahit sa lugar na dapat pagtatagpuan niyo nung araw na umalis siya ay hindi kita naabutan pa. Pero ngayon ko nalang naintindihan ang mga bagay kaya nalaman kong ikaw pala ang nagmamay-ari nito." Inabot niya sa akin ang sulat na sinasabi niya pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang iabot ito sa akin dahil matagal nang tapos ang sa amin ni Axel

"Pero..."

"Don't worry, hindi ako magseselos at para talaga sa iyo yan kaya basahin mo." Nakangiti niyang sabi.

"Okay. Babye at mag-ingat ka sa biyahe." Bumababa na ako sa kotse at kumaway sa kanya.

Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa kwarto ay inilapag ko ang sulat sa aking mesa at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay bahagya kong tiningnan ang sulat at tinatanong ko ang aking sarili kung dapat ko pa nga bang buksan ang nasa loob nito.

Pero gaya ng ibang ay nacucurious din ako sa bagay bagay kaya sa huli ay binuksan ko rin.

Dear Ms. Soulmate

Hindi ko alam kung kailan mo to mababasa. Kung inabot ka ba ng kakambal ko sa pinag-usapan nating lugar o kung hindi mo na ito mababasa pa. Pero humihingi ako ng tawad dahil hindi ako nakarating sa pinag-usapan natin. Happy 2nd anniversary.

Nang una kitang makilala ay nahulog na agad sayo. Korni man ang sasabihin ko pero ang totoo yan para akong nakakita ng taong anghel na bumababa sa langit ng makilala kita. Hindi man maganda ang una nating pagkakilala pero minahal na kita ng oras na yun. Ang babae sa akin noon ay napakadali lang pero nang makilala kita ay tila bawat araw na magkasama tayo ay tila bago sa akin dahil nahihirapan ako kung pano nga ba ang tamang panliligaw sa isang gaya mo.

Ako na nga ata ang pinakamasayang tao ng marinig ko ang matamis mong OO. Sa tuwing kasama ka ay walang katumbas na saya. Pero ngayon ay iniwan man lang kita ng walang pormal na pamamaalam. Patawarin mo ako dahil wala akong magawa upang ipagmalaki kita sa harap ng mga magulang ko at kahit lakas ng loob para makilala ako ng mga magulang mo at magpakilala na ako ang kasintahan mo.

Pero kahit ganun ay totoo ang pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal kita, Babe. Patawarin mo ako sa pang-iiwan ko sayo at sana maging masaya ka habang wala ako sa tabi mo.

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon