M.E 03

172 9 1
                                    

M.E 03 - Announcement



---



Tiffany's POV



Nalock sila Sunny at Chanyeol sa CR. Halos isang oras na namin silang hinahanap, nasa CR lang pala sila. Bakit kasi sa 4th floor? Tapos sisisihin pa kami ni Chanyeol. Syempre hindi namin maririnig kasi nasa first floor lang kami. Pinuntahan na namin sila dun. Binuksan ko na yung pintuan at nakita ko nakatayo lang si Chanyeol tapos natutulog si Sunny. Pumasok ako sa loob at binuhat si Sunny.



"Ang tagal niyo. Bwisit," sabi ni Chanyeol sabay labas ng CR. Wow! Hindi man lang ako tinulungan at siya pa yung galit, kami nga yung pagod na pagod kakahanap sa kanila. Ang kapal ng mukha. "Thanks, Chanyeol. Nice one," sigaw ko sa kanya at tinarayan siya.



Nagising naman si Sunny. "Sunny! Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Ano? May ginawa ba sayong masama si Chanyeol?" tanong ko at binatukan niya ako. "Kung ano-ano 'yang iniisip mo. Nalock lang kami sa CR. Tara, tulog na tayo," sabi niya sabay lakad palayo. Ang gandang kaibigan 'no? Matapos ko siyang pagbuksan ng pinto at tulungan tumayo, batok ang nareceive ko at hindi man lang nagpasalamat. 



***



*KRINGGG! KRINGGG!*



Bumangon na ako at inayos yung foam. Lahat sila napabangon narin.



"Good morning, Tiffany!" sabi ni Sunny with matching stretch. "Good morning din! Maliligo na ako," sabi ko tapos punta ng CR at naligo.



Tapos na kaming maligo at magayos lahat. Pumunta kami sa dining area at umupo. Nagpaluto ako ng pancake at strawberry milkshake "Kain na tayo," sabi ko at nagsimula na kaming kumain.



"Sunny, ano ba yung sinabi sa inyo ni Mrs. Perez?" tanong ko kasi nung 1st day pinatawag sila kasi may sasabihin daw si Mrs. Perez. "Wala ngang sinabi sa amin. Ewan ko ba kay Ma'am, ang gulo niya," sabi niya at sabay subo ng pancake. Kumain lang kami at wala pa ring kumikibo o nagsasalita hanggang sa matapos kami.



Sumakay kami ng van at tahimik pa rin kami. Siguro wala pa silang masyadong energy kasi napuyat kami kagabi.  



"AH. PLEASE ANSWER MY CALL. SHIT," nagulat ako nung sumigaw si Chanyeol dahil sa inis.



"Problema mo? Si Gyuri ba yan?" tanong ni Baekhyun. Nacurios naman ako kung sino si Gyuri. Girlfriend ba siya ni Chanyeol? Pero parang imposible kasi ang sabi nila sa akin wala pa daw silang nagiging girlfriend. 

Marrying EXOWhere stories live. Discover now