Aliyah's POV
"No. I don't want to have wine this night." Sasalinan sana ako ni Pau ng wine. Pero bawal sa akin ang mga may alcoholic beverages dahil buntis ako.
"Unti lang Ate Stacey. Pangcongratualate ko na rin to sayo." Pagpupumilit nito.
"Hindi na kasi ako...." Napatingin ako kay Zenon na nakamasid sa akin. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil hindi pa niya pwede malaman ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Stop it Pau. Ayaw niya, kaya wag mo nang pilitin." Pakikisali ni Zenon.
"Okay. Sorry Ate Stacey." Pau
"It's okay. Let's start to eat." Gusto ko nang makauwi dahil piling ko paliit ng paliit ang hinihigop kong hangin kasama sila.
Kumain na nga kami. Nasa isang French Resto kami ngayon na di kalayuan sa gallery. Walang tigil si Pau kakakwento tungkol sa mga bagay bagay na nangyari sa kanya at tungkol kay Zenon.
"Wait lang, pupunta lang ako sa comfort room." Pau, naging alerto naman ako dahil alam kong maiiwan kaming dalawa ni Zenon.
"Wait sasama ako." Ayaw kong maiwan na kasama si Zenon.
"Huh? Bakit Ate, parang iniiwasan mo ang Kuya ko ah." Halatang ginagawa niya talaga to para bigyan kami ng oras na mag-usap ng Kuya niya. I know her very well. Pinagmasdan ko kung ano bang reaksyon ni Zenon ngunit nanatili parin siyang walang reaksyon.
"Hindi ah. I just need to go to cubicle." Pagpapalusot ko na halatang di naman pinakinggan ni Pau.
"Basta magccr lang ako." Umalis na si Pau na hindi ako kasama. Pinagpatuloy ko parin kumain.
"So how are you?" Pagkaalis na pagkaalis ni Pau ay nagsalita na si Zenon.
"Ah eto, okay lang." Parang nabahag ang buntot ko ngayon. Dati ay mahilig ko siyang inisin at bastusin pero ngayon iba na ang sitwasyon.
"Anong sabi ng doktor bakit ka raw hinimatay? Umuwi na kasi agad ako pagkadala ko sayo sa ospital meron kasi akong emergency. Pasensya na." Bakit ang sakit pakinggan ng sinabi niya na umalis siya ng ospital kapalit ng sinasabi niyang emergency?
Ganun ba kahalaga ang emergency na yun kaysa sa akin? Napailing ako sa aking sarili bakit pa ba ako nasasaktan.
"It's okay. Stress lang sabi ni Dok. Hindi pa nga pala ako nagpapasalamat sayo tungkol dun. Kaya salamat." Pinilit ko paring ngumiti kahit na mahirap para sa akin. Bakit ba ako nagiging emotional nang ganito? Isa ba ito sa tinatawag nilang pregnancy hormones?
Palihim ko siyang pinagmasdan mula sa aking kinauupuan. Bakit tila ang kalmado niya? Hindi ba siya nagagalit sa ginawa ko sa kanya? Mahal niya parin ba ako?
Bigla akong napailing sa huling tanong na gumulo sa utak ko. Bakit ako aasa na mahal niya parin ako kung hindi ko siya pinaniwalaan noon. Siguro nakapag-isip isip na rin siya na pakawalan ako dahil marami na naming beses sinaktan ang isa't isa.
"Good." Tumahimik na siya pagkatapos nun. Bakit tila ang tahimik?
Gusto kong mag-isip kung anong pwedeng sabihin pero ano nga ba? Habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya ay napansin kong medyo may mga nag-iba na sa kanya. Mula sa itsura hanggang sa ugali. Ako ba ang may kagagawan kung bakit lumayo ang loob niya sa akin?
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nag-umpisa na naman siyang makipag-usap sa akin. Pero hindi tungkol sa personal na bagay.
"So how's your business?" Pag-uumpisa niya.
BINABASA MO ANG
Better than Revenge (COMPLETED)
Romance"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isang pagmamahalan na nagtapos sa paghihigantihan. Nagtaksil ka at pinatay ka niya. Alright Reserved ©20...