Sa isang kabaret makikita ang isang babae sa entablado na naiilawan ng mga malalabong ilaw, sumasayaw sa saliw ng mabagal na tugtugin. Walang pang-itaas na damit at nakaluwa ang mga dibdib sa mga kalalakihan na nanonood. Bumaba ito sa maliit na entabladong sinasayawan nito at lumapit sa mga parokyanong tila mga lobong gutom sa laman, patuloy ang pagsayaw niya habang naglalakad patungo sa mga kalalakihan at sa bawat lamesa na kanyang nadaraanan ay kanya-kanya ang mga hipo nito sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.
Hanggang sa marating niya ang kinauupuan ng isang lalake at sinayawan niya ito. Kumalong siya paharap dito at saka gumiling, tila tuwang-tuwa naman ang lalake sa ginagawa niya. Naglikot na ang mga kamay nito at hinawakan ang isa niyang dibdib pero hindi niya ito pinigilan at patuloy lang na sumasayaw sa harapan nito. Yumuko ito sa mga dibdib niya at saka sinuso ang isa sa mga 'yon habang nilalamas ang isa.
Nang malaman ng babae na patapos na ang tugtog tumayo na ito. Ang lalake naman dumukot ng pera sa wallet at hinatak ang suot niyang saplot sa ibaba; sinilip ang nandoon at nilaglag ang pera. Napangiti naman ang babae at umalis na matapos magtanghal.
Lumapit ang lalake sa manager at kinausap niya ito. "Magkano pag-inilabas ang babae na iyon?"
"Mura lang boss," sagot ng may katabaang lalake na nakangiti. At mula sa malayo makikitang nag-aabutan na ng pera ang dalawa.
Lumapit ang manager sa babae. "Arian may customer ka, yung nagpa-lap dance sa'yo kanina ilalabas ka."
Tumango naman ang babaeng tinawag na Arian at nagpalit na ng damit sa dressing room.
"Mabenta ka talaga Arian laging mga dayo ang mga nahuhumaling sa'yo," wika ng matabang lalake. Iniabot nito sa kanya ang apat na libong piso na komisyon niya.
"Sige balik ka nalang kung maaga kayo matatapos ah?" Pahabol ng manager nang lumabas na siya.
"Hi!" Bati ni Arian sa dayo. "Anong pangalan mo?"
"Carlos," sagot ng lalake. "Ikaw si Arian 'di ba? Ilan taon ka na?"
"Oo ako nga si Arian, 19 na ako," wika ng babae.
"Haha. Hindi ka mukhang 19 e," anito sa babae. "Parang 17-16 lang ang itsura mo."
"Hahaha. Mukha lang akong bata pero matanda na talaga ako." Natatawang sabi ng babae sa kanya. At bigla nitong nilapit sa lalake ang bibig at may binulong. "Kasi aswang ako."
Napatawa naman ang lalake sa narinig. "Mapagbiro ka rin e, no? Pwede bang dumito muna tayo at uminom muna?"
"Sige," sagot ng babae. Tumabi na ito sa lalake at nag-usap sila.
"Gusto mo ba ng beer?" tanong ng lalake sa kanya.
"Sure." Umorder ang lalake sa waiter ng bucket ng beer, crispy pata at barbeque.
Naging matagal ang pag-uusap ng dalawa at marami-rami na rin ang nainom nila. Napansin na ng lalake na may tama na si Arian kaya nilabas niya na ito sa bar, tumawag ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na motel sa bayan.
Nang makapasok sa loob ng kwarto nagsimula nang maghubad si Carlos. Habang naghuhubad napansin niya sa liwanag ng ilaw ang kagandahan ng babaeng binayaran niya. Nasaisip niyang sulit ang walong-libong piso na binayad niya rito.
Hinalikan niya sa leeg ang babae na lango na sa alak. Halos hindi na ito makagalaw sa kalasingan kaya siya nalang ang naghubad ng mga damit nito. Nang maalis niya na ang lahat ng saplot nito lumantad sa harap niya ang kagandahan at kaputian ng katawan nito. Hindi na nakatiis si Carlos maghuhubad na sana siya ng pang-ibaba niya nang magising ang babae. Na tila ba nawala ang kalasingan.
"Mag-uumpisa na agad tayo?" Mapang-akit na tanong nito sa kanya. Biglang tumayo ito sa pagkakahiga at umupo sa kama. "Hindi mo ba ako roromansahin muna?"
Napalunok si Carlos sa babaeng nasa harapan niya. Nag-init ang likod ng kanyang mga tainga at mabilis na napalapit sa babae. Hinalikan niya ito at gumanti naman ito sa kanyang halik. Muling naglikot ang kamay niya sa buong katawan nito at kung saan-saan iyon nadako habang patuloy siya sa pagsibasib sa paghalik sa labi nito. Bumaba na naman ang kanyang halik sa leeg nito pababa sa dibdib nito at palitang tinikman ang mga iyon.
"Carlos... Carlos..." Tawag ng babae sa pangalan niya.
"Bakit?" tanong niya rito.
"Patayin mo na ang ilaw," wika nito. Mabilis naman sumunod si Carlos at pinatay ang ilaw. Saglit lang siyang napatalikod pagharap niya sa kama ay wala na ang babae.
"Arian! Arian!" Sigaw ni Carlos at napansin niyang bukas ang mga bintana.
"Naisahan 'ata ako nung babae na iyon ah?" wika niya sa isip niya. Sumilip siya sa bintana pero wala naman siyang nakita sa labas dahil sobrang dilim.
Pero nagulat siya nang may dumakma sa kaniya paitaas at nakita niyang inilipad na pala siya ng isang napakalaking ibon na tila ba uwak dahil sa itim na balihibo niyon at nakita niya rin ang mata nitong kulay pula.
Nasindak siya at napasigaw dahil sa ibon na iyon, hindi ito pangkaraniwang ibon. Napasigaw si Carlos nang malamang napakataas na nang nilipad nila. Bigla itong bumulusok nang lipad pababa at bigla siyang binitawan sa lupa.
Dumagundong ang lupa sa pagbagsak niya; hindi na siya makatayo dahil sa sakit nang pagkakabagsak. Napansin niya ring nasa gubat na siya. Hinanap niya ang ibon wala na ito. Pero ang mga dahon sa kaliwa niya ay naggagalawan at natakot siya sa kung anumang nilalang ang lalabas doon.
Pero laking gulat niya nang makita si Arian na nakahubad pa rin sa lugar na iyon. Nakangiti ito sa kanya.
"Carlos, naniniwala ka ba sa aswang?" tanong nito sa kanya. Kinilabutan siya sa tanong nito. Hindi siya makasagot tila ba nalunok niya ang dila niya sa takot.
"Kasi 'yung ibon na dumagit sa'yo... Hindi ibon iyon," wika nito sa kanya. "Aswang 'yun."
Tila ba alam na ni Carlos kung ano ang ipinapahiwatig nito. Napagapang siya para makalayo, pinilit niya ang katawan niya na gumapang kahit alam niyang bugbog ito sa pagkahulog. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot.
"Teka iiwan mo na ako?" tanong nitong parang dismayado. "Kala ko ba gusto mo akong tikman?"
Lumapit sa harap niya si Arian. "'Di ba gusto mo 'to?" Na tinutukoy nito ang pagkababae niya. "Pero pasensya na hindi mo na 'to matitikman. Kasi gutom na ako, e."
Pagkasabi no'n ay nagbago ang itsura nito at naging malaking aso. Unti-unti itong lumapit sa kanya at saka siya kinagat nito sa batok. Ramdam niya ang pagbaon ng mga pangil nito sa kanyang leeg. Pagkatapos bigla siya nitong winagwag habang kagat-kagat sa batok. Maririnig ang paglagutukan ng mga buto ni Carlos sa mapwersang pagwagwag nito sa kanya. Sa lakas nang pagwagwag nito sa katawan niya ay nagmistulang basahan si Carlos.
Nang maramdaman na ng halimaw na hindi na gumagalaw ang biktima nito. Hinampas pa nito sa lapag ang bangkay tila ba sinisiguro kung buhay pa iyon. Sumambulat ang mga dugo sa paligid ng gubat na iyon pagkaraan nang ilang sandali nilapa na nang napakalaking aso ang pagkain nito.
Nang mabusog ito sa pagkain nito naghukay ang aso ng pagkalalim-lalim at doon inihulog ang mga tira sa wasak-wasak na katawan nito. Mabilis na tumakbo ang aso at nakarating ito sa motel hinanap nito ang bukas na bintana ng kwarto nila at pumasok doon. Nang nasa loob na ang halimaw nag-anyong babae ulit ito kitang-kita ang magandang alindog ng katawan nito sa malamlam na ilaw ng lamp shade. Pumasok ito sa CR at naligo, tinanggal ang mga dugong nasa katawan. Matapos maligo at makapagbihis lumabas ulit ito sa bintanang pinasukan niya kanina.
Naglakad ito sa sakayan at naghatid sa baryo ng Jaro.
"Hindi pa ako tapos," wika ng babae sa isip niya. "Kayo naman Tonio ang isusunod ko."