M.E 07 - Field Trip (DAY 01)
---
Sunny's POV
Nagising na ako at nasa bahay na kami. Tumingin ako sa bintana, gabi na agad? Kanina nasa school lang ako at saka ko naalala na nalaglag nga pala ako sa hagdan. Tumingin ako sa orasan at 1:00 na. Madaling araw na pala. Bumangon na ako baka kasi malate kami. Malayo pa naman yung airport dito sa bahay namin--- ng EXO pala. Tumayo ako at medyo sumakit yung ulo ko. Napahawak ako rito at may bandage yung ulo ko. Nakaya ko namang maglakad pero saktong papunta na ako sa kusina ay sumakit nanaman yung ulo ko kaya na paupo ako sa lapag.
"Sunny, tutulungan na kita," sabi ni Chen pero pinigilan siya ni Suho sa pagpunta sa akin. "Kaya na niya 'yan," sabi ni Suho kaya walang nagawa si Chen at umupo na lang ulit.
Tumayo na ulit ako at umupo na. "Bwisit," sabi ko kay Suho. Gusto ko siyang sigawan kaso sumasakit yung ulo ko. Kukunin ko na sana yung ulam pero nilagay niya palayo.
"Nangaasar ka ba?" sabi ko pero kalmado pero sa loob ko gusto ko na siyang saksakin ng tinodor na hawak ko. "Hindi," sabi ni Suho habang nakangiti. "Letse. Umayos ka," sabi ko. Nawalan ako ng ganang kumain kaya bumalik na lang ulit ako sa room namin ni D.O at inayos yung mga dadalhin kong gamit para sa field trip.
Nakaka-asar lalo na 'yan si Suho. Nagugutom kaya ako tapos ang bagal pa nila kumilos. Tapos na kasi ako at hinihintay ko na lang sila para makaalis na kami. "Ready na ba?" tanong ni Kris at tumango kaming lahat. Sumakay na kami ng van at sa kasamaang palad, katabi ko pa si Suho.
Habang nasa biyahe kami ay walang tigil ang pangaasarsa akin ni Suho. "Tatahimik ka o papuputukin ko 'yang ulo mo?" sabi ko at sinamaan siya ng tingin."Akala mo takot ako sayo? Hindi 'no. Mas maganda pa nga si Luhan kaysa sa'yo eh," sabi ni Suho at tumawa naman silang lahat. "Tigil-tigilan mo ako Suho. Masakit yung ulo ko," sabi ko at pumikit na. "Kotongan pa kita," sabi niya at sa sobrang inis ko ay sinuntok ko na siya.
"Patigil niyo nga 'tong leader niyo. Xiumin palit nga tayo ng puwesto," sabi ko pero natulog siya kaya wala akong nagawa kung hindi tiisin 'tong kulit ni Suho.
***
Nasa Bohol na kami. Hindi nakasama si Seulgi dahil sa mom niya. Naaksidente daw yung Mom niya kaya hindi siya nakasama. Natulog at kumain lang ako sa buong oras na nasa airplane kami at ngayon, ang boring kasi wala akong kakuwentuhan. Papunta kami ngayon sa isang beach resort. Ang ingay nila dito lalo na yung groupo nila Nicole. Bitches daw yung group name nila at kasama na si Tiffany. Ang ingay nila, parang ngayon lang nakapunta sa Bohol.

YOU ARE READING
Marrying EXO
FanfictionHer name is Sunny. A simple girl with an ordinary life. People would describe her as an 'almost perfect girl' dahil lahat ng magandang characteristic ng bababe ay nasa kanya na pero lagi naman siyang sawi sa lovelife. Maayos naman ang lahat kaso big...