Chapter 26

4.2K 122 26
                                    

Lumabas si Duela mula sa halamanang kaniyang pinagkublian; na iba na ang itsura. Tumingin ang malaking aso kay Dan at tumango naman si Dan rito. Sumakay si Dan sa likod ng malaking aso at humawak sa leeg nito. Nagsimula nang tumakbo ang malaking aso lulan sa likod si Dan at binaybay ang pinakadulo ng gubat kung saan sila magtatagpo ng isa pang nilalang.

Binabagtas na nila ang madilim na parte ng kagubatan patungo sa kadulu-duluhan nito. May mga pagkakataon na kumikipot ang daan at biglang lalawak. Pero ang pinaka-pinangangambahan ni Dan ay ang maitim na ulap na tumatabon sa kalangitan. Tila nagbabadya ang pagbagsak ng ulan; lumalamig ang kanina'y maalinsangang hangin. Huminto sa pagtakbo si Duela na nangangahulugan na malapit na sila sa lugar. Bumaba na si Dan sa likod ng malaking aso at nagtago na siya sa mga matataas na halaman at naglakad na si Duela papalapit sa lugar kung saan niya unang nakita ang babaeng alakdan. Natagpuan niya agad ito pero naka-anyong tao.

Humarap ito at nagsalita. "Huwag mo nang itago ang pagkatao mo Duela. Alam naman nating dalawa na tayo ang mga aswang."

"M-Mariz?" nangangatal na sabi niya nang biglang magpalit anyo, kahit alam niya nang si Mariz ang aswang. Ngunit talagang hindi pa rin niya maiwasang mangatal nang makaharap itong nakatayo sa gitna ng kagubatan nang hubo't hubad.

Nakangiti lang ito at saka nagsalita. "Duela... Ano? Handa ka na ba?"

"Ikaw ang babaeng alakdan?" tanong niya rito.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Dahil alam kong alam niyo na ni Dan na ako ang pumatay kay Jed!" Biglang lumundag ito nang pagkataas-taas patungo sa pinagtataguan ni Dan. Habang nasa ere nagsimula na itong tubuan ng buntot at magpalit ng anyo.

Agad namang hinanda ni Dan ang sibat na kawayan. Tinutok ang matulis na dulo nito sa paparating halimaw pero laking gulat niya nang lumagpas ito sa kaniya, buong akala niya'y dadagan ito sa kaniya ngunit nasa ulunan niya ito at handa nang itusok sa dibdib niya ang panusok nito. Buti nalang at biglang dumating si Duela na nag-anyong aso at sinalakay nito ang babaeng alakdan.

"Hahahaha. Akala niyo ba matatalo niyo ako?" wika nito. "Hindi niyo ako kaya kahit magtulong pa kayo!"

Sinuntok nito si Duela sa ulo at napatumba nito ang malaking aso. Muling tutusukin sana ng alakdan si Duela nang biglang may tumama sa dibdib nito; binato ni Dan ang punyal dito at sapul ito sa dibdib. Napasigaw sa sakit ang halimaw, agad namang bumangon ang malaking aso at nagpalit anyo at naging malaking pusa saka kinalmot nito sa mukha ang alakdan.

Umaagos na ngayon ang dugo sa isa sa mga mata nito. Napurahan ang halimaw sa mata at nagtatarang ito sa sakit gawa ng sugat nito. Nang makabawi sinugod nito si Duela at nakipagbuno sa malaking pusa. Nagulat si Dan dahil nabuhat nito ang pusang mas malaki pa sa kaniya. Saka binato ng babaeng alakdan si Duela sa isang puno. Impit na atungal lang ang pinakawalan ng pusa sa lakas nang pagtama ng katawan nito sa puno. Sumugod si Dan sa halimaw pero hinampas lang siya ng buntot nito na ikinatalsik niya ng ilang metro.

"Mamamatay kayong dalawa! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin! Lalo na ikaw!" Tinaas nito ang kamay saka pinagkakalmot ang katawan ng pusa.

Pinaputukan ni Dan ng dalawang bala si Mariz. Napahiyaw ito nang tinamaan ito sa bandang likuran; umagos mula sa sugat nito ang itim na dugo.

"Ikaw!" galit na sambit nito, sinugod nito si Dan. Papuputukan ulit sana ni Dan ang halimaw ngunit mabilis ito; nahirapan siya sa pag-asinta. Nang nasa harapan niya na ito, tinabig nito ang baril na hawak niya; tumalsik ang baril sa malayo.

Hinawakan ng babaeng alakdan si Dan sa braso at hinagis palayo. Muling humiyaw si Mariz at mayamaya pa nagbabago ulit ito ng anyo, ang mga kamay nito ay tuluyan nang naging panipit na gaya ng sa alakdan.

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon