Matapos ang mga gawain ni Dan sa tanghali ay nagtungo s'ya sa computer shop para mapuntahan ang mga bagong kaibigan. Nakita n'ya naman agad doon ang apat sa mga iyon.
"Oy pre, si Dan oh! Sigaw ng isa at naglapitan sila dito. Ngumiti naman si Dan at tinungo ang lugar kung nasaan ang mga 'to.
"Mga p're pasensya di tayo nagkakilala ng maayos kahapon." Nakangiting sagot nito habang nakipag hi-five sa mga 'to.
"Ahh, oo nga pala." Wika ng isa na pinakamatangkad sa grupo. "Ako si Jed." Sabay sabi nito
"Ito naman si John, Jake at Jack." Turo nito sa pinakapayat sa grupo na si John, si Jake naman ang moreno at si Jack ang pinakamaliit mukha itong grade 7 sa height nito na kaedad din ni Dan.
"Oh DOTA tayo." Aya ni Dan sa mga 'to.
"Dan mga walang pera 'yang mga 'yan ngayon." Wika ni Jed habang umakbay kila John at Jake.
"Gusto mo Dan maligo nalang tayo sa ilog." Prisinta ni Jake sa ideya nya.
"Tamang-tama mainit ngayon." Wika ni Jack sa mga kaibigan na tila excited pa sa kanila.
"Sige!" Sabi ni Dan na tumango. "Teka magdadala lang ako ng pamalit na damit." Dagdag nito saka tumakbo para umuwi, ganun din ang mga katropa nito ng sumang-ayon sa ideya ni Jack.
"Tsong maliligo lang po kami sa ilog ng mga bagong kakilala ko dito ah?" Paalam ni Dan sa matanda ng maabutan n'ya itong nagdidilig ng mga halaman sa harap bahay.
"O sige Dan. Mag-ingat ka nalang." Wika nito na patuloy sa pagdidilig ng mga halaman.
"Wag ka nalang magpagabi at malakas ang agos ng tubig sa gabi baka maaksidente ka." Dagdag na paalala ng matanda sa kanya.
Nagkita-kita ang mga magbabarkada sa harap ng internet cafe. At nang makumpleto na sila tumuloy na sila sa paglalakad patungong ilog. Dumaan sila sa gubat na medyo matarik at madahon ang dadaanan. Sumusunod lang si Dan kay Jed at sa iba pang kasama.
Nang makarating sila sa ilog nakita nila ang babaeng nakita ni Dan sa plaza, naglalaba ito ng matagpuan nila. Nang makita sila nito bigla itong umalis at mabilis na iniwan ang lugar.
"Kilala n'yo ba kung sino 'yong babae na naglalaba kanina?" Tanong ni Dan sa mga kasama habang nakatingin sa direksyon na dinaanan ng babae. Nagkatinginan ang mga kasama nya.
"Hindi namin kilala 'yon e. Taga kabilang baryo ata 'yon. Pero lagi ko s'yang nakikita sa palengke. Sagot ni Jack kay Dan habang hinuhubad ang t-shirt at tumalon na sa ilog.
"Ano pag-uusapan n'yo nalang yung chick na 'yon? Wala na kayong balak maligo?" Sigaw ni Jack habang lumalangoy. Sumunod na ang iba pwera kay Dan, gusto n'yang sundan ang babae at matanong ang pangalan n'ya.
"Hoy Dan! Ayaw mo ba maligo?! Kanina excited ka, nakita mo lang 'yong chick na tulala ka na! Mahal mo na ba? Haha." Mapang-asar na sigaw ni Jed at binasa si Dan. Tila napabalik sa ulirat si Dan nang tamaan ng malamig na tubig sa pambabasa ni Jed.
"Haha. Mga loko! Sige nand'yan na." At naghubad na rin s'ya ng damit at tumalon. Tumagal sila ng ilang oras dahil nagkatuwaan at lalong nakilala ni Dan ang mga ito. Mag aalas singko, umahon na sila pakalat na ang dilim sa kalangitan at naglakad na pabalik.
"Tara mga p're. Magdidilim na baka maligaw tayo pabalik." Aya ni John na tapos na magbihis. Inaantay nalang nito ang mga kasama. At nang matapos na sila magbihis naglakad na sila pabalik sa baryo. Nakakakalahati na sila ng may marinig sila na tumatakbo mabilis, malalakas at mabibilis na yabag sa likuran nila. Nagkulasan ang mga kasama ni Dan at s'ya ang nahuhuli may bumangga sa tagiliran n'ya at ramdam n'ya ang sakit na parang may nabali sa mga tadyang n'ya. Hindi s'ya makatayo sa sakit na nararamdaman. At nang makabawi nakita n'ya kung ano ang bumangga sa kanya - baboy ramo itim at ang laki. Hindi n'ya malaman kung ito ang aswang o mabangis na hayop lamang.
Bigla ulit s'yang sinuwag nito sa katawan at napahiyaw sa sobrang sakit. Para bang nawawala na s'ya sa ulirat sa tuwing tatama ang mahabang pangil nito na tila sungay. Napansin n'ya na may tama s'ya sa tagiliran at umaagos na ang saganang dugo dito.
Tila nahihilo na s'ya at nanghihina dahil marami na rin ang nawalang dugo sa kanya. Nawalan na s'ya ng pag-asa at alam na ang kahihinatnan n'ya. Parang mawawalan na s'ya ng malay.
Ngunit bago s'ya mawalan ng malay nakita n'ya ang isa pang nilalang na mabilis lumundag mula sa kawalan at nagdilim ang lahat. Hindi na n'ya nalaman ang mga sumunod na pangyayari.
+++++++++++++++
Nagising si Dan sa kwarto n'ya. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nakauwi mag-isa sa bahay ng tiyuhin, sinubukan n'yang tumayo ngunit napatigil dahil sa sakit na naramdaman mula sa kanyang tagiliran. Naalala n'ya ang pangyayari kagabi.
Dahan-dahan s'yang naglakad palabas sa kwarto at nakita si mang Tonio sa sala.
Napatayo bigla si mang Tonio ng makita s'ya. "Dan! Nako! Wag ka muna maglakad-lakad baka bumuka ang sugat mo!" sambit nitong may pag-aalala. Inalalayan s'ya ng matanda maumupo sa silya.
"Tsong pa'no ho ako nakabalik dito?" tanong ni Dan sa matanda pagkaupo. "E, ang huli ko po'ng natatandaan ay inatake ako ng baboy ramo sa gubat at doon nawalan ng malay."
"Yo'n nga din ang kwento nila Jed nang sumugod dito kaya sumama agad ako papunta sa gubat. Pero laking pagtataka namin ng matagpuan kita sa bungad papasok ng gubat." paliwanag nito sa kanya.
Pilit na inalala ni Dan ang pangyayari. Ang huli n'yang natatandaan ay may biglang sumugod sa baboy ramo at sakto s'yang nawalan ng malay. Hindi n'ya alam kung ito ang nagligtas at nagdala sa kanya sa bungad ng kagubatan.
"May Anghel De la Guardia ka 'ata Dan," natatawang wika nito. "Maaaring y'on ang nagligtas sa'yo sa kapahamakan, nagpasalamat na nga lang ako at 'di malubha ang tama mo."
Habang sinasabi iyon ng matanda alam ni Dan na hindi sa sarili n'ya na hindi anghel ang tumulong sa kanya. Kaya napapaisip s'ya sa mga pangyayari.
Kinahapunan dumalaw sila Jed kay Dan at napag-usapan ang pangyayari kagabi. Kinumusta ng mga ito ang lagay n'ya at humingi ng tawad dahil iniwan s'ya ng mga ito.
"Wala 'yon mga p're, tama din naman ang desisyon n'yo na tawagin si tsong at iba pang nakakatanda dito." wika n'ya sa mga 'to.
"Talaga? Hindi ka galit o nagtatampo man lang?" singit ni John.
"Medyo nainis lang. Haha. Pero wala na 'yon ligtas naman ako 'di ba?" sagot n'ya dito.
"Nagdala pala kami ng meryenda p're. Tara kainin na natin 'to." Binuksan ni Jake ang dala nitong palayok na may laman na arozcaldo.
"Pagpasenyahan mo muna 'yan tol. Haha. Iyan lang ang nakayanan." wika ni Jack.
"Ano ba kayo? Sarap kaya nito." Nagtungo sila sa kusina at doon pinagsaluhan ang meryenda.