Italy
Aliyah's POV
"Tomorrow is our flight." Umupo si Axel sa harap ko habang ako naman ay kumakain.
Makita palang siya sa araw araw ay nagpapaalala sa akin ng kapatid niya kaya nawalan ako ng gana para kumain.'
"I know. Don't remind me. I know what are my schedules." Pagsusungit ko sa kanya.
"Okay. What's your plan?" Hindi ko alam bakit kailangan niya pa itanong sa akin ang mga bagay na to.
"Plan? For what?" Pagmamaang maangan ko.
"Huwag na tayong magpaligoy ligoy pa, Aliyah." Tinama ko agad siya sa narinig kong pangalan na sinambit niya.
"Stacey." Tumango siya ng paulit ulit bilang pagsang-ayon.
"Okay, Stacey. Hindi mo sila maiiwasan. Diba gaganti ka? Bakit parang naduduwag ang kaharap ko ngayon?" Gaya nang dati ay nginingisian niya na naman ako na para bang nang-aasar. Na para niya akong sinusubuka at minamaliit sa mga ginagawa ko.
"I don't have a plan. You know what? It's good to have a good life than to take a revenge. It's better than revenge." I know he knows me a lot than I know myself. He is like a psychotic man.
"Oh, come on. Are you telling me na mas gusto mo nalang manahimik kesa gumanti sa panggagago na ginawa sayo." Pagdududa niya sa sinabi ko.
"Stop it! I need some time to think so please get out!" Itinuro ko sa kanya ang pintuan para lumabas.
For 2 years, nabuhay ako ng kasama ang lalaking isa sa sumira sa buhay ko. Bukas na ang araw na magbabago ang lahat. Sumama ako sa Italy para mag-aral at magawa ang talagang gusto ko. Hindi ko kayang magtagal sa Pinas dahil bumabalik ang nakaraan sa akin. Ang pagkamatay ng baby ko, ang panloloko ni Zenon at tuluyang pagkawala ko ng tiwala sa aking sarili. Sa paninirahan ko dito sa Italy binura ko na lahat na kailangan kong burahin sa aking isipan. Pero nanuot pa rin ang galit na aking nararamdaman. Hindi ko kayang palampasin ang ginawa nilang panloloko sa akin. Ilang beses kong kinumbinsi ang aking sarili na kalimutan ang lahat at magbagong buhay pero hindi parin maalis ang sakit ng nakaraan at hindi ko hahayaan na wala akong gawin para ibsan ang mga sakit na yun.
Si Axel kahit na ilang beses ko siyang pinagtabuyan noon ay nandito parin siya sa tabi ko. Sa tingin ko ay nagawa ko na siyang patawarin. Siya ang taong nagsasabi sa akin na kailangan kong mabuhay para balikan at iparanas ang ibinigay nilang sakit sa akin at pati na rin siya ay kailangan kong paghigantihan. He never explain me why he did all this stupid things he had done for me but I knew he was there for me. Nabuhay ako, nabuhay muli ako bilang bagong Stacey,na hindi kailanman masisira kaagad agad gaya ng dati.
Binuhos ko ang oras ko sa pag-aaral sa negosyo at inenhance ko ang aking talento kaya nakakabenta na rin ako ng mga gawa kong paintings. Isa ako sa gumagawa ng charity works para sa mga batang walang magulang. Isa sa mga tinutulungan ko ang San Felipe Child Care na kung saan ang mga nabebenta kong mga obra maestra ay dumideretso roon. Sa pamamagitan nito ay naiibsan ang sakit ng pagkawala ng aking anak. Dito ko binubuhos ang aking sarili upang matulungan sila at doon mabigyan sila ng magandang buhay. Gusto kong makita ang mga batang aking mga natutulungan, I want them to be live well that no one can broke them into pieces like what I am now.
*****************
Manila
"We're here." Kababa lang naming ni Axel sa eroplano.
"Anong hotel tayo tutuloy?" Agad kong tanong sa kanya.
"Sa mga magulang mo ka tutuloy, Stacey. You know how much they really missed you." Hindi ko pa kayang makita sila Mom at Dad.
BINABASA MO ANG
Better than Revenge (COMPLETED)
Romance"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isang pagmamahalan na nagtapos sa paghihigantihan. Nagtaksil ka at pinatay ka niya. Alright Reserved ©20...