M.E 22

115 8 1
                                    

M.E 22 - Xiumin vs. Suho





---





Sunny's POV




... SUHO."



Nagulat ako sa sinabi ni Tita Jihyun. Si Suho? Bakit siya pa? Bakit yung lalaking ang hilig akong asarin at yung hindi ko makasundo? Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maging reaction sa narinig ko. Paano na lang si Xiumin? 



"Tita, bakit po si Suho?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong matinong itatanong ko.



"Napagusapan lang namin ng mommy mo na si Suho na lang para hindi ka na mahirapan sa pagpili," sabi ni Tita. So it means, silang dalawa ni Mommy ang may pakana ng lahat ng 'to. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako ni Suho.



"Aangal ka pa? Dapat ng ako yung umaangal pero dahil alam ko namang gusto mo rin ako ay okay na ako," sabi ni Suho. Wow, ang kapal. 



"Ang taas rin ng self-confidence mo 'no? By the way, Tita may nangliligaw na po sa akin." - Ako



"Sino yan?" tanong ni Suho at tinaasan ako ng kilay.



Biglang hinawakan ni Xiumin yung kamay ko at nagsalita, "Ako po." 



"Okay pero hindi mababago yung desisiyon namin na si Suho ang pakakasalan mo. Bye, aalis na kami! Let's go na mga amigas," sabi ng nanay ni Suho sabay alis sa bahay.



"We're free!" sigaw ng iba sabay group hug habang kaming tatlo dito nakaupo lang at nakatulala. 



"Xiumin, paano na 'yan? Anong gagawin natin?" nag-aalangan na rin ako. 



"Edi ipaglalaban natin," sabi niya sabay ngiti kaya napangiti na rin ako. 



"Ang cheesy niyong dalawa. Hindi bagay kasi mas bagay tayo, Sunny," sabi ni Suho at umalis. Ano bang problema ng lalaking 'yun? 

Marrying EXOWhere stories live. Discover now