Aliyah's POV
Nagpaalam na si Ara at ang kanyang anak na si Faye. Inabot din kami ng gabi sa rami ng pinagkwentuhan namin. Masaya akong muling makita siya.
"Hi!" Napalingon ako kay Zenon na ngayon ay nasa harapan ko na.
"Oh, andyan ka na pala." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Parang wala ka sa sarili mo ah?"
"Huh? Hindi ah. Medyo napagod lang ako ngayon."
"Sabi ko sayo, pwede ka namang di pumasok araw araw dahil andyan naman ang mga staff mo." Umiling nalang ako at kinuha ang mga gamit ko.
Hindi ko maiwasan na mapaisip ngayon.
"Halika ka na." Lumabas na kami ng shop at sumakay na sa sasakyan.
Ihahatid niya ako sa bahay.
"May problema ka ba?" Lumingon ako sa kanya dahil nakatingin ako sa labas.
"Huh? Wala. Wala lang ako sa mood ngayon." Tumingin muli ako sa labas habang nag-iisip.
Naguguilt ako sa kalagayan namin. Dahil unang una dapat hindi niya na ito ginagawa dahil marami na siyang bagay na nagawa para sa akin at marami na siyang pinagdaanan dahil sa akin. Pero anong tong ginagawa ko? Bakit hindi ko parin maibigay ang gusto niyang pag-uumpisa na hinihingi niya sa akin?
"Andito na tayo." Saad niya.
Napalingon naman ako dahil hindi ko inexpect na andito na agad kami sa bahay ko.
"Thank you." Pababa na sana ako ng muli siyang nagsalita.
"Don't go to work tomorrow. Let's go to the OB." Tumango nalang ako at bumaba.
Ilang buwan na ang batang nasa tiyan ko pero hindi pa kami nakakapagpacheck-up.
*********************
Nilagay na ng doktor ang gel sa aking tiyan upang makita ang nabubuong bata na meron dito. Ilang sandali lang ay inilagay niya na pang-ultrasound. Ilang sandali lang ay may imaheng lumabas sa screen.
"Eto ang baby niya." Ituro ng doktor sa screen.
Alam kong masaya ako ngayon. Sobrang saya, naiiyak pa nga ako sa sobrang saya. Naramdaman ko na humawak sa akin si Zenon.
"Nagsisimula nang mabuo ang mga daliri niya dahil nasa 13 weeks palang siya ngayon."
"Gusto niyo bang marinig siya?" Tanong ng doktor.
Mabilis akong tumango at pati na rin si Zenon. May ibinigay siyang headset sa amin at naririnig namin ang tibok ng puso nito.
Mas lalo umagos ang luha ko dahil alam kong nandito siya. Nandito siya sa akin ngayon.
"18 to 20 weeks pa diba Dok malalaman kung anong kasarian niya?" Zenon, tumango naman ang doktor. Naisip ko tuloy kung nagresearch ba siya o alam niya talagang ganun na noon palang.
"Mararamdaman mo na rin ang pagsipa ng bata, Misis." Ngumiti naman ako dahil hindi ko alam kung anong dapat isagot. Hindi ko parin maialis ang tuwa ngayon.
Umalis na kami sa ospital. Bisperas ng pasko ngayon at napakagandang regalo ang araw na ito sa akin. Hindi ko parin maialis ang ngiti ko sa litrato na hawak ko ngayon. Batid ko ang kalagalakan ko ngayon.
"Baka matunaw ang baby natin yan." Pagbibiro ni Zenon sa akin.
"Salamat dahil dinala mo ako dun." Ngumiti naman ito.
BINABASA MO ANG
Better than Revenge (COMPLETED)
Romance"Everyone needs a second chance" Pero kung ang isang pagkakamali ay hindi na kayang patawarin pa? Maibibigay mo pa kaya ang second chance niya? Isang pagmamahalan na nagtapos sa paghihigantihan. Nagtaksil ka at pinatay ka niya. Alright Reserved ©20...