M.E 11

112 11 2
                                    

M.E 11 - Field Trip (Day 5)




---




Sunny's POV




"Suuny! Don't die, please. Just hold on, we'll go to the hospital," sabi ni Suho.



Ako mamamatay? At saka nananaginip siyang nagsasalita? Ang cute niya. Pero bakit kailangan mamatay ako sa panaginip niya?



"Suho. Gumising ka na nga. Last day na natin dito sa Bohol! Bilis na," sabi ko sabay yugyog sa kanya ng todo. Bigla naman siyang napatayo. Pawis na pawis din siya.



"Okay ka lang ba?" sabi niya tapos hinawak-hawakan yung mukha ko. "Ano?" sabi ko tapos binitiwan niya na ako. "Panaginip lang pala," sabi niya. Anong problema nitong lalaki na 'to? "Anong panaginip?"



Tinanong ko siya at kinuwento niya sa akin pero iniklian niya lang kasi mal-late na kami. Sign na kaya 'yun na malapit na akong kuhanin ni Lord? Pero naniniwala pa rin ako na kabaliktaran ang nangyayari sa totoong buhay at sa panaginip kaya hindi mangyayari 'yun.



"Ewan ko sa'yo. Mauuna na ako sa cottage. Nagluto na ako ng breakfast mo. Bye," sabi ko tapos lumabas na ng room. Hindi ko alam pero ayaw mawala sa isip ko nung kinuwento ni Suho. Sana naman hindi talaga mangyari sa akin 'yun.



***



Suho's POV




Grabe. Panaginip lang pala 'yun. Kinabahan ako dun. Paano kaya kung magkatotoo yun? Ano ng gagawin ko? Sasamahan ko ba siya lagi? Hindi naman ipinakita yung killer sa panaginip ko. Bakit ba kasi ang weird ng panaginip ko? Hindi tuloy ako makapag-focus.



Tinigil ko muna yung pagiisip doon dahil nagsalita na si Mrs. Perez, "Students, this is your last day in Bohol so it means that it's your free time to go to the mall, eat your favorite food, go swimming or whatever you wanted to do. Enjoy, Bye!" - Mrs. Perez.



Seriously guys. Ang cool tignan ni Mrs. Perez, maganda siya pero maaga daw siyang nagasawa. Change topic! Pinuntahan ko sila Baekhyun at nagpunta kami sa mall.



"Suho, bakit ka nga pala nalate kanina?" - Lay

Marrying EXOWhere stories live. Discover now