Kabanata 26

7K 110 1
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa buhay ko. Wala ng kwenta pa ang buhay ko.

"Anak, may bisita ka." Pagkuha ni Mama ng atensyon ko dahil nakatalikod ako sa pinto at nakaharap sa may bintana.

"Ayaw ko po munang tumanggap ng bisita." Agad kong tugon.

"Aliyah..." Napatingin ako sa taong tumawag sa akin at kilalang kilala ko ang boses niya.

"Ara....." Nakatingin siya sa akin gamit ang kanyang naluluhang mga mata.

"I'm sorry." Mabilis siyang tumungo sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry din Ara!" Ilang minuto kaming nag-iyakan sa sitwasyon ko.

Umalis muna si Mama para magkaroon kami ng privacy.

"Kamusta ka naman?" Ngumiti naman ako sa kanya.

Lumingon lumingon siya at tila may hinahanap.

"Saan nga pala ang asawa mo?" Mukhang hindi pa niya nababalitaan yung nangyari sa amin ni Zenon.

Hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil tama siya tungkol sa amin ni Zenon.

"Napakatanga ko, Ara. Ang tanga tanga ko." Pagdadaing ko sa kanya.

"Bakit anong bang nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.

"Si Calvin blinackmail niya ako." Nahihiya kong pag-amin sa kanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.

"Pinuntahan ko siya nung January sa isang pub sa Q.C. kahit hatinggabi na dahil may tumawag sa akin na andun siya lasing na lasing at dahil nag-aalala rin ako kung anong pwedeng mangyari sa kanya kaya pinuntahan ko siya pero lahat ng yun ay nakaplano na pala at pinagmukha niyang may nangyari sa amin." Unti unting may tumulong luha sa akin mata habang naalala ang mga sinapit ko sa taong pinagkatiwalaan ko.

"Napakawalang hiya pala nun ni Calvin? Akala ko iba siya! Matagal na siyang wala sa kompanya. Kaya ba wala dito si Zenon?" Tumango ako.

"Kung ganun ang nangyari edi sabihin mo sa kanya kung anong tunay na nangyari." Hinawakan niya ang kamay.

"Hindi niya ako pinakinggan at wala rin akong maalala sa mga nangyari ng gabing yun kaya pano ko ipapaliwanag sa kanya? Kahit siya ay niloko ako."

"Panong niloko?"

"Yung babaeng nakita natin sa airport ang tunay na asawa niya at hindi lang yun may anak na rin siya sa babaeng yun. Pinatay nila ako, pinatay nila ang anak ko! Mga walang hiya sila! Niloko nila ako!" Nagsimula na naman ako sa paghehesterical ng maalala ang mga nangyari.

"Shhh.... Igaganti kita! Anong gusto mong gawin ko dun sa mga yun? Sabihin mo lang! Mga walang hiya sila!" Gigil niyang sabi.

"Gagantihan ko sila! Gagantihan ko sila, Ara!" Niyakap niya ako at muli akong humagulgol.

"Shhh... magiging okay din ang lahat, Aliyah. Huwag kang mag-alala may awa ang Panginoon." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.

"Kung may awa siya, bakit niya hinayaan na maging ganito ako? Bakit niya kinuha ang baby ko? Bakit?! Sabihin mo nga sa akin, Ara!" Nanggigil kong panunumbat.

"May dahilan siya, Aliyah. Mag-antay ka lang at siya ang gaganti para sayo." Tumawa ako sa sinasabi niya na parang isang baliw.

"Kailan? Kapag patay na ako? Ako ang gaganti para sa sarili ko at para sa baby ko!"

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon