Chapter 17

4K 110 1
                                    

Nang makarating sa mall, namasyal sila at kumain. Naubos ang oras ng magkakaibigan sa papamasyal at naging masaya ang lahat. Ngunit ang pinaka naging masaya sa lahat ay si Dan dahil sa wakas ay napasagot na rin niya ang babaeng inaasam.

"Tara uwi na tayo," aya ni Dan sa mga kasama matapos nilang pumasyal.

"Gala muna tayo doon sa may plaza," suhestiyon ni Jed. "Para masulit niyo naman ang isa't-isa.

Gumatong naman si Jack. "Oo minsan lang 'to."

Tinanong ni Dan si Duela at pumayag naman ito, pauwi na sila sa Jaro. Nang makarating sa plaza biglang nagsialisan ang mga kasamahan ni Dan.

"Oy! Sa'n kayo pupunta? tanong niya sa mga ito.

"Diyan na muna kayo maglalaro lang kami rito." Naupo sa upuang bato ang dalawa at napasandig si Duela sa balikat ni Dan.

"Dan sana may paraan para maputol ang sumpa 'no?" tanong nito.

"Huwag ka mag-alala hahanapan natin ng solusyon 'yang problema mo," aniya rito. "Hindi ako titigil hangga't hindi natin nasosolusyonan iyan."

"Salamat." Saka niyakap ni Duela si Dan ng mahigpit.

Tumingin silang dalawa sa kalangitan at nakita ang napakaraming bituin na kumukuti-kutitap sa kalangitan. "Napakaganda," sambit Duela.

"Mas maganda ka d'yan," pambobola ni Dan.

"Hahaha. Baliw!" wika ng babae.

Ilang sandali pa tila may napapasin na si Dan na kakaiba kay Duela.

"May problema ba?" tanong ni Dan sa kasintahan.

"N-nagugutom ako," sagot nito.

"Sabi ko sa'yo kanina kumain ka ng marami e," wika ni Dan.

"Hindi... K-kailangan ko nang umalis." Nanginginig itong tumayo at saka tumakbo. Sumunod naman si Dan sa kaniya.

"Duela! Hintayin mo ko!" Sigaw ni Dan dito habang humahabol, patungo na ito sa gitna ng gubat.

Huminto ang dalaga. "Dan lumayo ka na muna. Kailangan ko nang magpalit ng anyo delikado."

"Hindi ka naman nangangain ng tao, 'di ba?" tanong niya rito.

"Oo, hindi. Baka ngayong gutom na gutom ako. Oo," sambit nito. "Umalis ka na!"

Nakita niyang tinubuan na ng balihibo ang mukha at braso ni Duela. Sinimulan niya nang tumakbo at si Duela naman ay tumakbo na rin sa ibang direksyon. Nang makalayo si Dan at malapit na siyang makalabas sa gubat ay narinig niya ang nakakapangilabot na alulong ng aso.

"Dan! Nasaan na si Duela?" tanong ni Jed.

"Nagugutom siya nagpalit ng anyo kakain muna 'yun," sagot niya dito. "Bukas pupuntahan ko siya."

"Oh sige. Ano uwi na tayo?" muling tanong ni Jed.

"Oo tara na," sambit ni Dan.

"Doon tayo sa inyo? Movie marathon?" tanong ni Jack. "Marami akong DVD doon sa amin."

Doon tumuloy ang magbabarkada sa bahay ni Dan at doon natulog. Bago matulog napag-usapan nila si Duela.

"Dan, 'di ba sabi ni Duela wala na raw paraan kung paano maalis ang sumpa?" tanong ni John.

"Oo, pero ngayon uumpisan ko nang humanap ng solusyon para roon," wika ni Dan na talagang pursigido.

"Pero ' di ba nga wala na 'yung mangkukulam na nagbigay ng sumpa sa ninuno niya?" anas ni Jed sa kaniya.

Ang Kasintahan Kong AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon