Lumipas ang mga araw at napadalas ang pagkikita ni Dan at Duela. Balik na rin sa normal ang buhay ni Dan, pinagpatuloy niya ang hanap-buhay ng tiyuhin at nasusuportahan niya naman ang mga pangangailangan sa araw-araw.
Isang araw dumalaw siya sa bahay ni Duela para muling ituloy ang panliligaw, nakita niya ang dalaga na nagbabasa ng libro. Nang mapaangat ito nang tingin at mamataan siya, napangiti ito at tumigil sa pagbabasa.
"Hi." Bati niya nang nakangiti. "Kumusta?"
"Hello. Mabuti naman," sagot nito. "Hindi ka nagtinda ngayon?"
"Hindi. Nami-miss kita, e." Natawa naman ang dalaga sa narinig. "Oo nga."
"Haha. Mapagbiro ka talaga Dan. Parang nung isang araw magkasama lang tayo ah?"
"Ganoon talaga siguro pagmahal mo na ang isang tao." Napansin ni Dan na pinamulahan ng pisngi ang babae. "May dala pala ako para sa'yo." Nilabas ni Dan ang isang mahabang bar ng chocolate.
"Wow! Ang sweet," wika ni Duela. "Literal na sweet."
Nagtawanan ang dalawa at niyaya siya ni Duela sa loob para kumain. Pumasok naman siya at nakiinom nalang ng tubig dahil katatapos niya lang din naman kumain.
"Nga pala... Yayayain nga pala kita para mamaya kung okay lang sa'yo," aniya rito.
"Saan naman?"
"Sa kabilang baryo, dun sa may mall."
"Papasyal?" tanong ng dalaga.
"Oo, gusto lang sana kita makasama." Nakangiti na wika ni Dan rito saka tumingin sa mga mata ng dalaga. "Gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa tuwing nakakasama kita. Nabubuo ang mga kulang sa buhay ko dahil sa ngiti mo."
"Haha. Bola!" natatawang wika ng babae. "Tara, kainin na natin 'tong tsokolate at baka matunaw. Wala pa naman akong fridge."
"Sige." Pinaghatian ng dalawa ang tsokolate na dala ni Dan. At nag-usap sila ng kung ano-ano, tungkol sa kanilang buhay, mga plano at mga pangarap. Lalong nakilala ni Dan si Duela at gayundin naman ang babae sa kaniya.
"Bakit hindi ka nalang bumalik dun sa Manila?" tanong ni Duela.
"Siguro babalik ako roon pagkasama ka," anito sa kaniya. "Kasi bakit pa ko babalik kung natagpuan ko na naman na ang ikaliligaya ko."
"Hahaha. Pwede ka naman bumalik dito at saka alam mo naman ang sitwasyon ko Dan, 'di ba?" wika ng dalaga sa kaniya. "Kaya nga mas pinili kong mamuhay dito para kung magutom man ako... Ang una kong mabibiktima ay mga hayop."
"Eh 'di, dito nalang tayo... Handa akong mamuhay ng ganito. Basta kasama ko ang taong pinakamamahal ko." Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Duela na hindi makapaniwala sa mga binitawan niyang salita.
"Siguradong-sigurado, handa akong makasama ka kahit na may sumpa pa na humahadlang sa atin," ani Dan. "Anong oras na pala?"
"Alas-singko. Bakit?" tanong ng dalaga.
"Tara na. Pasyal na tayo." Aya ni Dan sa dalaga.
"Date na ba 'to?" muling tanong ng dalaga.
"Uhm... Siguro?" Napapangiting sagot ni Dan.
"Teka magpapalit lang ako ng damit." Naghintay nang ilang sandali si Dan at nagulat siya nang makita ang ayos ng dalaga. Nakasimpleng paldang lagpas tuhod at t-shirt na puti lang ito pero kahit ganoon nangingibabaw pa rin ang kagandahan nito.
"Tara?" tanong ni Dan na tila natulala.
"O napa'no ka?"
"Puting-puti ka kasi para kang white lady."