Chapter 22

4K 103 11
                                    

Maalinsangan ang hapon habang si Dan ay naglalakad papunta sa palengke upang singilin ang mga pautang. Katahimikan ang sumasaklob sa lugar dahil wala pang gaanong mga tindero at mamimili ang umuukupa sa lugar, nagsimula nang lapitan ni Dan ang mga may utang sa kaniya upang maningil na rito.

"Magandang hapon po mang Ramil!" Bati ni Dan sa tindero ng isda.

"Ay Dan! Nand'yan ka na pala, ito na ang hulog ko sa utang." Inabot ng matanda ang isang-daang piso kay Dan.

"Salamat ho!" wika ni Dan pagkaabot sa pera at saka umalis.

Hapon na siya naningil ng mga pautang dahil maraming bumibili sa mga tindero sa umaga, ayaw niyang makaabala sa mga negosyo nito. Nang matapos makapaningil sa lahat ng may mga utang sa kaniya nagpunta siya sa pinupwestuhan ni Duela ngunit nadismaya siya dahil wala doon ang babae.

Nagpunta si Dan sa plaza tinignan kung nandoon si Duela o ang barkada; ngunit wala ang mga ito roon. Lilipas na ang isang araw na hindi pa sila nagkikita ng kasintahan. Nag-aalala siya rito kaya napagpasyahan niyang puntahan na ito sa bahay nito.

Madalas tuwing darating siya sa bahay ni Duela ay nasa labas ito nagsasampay o di kaya nagsisibak ng kahoy. Ngunit ngayon hindi niya ito nakita sa labas ng kubo nito. Kaya dumiretso nalang siyang pumasok sa bahay, nakita niya si Duela na nakaupo.

"Oh? May sakit ka?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga.

"Hindi Dan, masakit lang katawan ko."

"Bakit ano bang ginawa mo?"

Saglit na napatigil si Duela at binigay kay Dan ang isang pilas ng papel. Binasa iyon ni Dan at tila lalong nangamba para sa kasintahan.

"Sa'n mo nakuha ito?" tanong ni Dan.

"May isang nilalang akong nakilala at sa kaniya galing 'yan," saad ni Duela.

"Anong ibig mong sabihin sa nilalang na tinutukoy mo?"

"Aswang... Isang nilalang na kagaya ko, isinumpa rin siya upang maging aswang."

"Tapos?"

"Pagod na raw siya. Para bang gusto niya nang tapusin ang sumpa sa pamamagitan ko."

"Huh? Teka-teka ang gulo! Iyong aswang na 'yun gusto kang labanan para patayin mo siya?"

"Oo, ganu'n na nga. Sabi niya sa akin pagod na pagod na raw siya," sagot ni Duela. "At ako lang ang sagot sa sumpa na iyon."

"At 'pag napatay mo siya gaya nang nakasulat dito... Kailangan mong basahin ang enkantasyon rito at mawawala ang sumpa." Pagliliwanag ni Dan rito.

"Tama!" ani Duela rito.

"Sigurado kaya ito?" May pagdadalawang-isip si Dan sa ideya ni Duela. "Hindi ba parang patibong lang ito?"

"Hindi natin malalaman kung 'di natin susubukan." Nakangiti ito at humarap sa kaniya.

"Basta nandito lang ako susuportahan kita," wika ni Dan rito at pinisil ang isa nitong kamay. "Bakit 'di ka nga pala nagtinda?"

"Nakalimutan kong ikwento naglaban pala kami nung halimaw. Malakas siya at binalibag niya ako kaya masakit ang katawan ko."

"Huh? Tapos?"

"Muntik ko na siya matalo. Akala ko patay na, e. 'Yun pala buhay pa... Sabi niya pa nga tao na raw sana ako tapos bigla siyang umalis."

"Kala ko ba nagsasawa na siya? Bakit hindi nalang siya nagpatapos sa iyo?"

"Hindi ko alam... Baka gusto niyang mamatay ng lumalaban o kaya lumaban siya hanggang sa mamatay."

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon