Kabanata 14

6.8K 134 1
                                    

January 5, 2015

"Kanina ka pa ba dito?" I asked

"Sino yung kasama mo?" Mukhang nakita niya kaming dalawa ni Calvin.

"Ah yun, boss ko." Naglakad na ako papasok ng bahay

"Boss? Are you sure na boss at employee lang ang turingan niyo sa isa't isa?" Hinawakan niya ako sa braso na nagpahinto sa aking paglalakad.

"Huh? Bakit? Meron pa ba dapat?" Inis kong tanong.

Parang ibig niyang sabihin sa akin na nakikipagligawan pa ako sa mismong boss ko.

"Kasal ka na! Kaya huwag ka ng mag-angkit pa ng ibang lalaki, Aliyah!" Matatalas ang tingin niya sa akin na alam kong pag-uumpisahan na naman namin ng away.

"So, ayan pala ang pinuputok ng butchi mo! Alam kong kasal tayo pero ni kailanman hindi ako nang-angkit ng sinong lalaki! Kaya mag-ingat ingat ka sa pagsasalita mo, Zenon!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga naririnig ko.

"Halina kayo sa loob!" Nagulat kaming parehas ng marinig namin ang boses ni Mommy

"Opo, Mom." Sumunod ako kay Mom sa inis ko sa mga narinig ko kay Zenon.

Wala sa dalawangpu na bisita ang nasa bahay. Kasama sa mga bisitang yun ang pamilya ni Zenon which is kasama nila si Axel at ang Tita at Tito ko. Maliit na handaan lang, busy sila Mom and Dad kakaentertain ng mga bisita.

Umupo ako sa isa sa mga table na kung saan andun ang kapatid nila Zenon na babae si Pauline. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon pero we have things we are same deal with.

Ininom ko ang alak na ininom niya na kung saan naramdaman ko ang hapdi sa aking sikmura.

"Hi, Ate Aliyah?" Pagbati niya sa akin.

"Pauline, good to see you. How are you?" Nakangiti kong bati rito.

"Okay naman. Eh ikaw matagal na rin kitang di nakakausap pagkatapos ng kasal ninyo ni Kuya Zenon? Kamusta ang pagiging misis?" She giggled.

"Haist. Wag muna yan ang pag-usapan natin."  Himutok ko.

Gaya ni Ara, kaclose ko rin si Pauline. Siya rin ang kasama ko minsan kapag kailangan ko siya.

"Ohh, why? May away ba kayo ni Kuya?" Hindi nila alam kung gaano kasama ang trato sa akin ni Zenon.

Ang tanging alam lang nila ay kung gano kabuti sa akin si Zenon dati.

"Wala. May kung anong bagay lang na di mapagkasunduan." Sagot ko.

"Excuse me." Sabi ng isang boses mula sa likuran ko.

Humarap naman ako at nakita ko ang mukha ng lalaking sumira ng buhay ko. May gana pa talaga siyang humarap sa akin. After all these years?

"Kuya Axel?" Nakangiti si Pauline sa Kuya niya.

"Pauline, can I excuse Aliyah for a little bit?" Magalang nitong saad sa kapatid.

"No!" Madiin kong tutol.

Nakatingin si Pauline sa aming dalawa na parang naguguluhan. Walang nakakaalam ng naging relasyon namin Axel sa kanyang pamilya at kung bakit kami naghiwalay ni Zenon noon na dahilan kay Axel. Alam nila Dad at Mom pero they didn't know what's going on that time.

"Huh? Ano bang meron?" Naguguluhang tanong ni Pauline sa aming dalawa.

"Come with me." He whispered.

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon