M.E 05

152 12 1
                                    

M.E 05 - Evil Plan



---



Hyuna's POV



"Hyuna, mamayang uwian I'm gonna tell you something. Isama mo si Tiffany at Victoria," sabi ni Nicole. Siya yung leader ng group namin. Kasama na si Tiffany sa group namin. "Anong meron?" tanong ko sa kanya. May pinaplano na naman siya. "Basta. I'm gonna call Gyuri muna," sabi ni Nicole at lumabas ng room.



***



Sunny's POV



Nagising ako at bumangon ako kaso biglang sumakit yung ulo ko kaya napahiga ulit ako.



"Sunny? Bakit?" tanong ni D.O habang nakatingin sa salamin. Sinusuklay niya yung buhok niya pero bakit hindi pa siya naka-uniform? "Masakit yung ulo ko." sabi ko. Hinawakan niya yung noo ko. "May lagnat ka. Huwag ka munang pumasok ngayon. Wait, may kukunin lang ako," sabi ni D.O at naglakad papunta sa harap ng pinto.



"Ayoko umabsent. Kaya ko naman yung sarili ko," sabi ko at tinry kong umupo pero sobrang sakit talaga ng ulo ko. "Nakita mo naman. Hindi ka makatayo kaya kailangan mong umabsent," Sabi ni D.O sabay labas ng room.



Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Tiffany.



Me: Tiffany, bakit ayaw mo na ako pansinin? May ginawa ba akong masama? You can tell me. Please, pansinin mo na ako. Dapat nga ako yung magtampo dahil lagi mong kasama sila Hyuna. Please, pansinin mo na ako. Maghihintay ako ng reply mo.



Tinext ko na rin si Seulgi para sabihin na hindi muna ako makakapasok ngayon.



Me: Hi Seulgi! How are you? Hindi muna ako makakapasok ngayon. Nilalagnat kasi ako. Take care! 



Seulgi: Ok lang ako. Pagaling ka! Kamusta diyan sa bahay ng EXO? Yieee. Pupuntahan kita mamayang hapon. Isasama ko yung new friend ko. Wendy ang name niya, you'll like her for sure. Pagaling ka agad ha? Para hindi ka na umabsent. Mamimiss kita. Ang corny ko ba? HAHAHA. Take care din! 



Bumalik na si D.O sa kwarto na may dalang pack ng kung ano. Yung nilalagay sa noo.



"Sinabi ko na sa boys na hindi ka na papasok kasi may sakit ka. Hindi na rin ako papasok, babantayan na lang kita," sabi ni D.O at binuksan yung pack. "Salamat. Ako na lang diyan," sabi ko at ibinigay niya 'yun. Tinulungan niya akong umupo. Kumuha ako ng isa at inilagay sa noo ko. Tumayo ako at hinawakan ako ni D.O sa braso.

Marrying EXOWhere stories live. Discover now