Aliyah's POV
"Ate Aliyah!" Napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sa akin.
"Pauline, napadalaw ka?" Lumapit ako sa kanya at pinaupo sa upuan na malapit sa kinatatayuan namin.
"Napalapit kasi ako dito Ate." Sinenyasan ko ang si Lewi na magdala ng inumin.
"Ganun ba." Ilan sandali lang ay dumating na si Lewi at inihatid ang inumin.
Umalis agad ito pagkabigay ng inumin. Napansin kong parang natulala si Pau kay Lewi na ngayon ay likod nalang ang makikita mo. Bata pa siya kaya mabilis humanga sa aking kagwapuhan ni Lewi. Hindi ko siya masisi.
"Ate sino yun?" Itinuro niya si Lewi.
"Si Lewi, bakit type mo ba?" Mabilis naman itong tumango.
Naaalala ko ang mga panahon na nagboboys hunting kami ni Pau. Naghahanap kami ng mga lalaking may aking kagwapuhan at nagkukumpara sa bawat nakikitang lalaki. Isang katuwaan namin dati kapag magkasama kami pero parang nadala niya hanggang ngayon.
"Mabait yan at makaDiyos." Bulong ko, naalala ko ang pagsama sa akin ni Lewi sa simbahan upang ipahayag ang aking mga kasalanan at naging malaking tulong iyon upang malaman ko ang katotohanan.
"Talaga? Ang galing naman." Para siyang lumulutang sa ulap habang sinasabi yun. Napailing nalang ako nang makita ang sitwasyon niya.
May pumasok sa shop at napatingin ako. Napatayo naman ako ng makita si Ezekiel ngayon ay nakatingin sa akin.
"Ezekiel." Nasambit ko at agad naman na lumapit ito.
"Aliyah." Napatingin naman si Pau kay Ezekiel.
"Ay, Pau ito nga pala si Ezekiel, kaibigan ko." Nakatulala na naman si Pau kay Ezekiel.
Naguguluhan ako sa babaeng to. Akala ko ba si Lewi ang type niya? Bakit parang ang bilis nag-iba ng hangin?
"Ezekiel siya naman si Pau, hipag ko." Ngumiti si Ezekiel na mas lalong nakapagpalala kay Pau na ngayon ay parang wala na sa mundo ngayon.
"Pau? Pau?" Tawag ko rito pero hindi siya nagpatinag sa pag-iimagine niya.
Hinawakan ko siya sa balikat na ikinagulat niya naman. Napalingon siya sa akin na tila humihingi ng tulong dahil alam niya napahiya siya kay Ezekiel.
"Ezekiel, pasensya ka na. Masyado atang nabilib si Pau sa kagwapuhan mo eh." Pagbibiro ko. Napatakip si Pau sa mukha at umupo sa kahihiyan habang si Ezekiel naman ay walang tigil sa kakatawa.
Pinaupo ko siya sa upuan na katabi lang ni Pau. "Maiwan ko muna kayo kukuha lang ako ng makakain niyong dalawa. Mag-usap lang kayo." Nakangiti kong saad at umalis na ako.
Habang naghahanda ng makakain nila ay tinitingnan ko sila. Napaisip ako na bagay nga sila sa isa't isa. Dalawang taon lang ang agwat nilang dalawa.
Sa nakikita ko ay nag-uusap na silang dalawa at walang tigil sa kakatawa si Ezekiel. Tumungo na ako sa kinauupuan nila at inilagay ang pagkain sa lamesa.
"Parang nagkakamabutihan na kayo ah?" Umupo ako sa harapan nila.
"Hindi masyado." Nahihiyang sabi ni Pau.
"Bakit ka nga pala napadaan dito?" Ukol ko kay Ezekiel.
"Napadaan kasi ako sa isang mall kanina at nakita ko to. Naalala kita kaya binilhan ko ang baby mo." Iniabot niya ang isang paper bag na medyo may kaliitan.
BINABASA MO ANG
Better than Revenge (COMPLETED)
Romance"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isang pagmamahalan na nagtapos sa paghihigantihan. Nagtaksil ka at pinatay ka niya. Alright Reserved ©20...