M.E 20 - Cheesy Gifts
---
Sunny's POV
Christmas break na. Kahapon, niloloko lang nila ako para daw magpanic ako at masaya pa silang nagpanic ako. Ang ganda ng trip nila 'no? Gumising ako ngayon ng maaga, achievement, para bumili ng gifts sa kanila. Kahit na inaaway nila ako, bibilhan ko pa rin sila dahil mabait kasi ako. Nagayos na ako ng sarili ko at pumunta na sa kitchen para kumuha ng pagkain.
"Saan ka pupunta? Ang aga-aga," tanong ni Suho na nanonood ng kung ano sa phone niya habang nagkakape. Infairness, gwapo pa rin siya kahit na bagong gising.
"It's none of you business," sabi ko sabay taray at alis na. Hindi ko na tinuloy yung balak kong kumuha ng pagkain dahil mas dadaldalin pa ako ni Suho kapag hindi ako umalis agad.
- Joonmyeon Mall -
Napili kong magshopping rito sa mall nila Suho dahil ito pa lang yung mall na bukas. 5:45 pa lang kasi. Pumasok na ako sa loob. Si Xiumin muna ang bibilhan ko. Ang alam ko blue ang favorite color niya. Naghahanap ako ng kung anong maganda na color blue. Hindi ko kasi alam yung paborito niyang bagay. Napadpad ako sa isang music shop. And I saw a color blue earphones and it has a rabbit design. Binili ko ito at lumabas na ng shop.
Ang next kong binilhan ng regalo ay si Suho. Ayoko nga sana siyang bilhan dahil naiinis ako sa kanya pero Pasko naman kaya hayaan mo na. Since mayaman siya, something mamahalin yung ieregalo ko sa kanya. Choosy pa naman yung lalaking 'yun. Nagpunta ako sa isang jewelry shop dahil napagisipan kong bilhan siya ng bracelet na gold. May nakita akong bracelet na may letter x sa gitna at sakto dahil hindi ito pambabae, noong una kasi parang pambabae kaya tinanong ko sa saleslady, panlalaki daw yung bracelet. Inaasar pa niya ako dahil ang sweet ko daw sa boyfriend ko. Feeling close si Ate at kung alam niya lang talaga ang katotohanan. Binili ko yung bracelet at lumabas na ng shop.
Next kong binilhan ay si Lay. Noong una ay nahihirapan akong pumili dahil para sa akin siya talaga yung hindi ko ka-close sa EXO. Naalala ko naman noong pumasok ako sa kwarto niya para kuhanin yung earphones niya, nawawala kasi yung akin, andami niyang collection ng caps. Yung isang cabinet punong puno ng caps. Nakaka-amaze talaga. So napagisipan ko na cap na lang ang ibibili ko sa kanya. Nagpunta ako sa isang Summer themed shop and andami kong nakitang sunglasses at ang hinahanap ko na cap. May isang purple cap na naka-attract sa akin kaya 'yun yung binili ko para kay Lay. Simple lang siya at na-attract ako dahil color purple, favorite color ko 'yun eh, at saka may nakasulat sa harapan na H E A L. Binili ko na iyon at lumabas ng shop.
YOU ARE READING
Marrying EXO
أدب الهواةHer name is Sunny. A simple girl with an ordinary life. People would describe her as an 'almost perfect girl' dahil lahat ng magandang characteristic ng bababe ay nasa kanya na pero lagi naman siyang sawi sa lovelife. Maayos naman ang lahat kaso big...