M.E 06 - Trouble
---
Sunny's POV
"Sunny! Wake up," sabi ni D.O habang hinahampas ako ng unan.
"Mamaya na," sabi ko at dumapa.
"Bilis na. Sunny," dahil sa kulit ni D.O ay bumangon na ako sa kama. Nung nakita niyang tumayos na ako sa kama ay lumabas na siya ng room. Inaantok pa ako eh. Napuyat kasi ako kagabi. Hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari kahapon.
***
Naglalakad ako sa corridor tapos andaming nakatingin sa akin. Yung iba halos patayin na nila ako sa tingin nila at yung iba naman tinatarayan ako. May naririnig din akong chismisan ng mga babae dito sa school.
'Ako lang ang dapat pakasalan ng EXO.' - Chismosa 1
'Hindi siya deserving na maging future wife ng EXO.' - Chismosa 2
'Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para maglakad tapos nasa likod niya pa yung EXO.' - Chismosa 3
'Malandi nga kasi.' - Chismosa 4
'Panget na nga malandi pa.' - Chismosa 5
Hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko. Parang gusto ko silang sigawan. tapos yung EXO, nasa likod ko pala. Lalo akong iba-bash ng mga students dito. Lumapit ako sa kanila at sinabing, "Guys, pwede layuan niyo na ako. At! Huwag niyo na ipagsabi sa iba na... basta yung tungkol dun sa sheteng arrange marriege na yan".
"Hindi na namin kailangan sabihin dahil kalat na kaya sa buong school," sabi ni Chanyeol.
Umakbay naman sa akin si Baekhyun. Lalo silang magagalit sa akin dahil dito. Tatanggalin ko sana yung kamay niya kaso pinagbataan niya ako, "Huwag mong aalisin yan or else sasabihin ko sa fans ko na ako yung papakasalan mo". Pero inalis ko parin yung kamay niya. "Hindi ako takot sa'yo at sa fan girls mo. Sige, sabihin mo. Wala akong pake," sabi ko sabay lakad palayo. kung hindi ko 'yun tinanggal, edi mas lalong nagalit yung fan niya.

YOU ARE READING
Marrying EXO
ФанфикHer name is Sunny. A simple girl with an ordinary life. People would describe her as an 'almost perfect girl' dahil lahat ng magandang characteristic ng bababe ay nasa kanya na pero lagi naman siyang sawi sa lovelife. Maayos naman ang lahat kaso big...