Chapter 1

10.3K 226 10
                                    

Si Dan isang binata na matatawag na happy-go-lucky. Gaya ng nakakaraming kabataan sa panahon ngayon may pagka-iresponsable ito, mabarkada at walang pake sa mundo. Sa edad na bente anyos imbes na maghanap ng maayos na trabaho nakiki-extra lang sya sa pagbabantay ng internet cafe. Mahilig tumambay pagkatapos magbantay ng cafe at malimit makita sa loob ng bahay. Sa ganitong gawain umiikot ang buhay nya araw-araw.

"DOTA na raw p're!" Sigaw ni Mark na tropa nya pagpasok sa shop. Kasama nito ang ibang mga tropa

"Ge pre, create na ko. Hanap na kayo ng PC nyo." Sigaw nito habang binuksan ang DOTA na application sa server nya. Naglaro sila.

Pagkasara ng shop tumambay sya kasama ang barkada at nakipag-inuman hanggang madaling araw. Umuwi ng bahay natulog.

"Maine! Gisingin mo na si Dan tanghali na at aalis na ko." Utos ni Enrique sa kapatid.

Umakyat si Maine sa kwarto ng nakakatandang kapatid. "Kuya gising na raw sabi ni kuya." Gising nito kay Dan habang tinatapik.

"Anak ng puta naman oh!" Angal ni Dan na inis na inis. Sabay tingin ng masama sa kapatid na bunso.  Umalis si Maine na tila tiklop sa kapatid.

Bumaba si Dan ng hagdan pagbaba binagsak ang katawan sa sofa. Palibhasa may hang over at masakit ang ulo kaya nakayuko lang si Dan. Napansin sya ni Enrique na lumapit sa kanya.

"Hoy! Uminom ka na naman no?" Anas nito sa kanya na halatang galit.

Tumingin lang ng masama si Dan sa kapatid. Lalong nag-init ang ulo ni Enrique at akmang sasapakin si Dan. Biglang tumayo si Dan. "Ano sasapakin mo ko? O tara suntukan tayo." Angas nito sa kapatid.

Natigilan bigla si Enrique. "Isa lang naman ang utos ko e. Iwasan nyo lang ang bisyo dahil masama yan. Hindi mo na nga kami magawang tulungan dito e. Pansarili mo na nga lang iniisip mo tapos nagbibisyo ka pa?" Pangaral nito sa kapatid.

"Wala kang pakialam. Buhay ko to! Mas mabuti pang umalis nalang ako dito. Kaysa lagi tayong nagtatalo tol!" Sigaw nito sa kapatid na napakaangas.

"E, bakit kailangan mo pang umalis at san ka magpupunta?" Inis na tanong ni Enrique sa kapatid.

"Hangga't nandito ako talagang di tayo magkakasundo." Tugon ni Dan.

"Kung hindi mo kayang sumunod sa mga utos ko talagang walang mangyayari sa 'tin. Lagi mo nalang iniisip ang sarili mo! Nung matapos ka ng high school hindi mo na binalak mag aral ng kolehiyo para mapaangat man lang ang buhay mo at makatulong sa pag-aaral ng kapatid natin." Balik ni Enrique.

"Tama na! Aalis nalang ko! Doon muna ako kay tsong Tonio sa Leyte." Sigaw ni Dan at umakyat ng hagdan upang kunin ang mga gamit sa kwarto nya.

"Kuya hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Tanong ni Maine na bunsong kapatid nila Dan malungkot sa mga nangyayari.

"Hindi na Maine." Sagot ni Dan sa kapatid habang kinikuha ang mga damit nya sa aparador.

"Lalo lang kami magaaway ni kuya pag nag-stay pa 'ko dito." Natapos na ni Dan na isilid ang mga gamit nya sa bag. Lumingon sya kay Maine at nagsabing..

"Mag-aral ka mabuti at ingatan mo ang sarili mo. Tulungan mo nalang din si kuya dito sa bahay. At pasensya na nasigawan kita kanina." Sabi nya rito.

Bumaba na si Dan ng hagdan at nakita nya ang kuya nyang nakatayo sa pinto. Nagkatinginan sila bago lumabas si Dan. Sabay sabi, "Pasensya na kuya, pero mas mabuti na sigurong lumayo nalang ako."

At hindi na nga pinigilan ni Enrique si Dan. Lumapit si Maine na umiiyak at tinitigan si Enrique. Ngunit tanging nasabi nalang ni Enrique.. "Hayaan nalang natin sya."

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon