Author's note and next story's teaser

4.7K 111 14
                                    

Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat na nagbasa, nag-vote at nag-comment sa kwento kong ito. Sobra akong inspirado magsulat dahil nakakatuwa na may nakaka-appreciate ng ginawa kong story. Maraming-maraming salamat po dahil sinamahan niyo ako hanggang sa katapusan ng kwentong ito.

Sana suportahan niyo rin ang susunod kong story. Ito ang teaser:

TITLE: PSYCHOPATH KIDDO

"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk." Palatak ng babae habang umiiling-iling na lumalapit sa kanya.

"Lyra, Lyra, Lyra. Paano ba 'yan? Ang arte-arte mo kasi, e. Makakatayo ka naman pala 'di mo pa ginawa, ayan tuloy tegi si BF. Wahahahahaha." Tawa nito na para bang nababaliw na.

Saka ito lumapit sa kaniya na may napakalaking ngisi sa mga labi. Ibang-iba ang itsura nito simula ng una nilang pagkikita, mala-anghel ito pero ngayon tila ba demonyo na ang kaniyang kaharap.

"'Wag, maawa ka. Please." Pagmamakaawa ni Lyrang umiiyak habang umaatras pero na-corner na siya nito. Wala na siyang matatakbuhan.

"Usapan ay usapan Lyra. Hindi kita papakawalan, papatayin na kita!" Nakangisi itong nilabas ang butcher's knife na nakatago sa likuran nito.

Tinaas nito ang malaking kutsilyo at tinaga ang kanyang balikat ng ilang ulit. Sumambulat ang masaganang dugo mula sa sugat ni Lyra. Napasigaw si Lyra sa sobrang sakit na nararamdaman. Lumaylay ang braso niya at napansing isang hibla nalang ng laman ang kinakapitan nito.

Lumapit ang babae tinapakan siya sa balikat at biglang hinatak nito ang braso niya, napahiyaw si Lyra sa sobrang sakit at sindak ng malamang tanggal na ang braso niya.

"Lyra, look o! Hello raw! Ngyahahahahaha," wika nito habang tumatawa at winagayway ang braso niya. Hinagis nito ang kaniyang braso at muling nagsalita.

"Oras na para magseryoso. Tatapusin na kita! Bye," wika nito sa kanya at nilabas ang isa pang kutsilyo na napakatalas.

Ginilitan nito ng leeg si Lyra at sumirit ang dugo mula doon. Natalsikan ng dugo sa mukha ang babae at lalong napahalakhak ito. Matapos magilitan ang biktima nito dinilaan nito ang kutsilyong may dugo.

"Ahh.. Ang saya!" Lumabas ito sa silid na iyon na parang walang nangyari.

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon