Kabanata 16

7.2K 129 0
                                    

January 6, 2015

Nasa Puerto Galera kami kaya pala sobrang ganda ng lugar. Puerto Galera? Eto yung ticket na binigay nila Mom at Dad para sa honeymoon sana namin ni Zenon pero tinanggihan niya. Ibig bang sabihin nun ay tinanggap niya na? Kaya andito kami ngayon? Pero anong ihip ng hangin ang sumanib sa kanya para tanggapin yun?

Pumasok kami sa isang kwarto at napakalaki nun para sa aming dalawa. Siguradong napakamahal ng kwarto ito. Napakalaki ng kama, king size at kitang kita ang napakagandang dagat mula roon. Ayaw ko na ngang umalis sa pagkakahiga ko kanina sa buhangin pero sumunod nalang ako kay Zenon dahil hindi ko alam kung anong room kami kung hindi ako susunod sa kanya baka hindi na ako balikan nun sa beach.

"Nag-order ako, bayaran at pirmahan mo nalang mamaya andyan ang pera sa mesa. Maliligo muna ako." Hindi ko alam pero nagkakamali ba ako ng nakikita ngayon tila kalmado siya.

Tumango nalang ako. Kahit ako nga pala ay hindi pa naliligo simula pa kahapon buti nalang at hindi ako nag-amoy ewan sa eroplano.

Saglit lang ay may kumatok sa kwarto namin.

"Baka ito na ang sinasabi ni Zenon." Nasabi ko at binuksan ko ang pintuan.

Bumulaga sa akin ang maraming pagkain.

"Room 415 po ba talaga yan?" Natanong ko sa lalaki.

"Opo Ma'am. 415 po talaga." Inabot niya sa akin ang resibo.

Halos mapamura ako sa nakita kong bill. P 7, 898.50?

"Eto po talaga ang mga mahalaga nito?" Halos mapanganga ako sa mahal.

Hindi ako ganun kagastos na tao kahit na meron naman talaga akong erang panggastos. Siguro naman ko ang pagiging kuripot ng Daddy ko.

"Opo Ma'am." Magalang nitong sagot.

Sanay naman ako na ganito ang binabayaran ni Dad kapag kumakain kami sa mga mamahaling resto pero kalimitang marami kami o di kaya naman ay may okasyon. Pero kaming dalawa lang ang kakain ng pangpituhang taong pagkain? Anong gusto niya gawin ko? Kainin ko lahat yun?

"Keep the change." Pagkaabot ko ng walong libo.

"Thank you po, Ma'am." Nakangiti niyang sabi at umalis na.

Ipinasok ko ang napakaraming pagkain sa kwarto. Inilagay ko sa mesa at inayos. Sa totoo lang gutom na ako lalo na't hapon na simula nang isama niya ako dito nung umaga ay wala pa kaming kaing dalawa.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain ay tumungo ako sa may terrace. Kitang kita doon ang napakagandang dagat. Tila inaakit ako nito para lumangoy dun.

5:30 pm

Lumabas na si Zenon sa banyo. Napakatagal niya talagang maligo daig pa ako.

"Kumain ka na." Anyaya ko sa kanya.

Umupo siya sa isa sa dalawang upuan at ako naman ay nanatili sa terrace. Alam ko namang ayaw niya akong makasabay kaya mapapahiya lang ako kapag nakaupo ako dun.

"Umupo ka na dito at sumabay sa pagkain." Napalingon ako sa narinig ko dahil magbagong buhay ba talaga siya?

"Talaga?" Ayun agad ang lumabas sa bibig ko.

Nagmamadali akong umupo at hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi. Kumuha agad ako ng kanin at chicken fillet. Nang tipong lalagyan ko na si Zenon ng ulam ay hindi ko na nagawa
dahil iba na naman ang titig niya sa akin.

Naalala ko dati kapag kumakain kami ng sabay noon ay napakasweet namin sa isa't isa. Nagsusubuan at hindi maalis ang titig sa aming mga mata. Iba na pala talaga kami ngayon. Nagsasama kami para sa kagustuhan ng aking mga magulang hindi dahil mahal niya ako gaya ng dati.

Better than Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon