Chapter 14

4.7K 125 0
                                    

Dumating ang grupo ni Mang Tonio kasama ang binatang nakaligtas sa grupo sa pinangyarihan. Si Jed... Si Jed ang natira sa grupo na iyon at ang namatay na kapitan ay ang tatay niya. Umiiyak ang binata ng lapitan ni mang Tonio.

"Huwag kang mag-alala. Mahuhuli rin natin ang demonyong 'yun," wika ng matanda habang hinahagod ang likod ng binata.

Tuloy lang sa pag-iyak si Jed.

"Pero maiba tayo Jed... Paano ka nakaligtas?" tanong ni mang Tonio sa kanya.

Napatingin siya sa mga mata ng matanda. Sasabihin niya ba na tinulungan siya ng isa pang aswang? O magsisinungaling siya.

"Ako nalang po ang natira, hindi na po ako hinabol ng aswang nang makalabas sa kakahuyan." Pinili niyang magsinungaling. Dahil alam niya sa sarili niya kung sino ang isa pang aswang na nagligtas sa kanya at baka pagnalaman iyon ni mang Tonio madamay rin ito.

Hindi na niya sinabi dito ang tungkol sa isa pang aswang. At baka pati ito mapagdiskitahan ni Mang Tonio

"Huwag ka mag-alala may plano na ako," wika niya sa binata. "Ako mismo ang papatay sa aswang, tatapusin ko na ang katatakutan sa lugar na ito."

Bumalik sila mang Tonio at ang grupo sa baryo. Nag-usap at pinagplanuhan ang gagawing pagpatay sa aswang.

"Kailangan nang matapos 'to." Pahayag ni mang Tonio sa mga kasama. "Bukas ako mismo ang papatay sa aswang. Kung kailangan kong ipain ang sarili ko gagawin ko, mawala lang salot sa lugar na ito."

"Pero pa'no? Anong gagawin mo?" tanong ni Dencio.

"Lalaban ako nang mag-isa," sagot nito sa kanya.

"Hindi mo siya kaya."

"Kaya ito ang plano ko," sinabi ng matanda ang lahat ng plano nito sa lahat ng tao roon.

Nang matapos niyang ipaliwanag ang kanyang plano sa nga tao. Pinauwi niya na rin ang mga ito gayon din siya. Sabay silang lumabas sa barangay hall ni mang Dencio

"Sigurado ka na ba sa binabalak mo?" tanong ni Dencio kay Tonio.

"Kung ito ang tanging paraan at kung ito ang paraan para maging mapayapa ang lugar na ito... Gagawin ko."

"Sige, good luck. Mag-ingat ka." Tapik ni mang Dencio sa kaibigan saka humiwalay na ng landas.

+++++++++

Kinaumagahan natagpuan ang lahat ng bangkay ng mga kasama sa grupo nila Jed, kasama na rin doon ang kanyang ama. Lahat ng mga namatay noong gabing iyon ay ibuburol sa simbahan. Katatapos lang ilibing ng mga naunang biktima ng aswang ngayon heto't may bago na namang kapalit.

Halos maubos na ang mga tao sa baryo nila Dan dahil ang mga iyon ay nangingibang bayan. Ang iba naman pumupunta nalang sa Maynila para maiwasan ang kaguluhan at kapahamakan sa lugar na iyon.

Nagkita-kita ang mga magkakaibigan sa tambayan nila sa plaza isang hapon. Si Jed ang pumunta sa mga kaibigan para ikwento sa mga ito ang nangyari at kung ano ang plano ni mang Tonio.

"Dan, si mang Tonio... Magpapapain para mapatay ang aswang." Bungad nito sa kanila nang mabuo na ang grupo.

"Huh?" Bulalas ni Dan.

"Oo, magdadala siya ng 2-way radio para marinig ng iba ang nangyayari sa kanya sa gubat. Kapagka nakaharap niya na ang aswang saka darating ang iba na napapalibot sa lahat ng direksyon na pwedeng takbuhan nito."

"Pero nag-aalangan ako sa mangyayari. Baka pumalpak ang plano at madagdagan pa ang ibuburol mamaya," wika ni Jed na napakaseryoso.

"Eh anong plano mo?" tanong ni Jack. "Tutulong tayo?"

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon