April 6, 2015
Two days nang hindi umuuwi si Zenon sa bahay. Simula ng araw na yun. Umaasa parin akong maliwanagan ang isip niya. Nakapatay ang phone niya, ilang beses ko siyang tinawagan pero wala. Hindi ko maiwasan na di maipagkumpara ang nangyari sa akin noon sa ngayon. Bakit ba ganito kalupit sa akin ang mundo? Marami ba akong nagawang kasalanan? Kaya ganito nalang ang pagpapahirap sa akin?
Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon. Hindi ko maintindihan ang itsura ko ngayon. Hindi ito ang ayos ko noon. Ang mga mata ko ay mugtong mugto sa kakaiyak. Habang ang suot ko ay hindi ko maintindihan kong ano ang ayos. Naghilamos ako upang magising ako sa katotohanan. Nakatingin ako sa aking sarili na awang awa. Kahit na ako mismo ay awang awa sa aking hitsura. Bigla akong napahawak sa aking tiyan at kumawala muli ang mga luha.
"Baby, okay lang si Mommy. Pasensya ka na dahil walang kwentang ina ang napuntahan mo, patawarin mo ako anak kung bakit ka nawalan ng ama. Sana mapatawad mo ako. Stay ka lang diyan sa tiyan ni Mommy ah. Ikaw nalang ang meron si Mommy ngayon kaya wag mong iiwan si Mommy dahil mahal na mahal kita." Napaupo ako sa sahig at mahinang humagulgol.
"Pano ako ulit mag-uumpisa kung sirang sira na ang buhay ko ngayon? Ganito ba talaga dapat ang maging buhay ko? Ganito ba ako kasama?"
Nang ring ang doorbell ng condo bago ako tumayo ay pinunasan ko ang mukha ko ng puno ng luha.Inaasahang ko si Zenon ang nasa labas ng pintuan pero nagkamali ako. Dumiretso siyang pumasok ng walang paalam at inilagay ang payong na basang basa. Umuulan pala? Kahit na ang ulan ang nangyayari sa labas ay hindi ko na alam.
"What are you doing here?" Bungad ko sa kanya.
"Bukod sa kukunin ko ang gamit ni Zenon, gusto ko sana malinaw sayo ang lahat." Nakangiti niyang sabi at doon ko lang napagtanto na nagtagumpay na siya.
"Are you kidding me?!" Marahan ko siyang tinulak palabas ng pintuan.
"No, I'm not." Ngunit matigas siya at agad na dumiretso sa sala at umupo sa may couch.
"Bakit ikaw ba nandito? Saan si Zenon?" Pagharap ko sa kanya.
"Sinabi ko na ang dahilan kung bakit ako nandito, Aliyah." Tila pagmamay-ari niya ang bahay kung makaasta siya.
"Baliw ka ba? Anong ginagawa mo dito sabi? Kung wala ka namang impormasyon kung saan si Zenon. Umalis ka na!" Hindi siya nakikinig. Binuksan niya ang bag niya at may kinuhang papel. Inilagay niya yun mesa sa harapan ko.
"What is that?" Tiningnan ko lang ang papel na nasa mesa.
"See it yourself, my dear." Nakangisi niyang saad.
Tiningnan ko naman ang papel na yun at ikinugulat ko ang nakita ko. Nailalag ko yun ng di sinasadya.
"What does it mean?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Hindi pa ba halata?" Pagmamataas niya sa akin.
"Hindi pwede, kasal kami ni Zenon kaya hindi totoo yang ipinapakita mo sa akin! Ginagawa mo lang to para maghiwalay kami!" Kahit na ang sarili ko ay tinataksil na ng mga luhang tumulo sa aking mga mata.
"If you don't believe, I will give you the address where Zenon is, but for a while see this first. Sa tingin ko naman titigilan mo na kami kapag nakita mo na yan?!" Ibinigay niya ang isang litrato ng isang bata na sa tingin ko ay 1 taon palang.
"Who is this?" Nanginginig ako sa takot sa sasabihin niya dahil alam ko na sa umpisa palang kung ano ang pinasok ko.
"He is our son. Totoong anak ni Zenon di gaya ng dinadala mo. Bitch!" Halos hindi na ako makatayo sa mga ipinagtatapat niya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Better than Revenge (COMPLETED)
Romance"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isang pagmamahalan na nagtapos sa paghihigantihan. Nagtaksil ka at pinatay ka niya. Alright Reserved ©20...