M.E 24

94 9 7
                                    

M.E 24 - Last Day




---





Sunny's POV




Kagigising ko pa lang at nagluto na agad ako ng almusal namin. Naikuwento ko na sa kanila na hindi na ako nililigawan ni Xiumin pero hindi ko sinabi yung sa bet nila ni Daesung baka daw kasi sapakin siya nila Suho. Nagsorry naman siya sa akin at pinatawad ko. Kasalanan ko rin naman kasi pumayag ako na ligawan niya ako pero hindi ko naman siya gusto. Ayoko ng isipin 'yun. Inaayos ko na yung mga pagkain namin ng sumulpot si Chen.



"Chen, pwede bang pakigising yung iba?" tanong ko at pumayag naman siya. Inaayos ko pa kasi yung lamesa.



Matapos kong ayusin ang lamesa at umupo na kami. Nagdasal at nagsimulang kumain.



"Guys, may sasabihin ako sa inyo," sabi ni Chen kaya napatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay na muli siyang magsalita.



"Aalis na ako rito sa EXO Mansion," nagulat naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa ibang members at parang alam na nila 'yun.



"Ha? Bakit naman? Ayaw mo na ba rito?" tanong ko at umiling siya.



"Dumating na kasi si Dad," ano naman kung dumating na yung tatay niua? Gusto ko siyang tanungin pero masyado atang personal yung dahilan niya kaya hindi na ako nangulit.



"Guys, ako rin. Aalis na," sabay-sabay na sabi ng iba except kay Suho at Chen. Ha? Bakit nagsisi-alisan sila?



"Babalik na ako ng Korea," sabay-sabay ulit nilang sabi. Gusto ko rin silang tanungin pero sasabihin naman nila siguro yung buong dahilan kahit na hindi ko sila tanungin kung hindi naman masyadong personal. Tinanguan ko na lang sila at tumingin ako kay Suho.



"Ikaw? Hindi ka ba aalis? Go na," sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.



"Excuse me. Ang totoo niyan ay bahay ko ito kaya ikaw ang dapat na umalis dito. Tutulungan pa kita sa pageempake mo," ng dahil sa sinabi niya ay kumulo yung dugo ko at muntik ko ng ihagis sa kanya yung tinidor na hawak ko. Oo nga pala, bahay niya 'to. Ginawa lang daw nilang EXO Mansion para doon sa marriage na plano ng aming parents at dahil si Suho na nga ang nakatakda ay aalis na sila, magsisinungaling pa sila.

Marrying EXOWhere stories live. Discover now